Chapter 1

32 1 0
                                    

JESSIE'S POV

"Tabaaaaa!",napalingon ako sa tumawag sakin at nakita ko sila Erin.Sila lang naman ang tumatawag sakin ng 'Taba' eh.Pagtitripan nanaman ako ng mga toh.

"My gosh,ang daming benta ngayon!Look oh!",sabi ni Ysabelle at pinakita saakin ang isang daan.

"Yah!Ang daming mga bumili kanina!",si Erin naman tapos tumalon talon.Omg

"Talaga?",tanong ko.Medyo Natatawa ako kasi para silang naka shabu.

"Yup!And you know whuuut?",ngumiti si Ysabelle ng parang tanga.Si Erin naman muka ring ewan.

"Ano?"

"We is rich! "

"Kaya chichibog tayo!"

"And guessing what?Libre mo!"

Nalaglag ang panga ko sa sinabi nila.Libre?Ko?Tae.

"Ulol niyo!Anong libre ko?!Eh kita niyo ngang nag iipon ako eh!",sigaw ko tapos binatukan silang dalawa.

"'Toh naman,me are joke only!Syempre ambagan tayo!",sabi ni Ysa habang nakanguso at nakahawak sa batok.Fota mukang tilapia.

"Oo nga!At di ka naman nakakaipon eh,pinambibili mo lang ng itlog yung mga naiipon mo",sabi ni Erin.

"Loko!Nga pala,nasaan sila Trisha at Ysiah?",tanong ko.Kaya pala parang kulang kami kasi wala yung dalawa.

"Nandun pa,pinabantayan muna namin yung pwesto para sunduin ka!Omg mamaya ka na mag benta ng dyaryo na tabloid kasi kakain tayo!",Erin.

"Yah!So let's make bihis na!Dali!",hinatak ako ni Erin hangang bahay tapos si Ysa naman tumakbo pabalik sa pwesto nila para tawagin sila Ysiah.

"Dali mag bihis ka na!Yung bongga kasi sa loob yun ng mall!",sigaw ni Erin mula sa room niya.Shucks,sa mall?Pang mayaman!

Simple lang kami,or should i saying,mas mababa pa sa simple.Mahirap lang kami,pero masaya.Nakilala namin ang isat isa sa kalye.Tumakas kasi ako nun sa ampunan dahil ang sama nila doon,kaya ayun naging basurera ako.

~Flashback~

Tae naman,gutom na ako.Pero bahala na mag tiis,kesa bumalik dun sa ampunan.Ginugutom rin naman ako dun eh,kaya mabuti pang umalis na lang.

"Ale,pahingi naman po ng pagkain,please.Gutom na po ako eh",kalabit ko dun sa babaeng naglalakad.Ngumiti siya sa akin tapos nagkalkal dun sa wallet niya.Wow!Bibigyan nya ako!Haha sa wakas!Makakain na rin!

Inabutan niya ako ng barya tapos umalis na......Dalawang bente singkong duling.Ay,ano ba yan!Akala ko pa naman makakakain na ako.Putek,anong mabibili ko dito?Ayos yun ah.

*GRRR*

Napahawak ako sa tiyan ko at hinimas ito.Gutom na talaga ako.

"Pst.Gusto mo?Sayo na lang oh",lumingon ako at nakita ang isang babae na halos kaedad ko lang.May hawak siyang itlog.Itlog!

"Talaga?Salamat!Paborito ko yan!",hinablot ko yung itlog sa kamay niya at sinubo yun ng isang buo.Unti unti kong nginuya yun at nilasap ang mala itlog na sarap.

Malinamnam....

Malaki.....

Maalat.....

Masarap.....

Nguya ako ng nguya nang biglang....

"Ehem ehem!Ack!Tu-tubeehhgg!",inabutan naman niya ako ng plastic cup na may lamang gulaman.Nilagok ko ito agad.Hay ginhawa!

Colliding With The UnpredictableTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon