Chapter 6

1 0 0
                                    

The Celestial Passage: Journey to the Unknown Isle

CHAPTER 6 ANG UNANG PAGTUKLAS




Ang isang misyeryosong isla ay isang lugar na pambihira at may likas na kakatwanan. Ito ay nagbibigay ng kakaibang atmospera ng hiwaga at kababalaghan. Ito ay napapalibutan ng malalaking batong pangkalalagyan o bangin na nagbibigay ng impresyon na ito ay hiwalay sa mundo sa labas nito, matatayog na talampas, mababaw na mga lambak, o kakahuyan na sumasalamin sa mga natatanging nilalang na naninirahan doon.

Ang klima sa misyeryosong isla ay maaaring kakaiba rin. Ang liwanag ay maaaring maging paminsan-minsan o madalas na madilim, na nagdaragdag ng kahalayan sa kapaligiran.


Sa paligid ng isla, maaaring may mga kababalaghan na nagaganap, tulad ng misteryosong mga naglalakbay na liwanag sa gabi, kakaibang mga tunog na hindi maipaliwanag, o kakaibang mga hayop o halaman na hindi pangkaraniwan sa ibang mga lugar. Ang mga pampang at dalampasigan ay puno ng mga nakakamanghang yamang likas, Sa gitna ng isla, may mga lihim na lugar o estruktura na nagdudulot ng misteryo at pagtataka sa aming lahat.


Habang naglalakbay  kami papunta sa loob ng isla, makikita namin ang isang napakalawak at luntiang kagubatan, kung saan matatagpuan ang mga puno na puno ng mga malalaki at sari-saring mga kulay na mga bulaklak. May mga ibon na nagpaparamdam ng kanilang mga tinig habang lumilipad sa pagitan ng mga sangang naglalakbay sa himpapawid. Mayroon din ng mga hindi pa kilalang uri ng halaman at hayop na namumuhay sa isla na nag-aabang ng pagsasaliksik at pagsisiyasat.

Di maiiwasan na maakit sa bawat lugar na tinatahak namin, subalit hindi namin magawang ganap na maunawaan ang lahat.

Makulimlim ang panahon, kami ay naglalakbay sa kagubatan umaasa na makahanap ng mga tuntunin o katotohanan na naglalayong bigyan ng kahulugan ang aming paglalakbay. Dahil sa matamdang lalaki na nagpakita samin ay di kami nagdalawang isip na magsaliksik at maglakbay sa loob ng isla. Naglalakad kami sa gitna ng mga puno at halaman, nadarama ang sariwang hangin at ang kahalumigmigan ng kagubatan.




May narinig kami ng malalakas na ungol mula sa malapit na lugar. Tumataas ang aming mga balahibo at kuryosidad dahil sa aming narinig.

"Ay! Di ako nainform na motel pala itong isla?! Cheret!!" Pilyo
ni Natalie

"Just stick back and stay here guys! Sabi ni Kuya Lucas at nagtungo doon sina Lucas, Benji at Tom para alamin kung ano ito.


Bago pa sila makapunta doon ay may isang malaking puno na bumagsak sa gitna ng kalsada.




"AAAAAHHHHH!"

"OMG!!!"


"OKAY LANG KAYO?!"


"WHATTHEFUUCK?!"



Nagsigawan kami sa aming nakita lalo na sina Chiena at Natalie na halos umiyak-iyak ito.Tinignan namin ang bawat kasamahan buti na lang walang masama nangyari samin. Pinapakalma naman nina Ate Elena at Ate Abby ang dalawa.


"Are you okay?!" Wika ni Benedict sakin na agad ito tumakbo palapit sakin at bakas sa mukha niya ang pag-alala sakin.

"O-okay lang ako...i-ikaw okay ka lang??" Mahinahon ko pero di ko maiwasan magtaka sa mga kilos ito sakin pagkalipas ng ilang araw pero binabalewala ko lang ito.

"Every day.... " singhal ni Chiena "these situations are so frustrating!" nakapako ang tingin niya sakin habang may sinasabi ito.


Sa halip na magpatuloy ang paglalakbay namin ay pinagpasiyahan naming gamitin ang ilang sanga ng kahoy dito na gawin pangproteksyon namin kung sakaling may aabang sa amin na kakaiba dito sa isla.

The Celestial Passage: Journey to the Unknown IsleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon