Chapter 4

17 1 2
                                    

Chapter 4:The Dirty

TRISHA'S POV

Hindi ako makapaniwala.Hindi kapani paniwala.Kami?Makakapag aral na?At sa Maynila pa?!Sobrang saya ko grabe.

Ano kaya ang itsura dun sa Maynila?Maganda kaya?Napag desisyunan naming pumunta dun sa susunod na linggo para mag aral.Ewan ko kung saan banda yung unibersidad.Basta ang alam ko lang,malaki at sikat yung papasukan namin.

Tinignan ko silang lahat ng nag hihilik na.Tch.Hindi kasi ako makatulog.Na eexciting parin ako.Ano ba yan,di na ako makapag hintay!Gusto ko nang pumunta dun!

Dahan dahan akong tumayo.Kadiri naman toh si Jessie,nakanganga pa habang nag hihilik.Tapos si Ysiah naman,tulo nanaman laway.Si Erin,nakataas na yung damit.Si Ysa,nakanganga din at nakataas ang damit.

Tulog mantika talaga tong mga hinayupak na toh.

Pumunta ako sa likod bahay at tumambay don.Malamig kasi dito tuwing gabi kaya masarap talagang tumambay.Inakyat ko ang isang puno doon na lagi naming tinutulugan.

Dito kami natutulog pag trip namin.Napangiti ako nang maalala kung pano ako napunta dito.

~~~~~~~~FLASHBACK~~~~~

Nakaupo ako doon sa tabi ng kalsada at nakaangat ang kamay.Namamalimos ako!Hoohoho~

Magkano na ba ang nandito sa garapon ko?Siguro naman pwede na yun pambili ng pagkain?Ng tuyo,kamote,at kanin?Gutom na ako!Huling kinain ko ay pishbol at kowk.At kahapon pa yon ng tanghali.

Ang daming dumadaan pero walang mabait na nagbibigay!Nakakaasar naman.Kanina pa ako nakatambay dito at namamalimos pero limang piso lang ang laman ng lalagyanan ko.

Sa bangketa at mga kalsadang tago lamang ako natutulog.Wala akong pagpipilian.Wala akong bahay,at hindi ko rin kilala mga magulang o kamag anak ko.Puro mga basurero't basurera ang mga nakasama ko sa paglaki.

May dumaan na isang matanda at agad kong tinaas ang kamay ko.Tinitigan niya at maya maya pa ay may dinukot sa wallet niya.Yehey!Magbibigay na siya!

Yung ibang basurahan kasi nakalkal ko na at ubos na ang mga laman nito.Wala akong pagpipilian kundi ang mamalimos.Sanay na rin naman ako.

Nag abot siya saakin ng singkwenta.

"Salamat po!",nakangiting turan ko.Waw!Madami aking mabibili dito!Ang saya!

Mabilis akong lumayas sa lugar na iyon.Ang init na rin kasi dahil sa sobrang tirik ng araw.Tumitirik na rin ang mata ko sa gutom.Pumunta naman ako sa karinderya.

Habang naglalakad ay pinagtitinginan ako ng mga tao,pero dedma lang ako at hindi sila pinapansin.Sabagay,ngayon lang naman nila ako nakita sa lugar na ito.Sa ibang bayan kasi ako galing.

At malamang ay ngayon lang din sila nakakita ng basurera.Masyadong malinis ang lugar na ito kaya malamang ay hindi dumadayo dito ang mga kasamahan ko.

Nang makarating ako doon ay pumunta agad ako sa lagayan ng mga pagkain.Hmmm.....mukang masarap.Lalo tuloy akong nagutom.Ang bango ng amoy,parang bagong luto lamang.

Bubuksan ko na sana ang sunod na lagayan nang may babaeng sumigaw.

"Hoy!Lumayas ka dito!Bawal pulubi dito!Mandidiri ang mga costumer ko!Layas!Kadiri!",pagtataboy niya saakin habang kinukumpas ang mga kamay na parang sinasabing 'lumayas ka ditong hampaslupa ka!'.

Yumuko lang ako dahil nakakahiya.Nakakainsulto.Magbabayad naman ako.Hindi ko naman nanakawin yung pagkain.Pinagtitinginan na kami ng mga tao at nagbubulungan.

Colliding With The UnpredictableTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon