The Celestial Passage: Journey to the Unknown Isle
CHAPTER 4 VICTIMS
Magkasama na kaming apat sa isla na akala ko hindi na kami magkikita muli- makikita dito sa isla. Kasalukuyan kami naglalakbay sa kagubatan na baka sakaling may makikita kami na pwedeng maninirahan dito.
"Be careful guys.." Paalala ni Benjamin samin habang naglalakad kami sa loob ng kagubatan.
Nasa unahan ito sumunod si Chiena at ako nasa hulihan naman si Benedict na kanina pang tahimik na naglalakad.
"Malayo pa ba tayo? Sumasakit pa ang kaliwang paa ko." Suggestion ni Chiena habang pinapaypayan niya ang kanyang sarili gamit ang notebook ko.
"Sige sige.. Saglit lang baka maabutan tayo ng dilim dito."
Naghati-hati kami ng dalawang chocolate bar buti na lang may dalang bagpack ang magkakambal bago pa man sila makasama sa portal, habang si Chiena naman ay wala siyang dala maliban sa lighter na nakatago sa kanyang palda.. bawal kasi gumamit ng sigarilyo sa campus kaya patago itong naninigarilyo sa likod ng building namin.
Tinanong ko rin sila kung bakit nandoon sila sa likod ng Archi building nung araw na yun dahil may tambayan pala sila ng magbabarkada doon. Di daw nila alam na may pa-earthquake drill sa campus, may narinig na lang sila nag-aaway malapit sa kanilang lugar nila kaya sila lumabas sa tambayan nila.
"What is our purpose kung bakit tayo nandito?" Usisa ni Chiena "There are so many other people out there .. bakit tayo pa?" dagdag niya pa ngunit may bigla na lang tumawa sa sinabi nito
"You really want to know how we got here in this island? Its this because of the two of you!" Hindi na nakatimpi na mainis si Benedict "... kung hindi lang sana kayo nag-aaway behind the Archi building edi sana wala kame rito at mahimbing sana ang tulog namin doon!" Sita niya na di nawawala ang masama niyang tingin sa babae.
"What? Kasalanan ko pa ngayon?! Wala ako ideya na mangyayari ito satin ngayon! And else.. Sinabi ko bang tulungan niyo kame dalawa ni Foster habang hinihila kami ng hangin hah?! Kayo naman ito lumitaw bigla sa lugar namin!" di rin nagpatalo si Chiena kay Benedict kaya agad namin silang pinatigil ni Benjamin.
"I dont need your anger management! So shut up!" Inis ni Chiena na pilit ko siyang inaawat
"Go buy a brain girl!" Ganun rin ang lalaki na inilalayo siya ng kakambal nito sa amin.
"Guys tama na!" sumasabay na ako sa ingayan nilang dalawa ganun rin si Benji.
*gun shot*
Kasabay ng putok ng baril ay nasiliparan ang mga ibon paalis sa kagubatan na nakapigil saming apat. Nagkatinginan kami at mabilis na tumakbo at nagtago sa isang malaking puno. Labis ang aming takot at balisa nang marinig namin iyon.
"May ibang tao dito sa isla" sambit ni Benedict habang nakayuko lang kami.
"Hindi natin masisiguro kung kalaban o kakampi sila." Sang-ayon ni Benji na aakmang aalis ito sa puwesto niya.
"San ka pupunta Benji--!" Pagalit na sabi ng kanyang kapatid
"Shut up kuya... Kukuha lang ako pangproteksyon natin." Pagputol nito at binabagalan niya ang kanyang paggapang sa lupa.
Pagkakuha ni Benjamin ng kahoy at aakmang babalik sana siya sa puwesto niya ay may nauna nang nagsalita sa kanyang likuran.
"SINO KA?! IBABA MO ANG HAWAK MO!"
Gusto ko man hubulin si Benjamin kaso hinawakan naman ako ni Benedict. "Don't you dare na pupunta ka doon.. Sabay sabay tayo mamamatay dito" pagbabanta ang boses nito sakin.
"Sino ka?! Paano ka nakapunta dito?!" Sigaw muli ng lalaki na may hawak na baril
"Sino ang kasama mo?! Sumagot ka!" Boses ng babae ang naririnig namin.
"Hi--hindi.. Hindi ako ka--kalaban! Trust me! Hindi ako kalaban!" Pagtaranta na sabi ni Benjamin habang nakataas ang dalawang kamay nito.
"Paano kami masisiguro na hindi ka kalaban?!" Tanong muli ng babae.
"Kas--kase ano..." Alanganin niya.
"Sumagot ka kung hindi.. dito na matatapos ang iyong buhay!" Pagbabanta ng babae kay Benji.
Hindi na ako nagdalawang isip na tumayo at sagutin ang tanong nila kay Benji hinabol naman ako nina Chiena at Benedict papunta sa pwesto ni Benjamin.
"Kami... kami ang kasama niya." Sabat ko sa usapan nila at ako naman ngayon ang tinutukan ng baril.
"Hey. Put your gun down! We're not enemies!" Pagtigil ni Chiena sa kanila.
Parehas kaming nagulat isa't-isa na di naming inaakala na may ibang tao pala dito sa isla. Iniisa ko sila ay mukhang magkaiba ang kanilang pinanggalingan at di sadyang nagkita-kita sila dito.. apat rin silang magkakasama tulad namin.
"Sino kayo? Kailan kayo nakarating sa isla?" Tanong ng isang lalake na nakasuot na apron.
"We're from Magsaysay State University. We have no clue why we are here but... but we know how we got here in island because of---"
"butas mula sa langit." Sabi ng babaeng mestisa na nakasuot ng puting uniporme pangnurse.
"Pang ilang araw na kayo nandito?" Tanong naman ng isang lalaki na nakahawak sa baril. May bitbit rin ito ng travel bag at may nakasulat na tour guide sa damit niya.
"I think four or five days already." Sagot ni Chiena
"Sabay kayo nakarating dito sa isla? " usisa naman ng isang babaeng nakasuot na uniporme pang-guro.
"Hindi po.. Nung una ay magkasabay kami hinila ng malakas na hangin papunta sa portal.. pero ilang araw o oras po bago kami magkita-kita dito sa isla." Paliwanag ko sa kanila
Kita ko naman ang kanilang itsura na nanininiwala sila sa mga pinagsasabi namin.. Ganun na lamang ang pagtataka kung bakit ganoon ang mga suot nila at kailan pa sila nagkita-kita o nagtagal dito sa isla.
"Pang-limang araw ko na dito sa isla. Yung iba ay tatlo at anim na araw na sila nandito. Di sinadyang nagkita-kita kami dito at nagpasya kaming apat maglibot pa sa kagubatan na baka may iba pang tao na nakabiktima ng Heavenly portal... at buti nakita namin kayo.. " Paliwanag ni Ma'am Abby habang nagpapahinga kami dito sa maliit kweba kung saan sila naninirahan pansamantala.
Magkasama kami sa isang kweba na kung saan sila nagpapahinga, ang mga lalake ay abala sa paghahanap ng ibang tao sa isla habang kami naman mga babae ay naghahanap na makakain sa bawat lugar.
Nagpakilala rin sila sa amin habang kami ay kumakain ng nilagang kamote. Isang Public Elementary Teacher si Maam Abby malapit sa kanilang bayan sa Cavite. Bago raw siya nakapunta dito sa isla ay sumusulat raw siya ng Daily Log Lesson Plan para sa susunod niyang klase. Si Kuya Lucas naman ay isang Tour guide sa kanilang probinsya sa Palawan. Siya naman ay habang nagpapahinga raw siya sa kanilang kubo.
Samantala si Kuya Tom o Chef Tom ay nagtatrabaho sa isang sikat na Hotel sa Manila, abala raw siya sa 'nun sa pagluluto dahil may big event sa hotel. At panghuli si Nurse Elena na nung araw ay mayroon outreach program sa Makati at isa siya sa mga volunteer doctor doon.
Magkaiba sila ng araw na nakarating dito batay sa kanilang pananaw bago pa man sila pumunta sa isla.
Batay sa kanilang kwento ay iisa lang ang kanilang sinasabi kung paano sila nakapunta dito sa isla.. dahil sa Celestial rift na hanggang ngayon ay palaisipan parin sa amin kung bakit kami dinala sa isla.
AN:
Sorry for the TYPO ERROR
& GRAMMARVOTE & COMMENT
𝕄𝕌ℂℍ𝔸𝕊 𝔾ℝ𝔸ℂ𝕀𝔸𝕊!❤
BINABASA MO ANG
The Celestial Passage: Journey to the Unknown Isle
Science FictionIsang kuwento tungkol sa sampung kabataan na bigla na lang napunta sa isang di-kilalang isla dahil sa isang malaking butas mula sa langit. Habang naglalakbay sila sa isla at naghaharap sa mga hamon, natuklasan nila na sila ay may iisang misyon - an...