Ng marinig ni Aileen na tinatawag siya ni Big brother sa confession room ay dali dali naman siyang pumasok sa loob.
"Hello Aieen.."BB
"Hello po kuya.." Aieen
"Kumusta ka.."BB
"Okay naman po kuya..", Aieen
"Narinig ko ang kwento mo kanina at batid ko ang lungkot at hirap na naranasan niyong magpapamilya. Ngunit napansin kong hindi ka umiyak o nalungkot manlang nung kinwe-kwento mo ang iyong istorya. Maaari mo bang sabihin?" BB
"Sa tingin ko po hindi masyadong kalungkot lungkot ang buhay namin ngayon dahil alam ko po na masaya na po kami at kontento po ako na okay po ang lahat. Siguro po kong dati ay nakakalungkot dahil nasa punto po kami na nagaadjust pa rin sa buhay. Masaya akong kinwekwento iyon ngayon dahil nalagpasan namin iyon at nakarating kamin sa puntong ito. Though kuya kahit na ganito hindi ko rin po maipagkakaila na hindi po ako nagalit, hindi po ako nagdusa, hindi po ako umiyak ng sobra sa ginawa ng step father ko po. At dahil po doon ay hindi ko rin po masasabi kung mapapatawad ko po ang ginawa niya.."
"Naiintindihan ko ang iyong sitwasyon at nararamdaman at naiintidihan ko din na hindi madali ang magpatawad lalo na't may ginawa ang taong ito na dahilan kung bakit nagkawatak watak ang isang pamilya at may nasirang tao. Ngunit ilagay natin sa ating isip at puso ang pagpapatawad, hindi man sa ngayon, dahil hindi maiibsan ang pighati at ang kalma o sense of peace sa ating puso kung hindi natin alam ang pagpaptawad. At ang una nating gagawan ng patawaran ay ang ating sarili bago ang lahat"
Dahil sa mga sinabi iyon ni kuya ay napatahimik nalang si Aileen. Hindi niya alam kung anong sasabihin niya dito. Medyo may namumuong tubig din sa gilid ng kanyang mga mata dahil sa mga payo nito. May tama naman ang sinabi ni Bigbrother ngunit wala pa rin sa isip niya ang patawarin ang ama-amahin sa masaklap na ginawa nito sa kanyang ina. Mas masakit pa ang mga ginawa nito kung sasabihin. Hindi niya lang sinabi ang iba pang nangyari dahil hindi din niya kayang ikwento ang mga ito..
"S-siguro k-kaya ko po syang p-patawatin pero hindi pa sa ngayon kuya, d-dahil masakit pa po dito.." mahinang sabi nya at tumulo din ang luha sa kanyang mga mata.
"A-ansakit sakit po Kuya *hukk* yung mga naranasan ko *hukk* nung bata ako *hukk* K-kung alam niyo po *hukk* awang awa ako sa mama ko dahil naranasan niya pa ang *hukk* pang-aabuso ng sana *hukk* magmamahal sa kanya *hukk* Pero hindi kuya eh~~ *hukk*" hindi na tinuloy ni Aileen ang kanyang sasabihin dahil humagulgul na ito. Siguro hindi din niya nakayanan ang puot sa kanyang dibdib at nilabas na niya ito.
Natahimik muna saglit si Big brother upang mahimasmasan muna si Aileen. Alam ni kuya sa sitwasyong ito na hindi muna siya magsasalita at hayaan muna si aileen sa sitwasyong alam niyang makakabuti dito.
Alam din ni Bigbrother na hindi completo ang kwento ng dalaga kanina at meron pa syang tinatagong puot sa kanyang puso.
Narinig ni Bigbrother ang buong istorya mula sa ina ng dalaga at medyo nabigla siya dahil sa naranasan nilang magpapamilya. Kaya nacurious siya dahil hindi umiyak ang dalaga nung nagkwekwento siya at tila may konting ngiti pa ito sa labi. Hindi pala nito sinabi ang buong katutuhanan. Naiintindihan din niya naman ito na hindi lahat ay sasabihin ang buong secreto.
Nang medyo mahimasmasan na ang dalaga ay nagsalita ulit si Bigbrother.
"Hindi mo man magawang magpatawad sa iyong ama-amahin, gusto ko munang gawan mo ng kapatawaran ang iyong sarili upang sa gayo'y magiging kalma ang iyong puso at mapatawid din natin ang nasa paligid natin."
"Opo kuya *hukk* gagawin ko po *hukk* *hukk* .", ang nasabi ni Aieen na pumiyok piyok pa. Medyo nagkaroon naman siya ng kaunting kalayaan sa sarili dahil sa nilabas na niya ang kanina pang mabigay na nararamadam.
![](https://img.wattpad.com/cover/341723083-288-k6f2fb6.jpg)
YOU ARE READING
PBB Lucky Season 7 (OC)
FanfictionTunghayan ang magiging buhay ni Aileen sa loob ng bahay ni kuya. Makakahanap kaya siya ng solusyon sa kalagayan ngayon ng kanyang pamilya? Matutupad kaya niya ang pangarap niyang maging sikat na singer at aktres? Mababago kaya ng pagkakataong ito a...