The Celestial Passage: Journey to the Unknown Isle
CHAPTER 3 UNKNOWN ISLAND
DI ko alam kung ilang oras ako nakatulog pagkatapos ang pangyayari habang nagkakaroon kami ng Earthquake drill sa campus. May naramdaman ako na malamig na tubig mula sa aking paa at mas lalo ito tumataas ang tubig sa aking katawan. Pagkamulat ko ay naobserbahan ko na wala ako sa ngayon sa aming campus at lalong wala ako sa likod ng Architecture Building.
Pinipilit kong bumangon kahit masakit ang aking katawan tinignan ko ng maayos ang lugar na napapalibutan ito ng malalaking bundok, luntiang kagubatan at nakapalibot ng malalalim na karagatan. Napagtanto ko na nasa di kilalang isla ako ngayon na puno ng kagandahan sa paligid.
"Pa--ano a--ko nakapun--ta dito?" Kuryosidad ko habang nililibot ko ang isla.
"Panaginip lang ito Mikay! Wala ka sa bakasyon ngayon! May Long Quiz kapa sa Major!!" Tapik-tapik ko ang aking mukha para magising ako na tuluyan pero nung dumilat ako ay nandito pa rin ako sa isla.
"Paanong..." agad ko tinignan ang suot ko ngayon na uniporme at ang bagpack ko na hanggang ngayon ay mabigat pa rin.
Inaalala ko ang pangyayari bago pa ako makarating sa isla may earthqake drill, sumunod ako kay Chiena sa may Archi Building, may lumitaw na ilaw at butas mula sa langit at huli ay sumulpot bigla ang magkakambal doon.
"Ilaw at butas mula sa langit.... Ang Celestial rift!!" Biglang sabi ko tsaka hinanap ang mga kasama kong hinila na rin ng portal.
Walang tigil ang sigaw at kakahanap ko sa tatlo. Hindi ko iniisip na naiwan sila at ako lang ang nakapunta dito sa isla panigurado kong nandito rin sila sa isla kaya kailangan ko sila mahanap bago pa man dumilim.
"Chienaaa! Benjamiiiin! Benedict! Nasaan kayo!! Si Mikaela ito!!" Lakas ng boses ko baka marinig nila ako.
Ilang oras na ako naglalakad ngunit walang tumutugon sa sigaw ko. Nakakaramdam na ako ng pagod at gutom sa kakagagawa ko lalo pa mataas ang sinag ng araw. Nagpahinga muna ako at inilabas ko lahat ang mga bagay na meron sa bag ko. May apat na notebook, dalawang ballpen, tumbler, pulbos, lipstick,powerbank, pouch na may laman nv mga gamot, cellphone at isang plactic na puno ng chocolates bigay sakin ng Lola ko galing sa Hongkong.
"1:45 pm na pala." Sabi ko tsaka binuksan ang isang chocolate bar pampagaan lang sa gutom at konting tubig lang para di ito matatapos agad dahil alam ko na magtatagal ang pagstay ko sa isla.
Nang nakapahinga na ay pinapatuloy ko ang aking paghahanap sa mga kasama ko. Dahil sa init ay kinuha ko ang notebook ko pangtakip lang sa mukha dahil nasisilaw ako at di ako makakakita ng maayos sa aking dinadaan. Samantala ay may napansin akong kakaiba sa malayuan na parang isang imahe ng tao sa may malalaking batuhan.
Sinuri ko itong mabuti na baka imagination ko lang ito pero nakilala ko damit at kulay nito na kaparehas sa suot kong uniporme.
"Chienaaaaa!" Walang tigil akong tumatakbo patungo sa lugar niya.
"Gumising ka Chiena!" Sunod-sunod ang pagyugyog ko sa kanya pero di pa rin ito nagigising sa ginagawa ko, nakahiga ito sa may batuhan.
Kinuha ko ang pouch sa bag at binuksan ang vicks na dala ko at inilagay malapit sa ilong ni Chiena para maamoy niya ito. Ilang segundo ay gumalaw na rin ito ay dahang dahan siyang dumidilat.
"Salamat Lord! Gising ka na Chiena..." Sambit ko kanya
"Where am I?" Pagtataka niya sa lugar "paano tay--aaah!" Bigla na lamang siyang sumigaw at kita ko ang kanyang pamumutla.
BINABASA MO ANG
The Celestial Passage: Journey to the Unknown Isle
Science FictionIsang kuwento tungkol sa sampung kabataan na bigla na lang napunta sa isang di-kilalang isla dahil sa isang malaking butas mula sa langit. Habang naglalakbay sila sa isla at naghaharap sa mga hamon, natuklasan nila na sila ay may iisang misyon - an...