Eto na nga at nenye-nyerbos si Aileen sa kanyang upuan sa loob ng van dahil malapit na ang oras kung saan sila tatawagin ng mga host upang ipakilala sa maraming tao. Sinilip niya sa may bintana kung saan natitipon ang mga tao upang salubungin ang mga bagong pasok na mga housemates at hindi niya alam kong mai-excite ba sya or kakaba dahil matutupad na rin ang kanyang mga pangarap dahil dito.
Siguro napansin din ito ng isang nakakatandang babae sa kanyang katabi at hinawakan ang kanyang kamay.
"nai-excite ka ba?", malumanay na sabi nito.
"Hindi ko alam kung excite ba ito or kaba ang nararamdaman ko dahil sobra po ung kabog ng dibdib ko, ma.."
"ha ha normal lang yan anak dahil papasok ka sa loob ng bahay ni Big Brother at makikisalamuha ka sa mga hindi mo kakilala. Pero alam kong kakayanin mo rin yung mga pagsubok na darating sa'yo."
Napatingin si Aileen sa kanyang ina at nakita niya ito na nakatingin din ng malumanay sa kanya. Parang maiiyak si Aileen sa kanyang nararamdaman dahil sa mga sinabi ng kanyang ina. Napagtanto niya na iiwan pala niya ito at papasok ng loob ng bahay ni kuya at hindi sya sigurado kung kailan ulit sila magkikita. Naramdaman naman ng kanyang ina ang emotional na damdamin nito at agad itong niyakap.
"its okay anak. Alam kong gagawin mo din ito dahil may pangarap kang nais mong tuparin and I am happy about it. Huwag kang mag aalala sa akin, sa amin dahil nandito naman kaming sumusuporta sa iyo. Basta you have to take care of yourself sa loob ng bahay ni kuya, ha.."
"opo ma.." at kumalas na sa yakap ng kanyang ina at ngumiti. Inaayos ayos naman ng kanyang ina ang kanyang buhok at nakikinig sila sa intro ng mga host upang tawagin na ang mga bagong teen housemate.
"Paano pa kaya magbabago ang kapalaran ng ating mga teen housemate sa pagpasok ng kanilang bagong kasama. Ipagpapatuloy natin ang pagsalubong sa mga masweswerteng kabataang pinoy dito sa Pinoy Big Brother Lucky Season 7!!"
" Hello Philippines!!", pagbungad ng isang host na si tony at nagkwentuhan silang tatlo ng kanyang dalawang co-host na sina robi at Bianca tungkol sa unang housemate na napili at ang sumunod na pumasok na housemate kahapon.
"..salubungin naman natin ngayon ang mapapalad na...GIRL HOUSEMATE!!!" Tony
"Ano nga ang itinuturing nilang maswerte sa kanilang buhay o pamilya at ano ang mga kamalasan naman ang sumubok sa kanilang pagkatao sa kabila ng kanilang murang edad.." Bianca
"Yeah thats right kaya eto po ang unang pasabog sa gabing ito. Ang unang papasok na girl housemate para sa kaninong kapalaran ang pinaglalaban niya sa pagpasok niya sa bahay ni kuya. Eto panoorin nating lahat.!" pagkatapos sabihin iyon ni Robi ay ipinakita nila ang kwento ng unang girl housemate na papasok sa loob ng bahay ni kuya.
Mga ilang minuto rin ang kwento ng unang girl housemate ay ang paglabas din nito sa entablado at pagpapakilala sa maraming tao. Matapos nito ay sumunod din ang iba pang girl housemate at ang kanilang kwento tsaka sila tinakipan ng itim na blindold at pinasok na sa loob ng bahay ni kuya.
Samantala nagsimula namang mamawis ang kamay ni Aileen dahil sa nyerbos. Pinapakinggan niya ang sunod sunod na pagtawag ng mga bagong girl housemate nagsimula sa una na si Heaven na sinundan nung kisses at nung mga iba pa..
"magrelax ka lang Aienn (Pronounce as Ayen para madali), matatawag ka rin.." sinabi ng kanyang ina. Tumango nalang si Aienn at nirelax ang kanyang sarili tsaka sya ngumiti sa kanyang ina.
" At ang sunod at panghuli nating girl housemate ay nagmula naman siya sa sinasabi nating summer capital of the Philippines Baguio City! Ang kanyang istorya? Eto panuorin natin..", nagulantang ako dahil sa pagbigkas nila sa pangalan ko.
Narinig ko nalang ang aking boses na sinasabi ang kwento ko at ng aking pamilya sa malaking screen sa may entablado.
'Ako nga po pala si Lou Aileen Martinez 19 years old from Baguio City, ang summer capital ng Pilipinas. Ang kwento ko po ay nagsimula nung kapapanganak po ng mama ko ay....'.
Natapos ang screen at napatingin nalang si Aileen sa kanyang ina na medyo emotional pa rin dahil sa napanood pero maya maya na rin ay nahimasmasan na sya dahil tinatawag na din kami ng staff upang dumiretso sa may entablado kung nasaan nakatayo ang mga host.
Nakahawak ako sa kamay ng aking ina at dahan dahan kaming umakyat sa stage. Naghiyawan naman ang mga tao dahil sa pag akyat namin at binungad din kami ng pangungumusta at tanong ng mga host.
"Welcome Lou? Aileen? at ikaw ang huling napiling girl housemate sa bahay ni kuya. Ano ang iyong pakiramdam? Wait ano muna ang gusto mong itawag namin sayo kasi dadalawa ang pangalan mo." Tony
"Uhm pwede niyo po akong tawaging Aileen po.", nahihiyang sagot niya.
"So aileen ano ang feeling na ikaw ang huling housemate na papasok sa bahay ni kuya.." Robi
"M-masaya po ako na napili bilang isang housemate ni kuya at hindi din po ako makapaniwala na isa po ako sa napili."
"Ano po ang mensahe niyo nanay sa inyong anak na papasok sa bahay ni kuya.." tanong ni Bianca sa ina ni Aileen.
"Gusto ko lang sabihin na pagbubutihin mo sa loob ng bahay ni kuya at magpapakabuti ka doon. Alagaan mo din ang sarili mo at huwag magkakasakit. Sana matupad mo ang mga pangarap mo sa loob at makilala ng mga tao ang iyong talento. Iyon lang mahal na mahal kita pati na rin ng mga kapatid mo.", wika ng ina sabay yakap ulit sa kanyang anak. Naiiyak din si Aileen dahil sa payo iyon ng kanyang ina.
"Huwag po kayong mag-alala ma, pagbubutihin ko po sa loob, tutuparin ko din po mga pangarap ko. I will make you proud ma..", pagkatapos sabihin iyon ni Aileen ay tinakpan din ang kanyang mga mata tsaka sya dahan dahang pinasok sa loob ng bahay ni kuya.
Doon din sa puntong iyon magsisimula ang mga kaganapan at kwento ng kanyang buhay. Dun din sa puntong iyon makakakilala sya ng mga kaibigan na syang makakasama niya sa panibagong yugto ng kanyang buhay.
YOU ARE READING
PBB Lucky Season 7 (OC)
FanficTunghayan ang magiging buhay ni Aileen sa loob ng bahay ni kuya. Makakahanap kaya siya ng solusyon sa kalagayan ngayon ng kanyang pamilya? Matutupad kaya niya ang pangarap niyang maging sikat na singer at aktres? Mababago kaya ng pagkakataong ito a...