Chapter 5

0 0 0
                                    

The Celestial Passage: Journey to the Unknown Isle


CHAPTER 5 FINAL 10



TANGHALING tapat ay patuloy ang trabaho namin, abala ang bawat tao sa paghahanap ng pagkain at punong kahoy na gagamitin namin mamaya sa pagluluto maliban kina Chiena at Ma'am Abby ay naiwan sa kweba. Kasama ko sa paghahanap ng bungang kahoy sina Kuya Lucas, Benedict at Benjamin.



"Marami-rami na ito pwede na natin itong dalhin sa kweba" wika ni Benjamin habang karga niya ang dalawang tali na sanga ng punongkahoy.


"Mas mabuti na kumuha pa tayo ng marami di natin alam kung anong merong kakaiba dito sa isla." Aniya ni Kuya Lucas na naghahanap pa ng mga sanga.



Pitong araw na lumipas ay kalahati ng isla ay pinuntahan na namin. Matataas na puno, iba't ibang hayop, at prutas ang nakikita at nakukuha namin buti na lang ay kasama namin si Kuya  Tom na siyang nagluluto ng kakainin namin at si Nurse Elena naman dahil alam niya kung ito ba pwede kainin o hindi.


Narating kami sa maliit na talon na napapalibutan ng mga puno at bulaklak. Kulay berde ang tubig na masarap lumangoy lalo na hindi tumitigil ang pagpatak ng aming mga pawis.


"Sakto! Ilang araw na rin ako di naliligo." Pilyo ni Benjamin at mabilis itong tumakbo patungo sa talon.

Hinayaan lang namin siyang naliligo habang kami ay nagpapahinga sa may malalaking batuhan.

"Kayong dalawa hindi ba kayo maliligo?" Kalmado lang si Kuya Lucas na naghahanda para manguha ng isda gamit ang kinuha niyang punongkahoy.



"No."

"Hindi po."



Sabay kami sumagot kay Kuya Lucas pero nakangisi lang siya sa amin dalawa ni Benedict.

"Magjowa ba kayo?"  Usisa ulit nito.




"No.."

"Ay hindi po--"

"Sabi niyo ya--



"SINO KAYO?!!"





Napaigtad kami sa gulat nang narinig namin ang pagsigaw ni Benji kaya agad namin siyang pinuntahan na ngayon ay may kausap ito na di kilalang lalaki.

"Sinetch iteeey! Please ayoko makipagwarla!" Gulat na tanong ng isang lalake habang tinatakpan niya ang kanyang katawan sa tubig.

"Who you ka rin!" Sigaw naman ng kasama nito na nasa itaas ng puno.



Agad namin nakita ang dalawang lalake at ganun rin sila sa amin. Nataranta itong umahon sa tubig at yung isa ay tumalon naman sa puno at tumakbo papunta sa amin.


"Tao ba kayo?!!" Pagtataka ng isa na walang tigil ang pag-uusisa nito kay kuya Lucas.


"Hello pogi! 250 !" Tili naman ng isa na di inaalis ang tingin nito kay Benedict kulang na lang huhubarin niya ito.

"Get lost! You're not my type!" Pilit na inaalis ni Benedict ang mga kamay ng bakla sa kanyang katawan.



"TAMA NA YAN!" bulalas ni Kuya Lucas ba mukhang di siya nasisiyahan sa pangyayari.




"Anong mga pangalan ninyo?" Mahinahon ko sa dalawa tsaka nila ako tinignan.


"Hola amiga! Ako si Nathan sa umaga, Nathalie sa gabi! At dahil na trapped kami dito sa isla ay tawagin mo akong Natalie...!" Masigla ito nagpapakilala samin.

The Celestial Passage: Journey to the Unknown IsleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon