Chapter 9

0 0 0
                                    

CHAPTER 9 KABUNDUKAN NG ISLA

ABBY MANDARAGIT POV

Labis ang tuwa naming matagumpayan ang unang misyon namin sa isla nang humahakbang kami patungo sa pintuan ng liwanag, nararamdaman naming ang isang hindi pangkaraniwang enerhiya na humahalimuyak mula sa loob nito. Ang pintuan ng liwanag ay hindi lamang isang simpleng pasukan o pagbubukas patungo sa isang lugar, kundi ito ay simbolo ng paglalakbay ng espirituwalidad at pagtuklas ng mga bagong kaalaman at katotohanan.

Nang pumasok kami sa Pintuan ng Liwanag ay sumalubong sa amin ang isang lawain na tanawin, mga lihim na kagandahan sa isla at misteryo ng kalikasan. Ang maaalinsangan at puno ng buhay na kapaligiran ay nagbibgay ng isang espesyal na kahalagan sa isla. Bilang guro sa Araling Panlipunan ay halong saya at kilabot nang makita ko ang isang misteryosong isla na puno ng magagandang tanawin at puno ng likas na yaman na makikita sa kabundukan ng isla.

Patuloy ang pagmamasid namin sa lugar na di maalis na mabighani sa aming nakikita. Lumulubog na araw sa isang tropikal na isla sa gitna ng malawak na kabundukan. Nagtipon kami sa isang malaking bato sa simula ng aming paglalakbay. Kami ay magkakasama, handang harapin ang hamon ng kabundukan.

"Ang ganda naman dito! Perfect for camping!" masiglang sabi ni Tom na patakbo-takbo ito sa paligid.

"Camping na may secret mission! Ang peg!"

"Mag-ingat tayong lahat at sundan natin ang sinasabi sa libro. Tayo ay magtutulungan sa buong paglalakbay." Mahinahon ni Ate Elena habang inaayos niya ang kanyang sugat sa braso dahil sa pakikipaglaban namin sa masamang nilalang.

Tumutugon ang bawat isa ng pagsang-ayon at nagsisimula ang kaming maglakad patungo sa mataas na lugar ng bundok. Ang aming pacing ay pantay-pantay, nagkakasundo sa bawat hakbang. Lumalakad kami nang mahigpit, at tuwing may magandang tanawin, kami ay nagpapahinga at nagbabahagi ng kanilang mga karanasan. Lumilipas ang oras at patuloy kaming umaakyat sa mga mabatong daan. Sa bawat pagsubok, kami ay nagpapalakas ng loob at patuloy na nagtitiwala sa isa't isa

"Can we stay for a while..." saad ni Chiena "nagugutom na kasi ako." Malalim itong huminga nang naka-upo sa isang malaking bato.

"dito muna ako maglilipas ng gabi kailangan rin natin magpahinga para handa tayo sa susunod na hamon." Sang-ayon ni Tom at kinuha niya ang kanyang yantok.

"Kukuha muna kami ni Tom ng sanga ng puno para makagawa tayo ng apoy mamaya at pangtayo rin ng bubong para di tayo makasakit." Paalam ni Lucas tsaka tinawag ito kay Tom na dala ang baston niya.

"may nakita ako kanina na puno ng saging at niyog.. kayo naman magkakambal" tinignan no ang magkakapatid na abala sa pagsasaayos ng kanilang mga sapatos "mangingisda kayo may malapit na talon dito. Tinuruan na naman kayo ni Lucas kung paano gumawa ng patibong." Dagdag ko tsaka naghanda na upang maghanap ng makakain.

tinaas ang kanang kamay si Chiena "Can I come with them?" mahinihin nitong sabi.

"taray ng peg! dumadamoves na si Ana." Bulong ni Natalie

"hah?" pagtataka ni Gabriel, "wala naman tayo kasama na Ana ang pangalan." Naguguluhan ito.

"wala nga, pero Anaconda meron HAHAHA!" mabilis ang pagtawa niya na pasimple naman niya tinitignan si Chiena.

Pasimple ko tinignan si Chiena na sinusuklay niya lang ang buhok nito gamit ang kamay niya na panay tingin naman ito kay Benedict. Umiling na lang ako mangyayari naming ditto sa isla.

"I suggest Mikaela will join us."

"Si Mikaela na lang."

Sabay ang pagkasabi ng kambal ay halata na iisa lang rin ang gusto nila. Nabigla rin ang dalawa at napakamot na lang ng ulo si Benjamin, kawalang-bahala naman si Benedict.

The Celestial Passage: Journey to the Unknown IsleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon