CHAPTER 10: IKA-LAWANG BANAL NA PINTUAN
3rd POV
AGAD kami nakabalik lahat sa aming teritoryo, dala-dala ang mga kailangan naming kahoy at pagkain para gagamitin natin ngayong gabi. Inaayos namin ang mga kinuhang sangay na kahoy para makagawa ng apoy, yung iba ay naghahanda para magluto ng mga nakuha nilang gulay sa gitna ng kagubatan.
"Kakasya ba ito sa atin? Baka makukulangan tayo iyan." Tanong ng mestisong lalake na abala pinuputol-putol ang mga punong kahoy na kinuha.
"Di yan. Tsaka nandoon pa sina Mikaela, Nathan at yung kambal. Tiyak marami sila makukuha ngayon.".
Ilang oras na malapit na dumilim ay di pa bumabalik ang grupo nina Mikaela, panigurado pagod at naguguluhan na sila ngayon sa kakalakad at pabalik-pabalik sa lawa. Dapat lang sa kanila iyon, masyado na silang magaling sa misyon na ito. Lalo na ang magkakambal at si Mikaela, porket sila ito nag-aaral ay sila na ang susundin namin. Habang naglalakad sila patungo sa lawa ay patago ko silang sinusundan, may palatandaan pa sila ginawa para di sila maligaw sa lugar kaya ang ginawa ko ay iniba ko ang daanan. Habang inilalagay nila ang bawat sanga ng halaman sa lupa ay kinukuha ko ito at inilalagay ko sa ibang lugar para mahirapan sila makabalik sa lugar namin.
"hanapin mo si Chiena baka mawala yun dito." Utos naman ng babaeng na si Elena.
"baka nandyan lang siya natutulog malapit sa atin. Alam naman niya na di siya pamilyar sa lugar kaya di yun lalayo sa lugar natin."
Isa pa itong si Chiena, dagdag problema sa buhay tapos ang arte-arte pa at ang bagal kumilos halatang tamad sa buhay, ni-panghiwa nga ng gulay di magawa. Kung di lang siya tinulungan ng bakla dahil sa masamang elemento edi sana nabawasan ang problema ko sa mga kasamahan ko. Pero putangina, nabuhay pa.
"edi yung ang apat na lang susundin natin, gumagabi na." aakmang tatayo sana ang isa para sunduin ang apat.
Pinigilan ko siya "maghintay na lang tayo, baka nahirapan lang sila manghuli ng isda doon. Makabalik rin sila dito." Pagkumbinsi ko sa kanya at tinuloy niya ang kanyang ginagawa.
Hindi ako papayag na makabalik sila dito. Mas gustuhin ko pa na magtatagal dito sa isla...wag lang matagalan ang pakikisama ko sa mga taong walang muwang sa buhay.
Mikaela POV
"MAY LINDOL!"
Sabay naming sigaw at di namin alam kung saan kami pupunta lalo pa kami ay naliligaw sa gubat.
"we have to run! The land will collapse!" pagtaranta ni Benedict kaya dumiretcho lang ang pagtakbo naming, binabalewala na namin ang palatandaan na ginawa naming.
lumalakas ang hangin at pagbuhos ng malakas na ulan. Habang kami naman ay tumatakbo sa isang malawak na talampas. Patuloy ang paglindol na may iilan na mga punong kahoy na nakita naming bumaksak sa lupa.
"Be careful guys! Maputik ang dinadaanan natin.
Patuloy lang ang pagtakbo naming apat ang mga kinuha naming pagkain ay mahigpit namin hinahawak. Kahit maputik na ang mga suot namin ay patuloy lang kami tumatakbo para mailagtas ang aming mga sarili wala sa sarili kong sumigaw para tawagin ang iba pang kasamahan namin hanggang sa may naririnig akong sigaw mula sa kalayuan.
"Mikaela! Nathan!"
"Benedict! Benjamin!"
"Nasaan kayo?!"
BINABASA MO ANG
The Celestial Passage: Journey to the Unknown Isle
Ficção CientíficaIsang kuwento tungkol sa sampung kabataan na bigla na lang napunta sa isang di-kilalang isla dahil sa isang malaking butas mula sa langit. Habang naglalakbay sila sa isla at naghaharap sa mga hamon, natuklasan nila na sila ay may iisang misyon - an...