Chapter 7

0 0 0
                                    



The Celestial Passage: Journey to the Unknown Isle

CHAPTER 7 Unang Banal na Pintuan


Ang isang misyeryosong isla ay nagbibigay ng maraming tanong at kaabahan sa isipan namin. Ito ay isang lugar na puno ng himala at kamangha-manghang pangyayari na nagsisilbing pagsasanay sa imahinasyon at pagkakatuto ng mga tao tungkol sa mga bagay na hindi pa namin lubos na nauunawaan.

Madaling araw pa lang ay naghanda na kami para sa misyon na gagawin namin kahit pa wala kami ideya kun g paano at saan kami magsisimula. Pero kaakibat nito ay ang paniniwala namin na masasagot ang problema namin sa tulong ng brown na librong iniwan samin ng matandang lalaki.

Abala sina kuya Lucas, Tom at Ate Abby na magluto ng kakainin namin para sa aming paglalakbay. Pagkuha ng pagkaing dagat naman nina Benjamin, Benedict at Ate Elena ang trabaho kanina, tahong at talaba ang nakuha nila habang kami naman ay kumuha ng niyog pang inumin namin at kainin rin ang laman nito.

Nagsimula na kami bumiyaheng magkakaibigan. Dala dala ang mga natitirang gamit namin at pagkain. Dala ni Kuya Lucas ang compas ay mas napapadali ang aming paglalakbay sa isla. Habang sinusuri namin ang bawat paligid ay kapansin-pansin na may kakaibang nilalang na lumilipad sa paligid. Malalaking pakpak na kulay pastel na bumabalot sa kanilang katawan.

Lahat sila ay nakalinyang lumilipad na parang itinuturo ito sa amin na daanan papunta sa aming destinasyon kasabay ang biglang lumiwanag ang librong bitbit ni Benedict.


"Ang libro!! " sigaw ni Tom kay Benedict


Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.



Napatingin kami sa libro at agad naman tinignan ni Benedict na may nakaukit sa book cover at binasa niya ito.



"Ano bang nakalagay diyan?  ni Gabriel

"Mga Banal na Pintuan.. " basa ni Benedict sa amin.


Tahimik lang si Benedict na pinagtaka namin agad naman ito kinuha ni Lucas ang libro at binuksan ito. Ngunit pagbuksan niya ay blangko ang laman ng bawat pahina.

"Wala naman tayo mapapala dito sa librong ito!" Pagalit ni Lucas na aakmang itatapon sana niya ito.

"Dont you fucking dare to throw it away. " pagbabanta ni Benedict tsaka inagaw ng libro "This book, is very important to us para makaalis na tayo--"

Bigla ulit ito lumiwanag at kami ay nabighani sa aming nakita, agad binuksan muli ni Benedict ang libro at dahang-dahan ay may lumilitaw ng mga salita sa na bumubuo na isang pangungusap sa loob ng unang pahina.

Bigla ulit ito lumiwanag at kami ay nabighani sa aming nakita, agad binuksan muli ni Benedict ang libro at dahang-dahan ay may lumilitaw ng mga salita sa na bumubuo na isang pangungusap sa loob ng unang pahina

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
The Celestial Passage: Journey to the Unknown IsleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon