CHAPTER 3

1 2 0
                                    

~NICE TO SEE YOU AGAIN~

__

Habang nasa klase ay hindi ako mapakali,wala rin akong maintindihan sa mga pinagsasabi ni Maam Vina.
Idagdag mo pa itong katabi ko , huhu parang gusto ko nalang umuwi at humilata sa kama. Wala parin akong tolog dahil sa trabaho ko.

🔔CRINGGGG

Tumunog na ang bell , salamat naman . Recess time na , wala na akong sinayang na oras pa't dali-daling umalis sa lugar na yun.

Habang naglalakad , napadpad ako sa may garden dito sa bandang gilid ng skwelahan. Walang tao at ang tahimik ng lugar. Dito ako nagpapalipas ng oras tuwing vacant time. Hindi ko rin naman makakasama si Marri dahil sigurado akong nandun yun sa bf niya.

Lumapit ako sa may puno ng Acasia , walang tumatambay dito kundi ako lang. Secret place ko 'to at wala rin naman akong na pupunang napapadaan dito .

Magandang tambayan sa lugar na ito , walang isturbo sa pagtolog ko haha.

Habang nagmumuni-muni ay may napansin akong nakatingin sa akin. Wag na kayong magtaka , malakas lang ang pakiramdam ko.
Nilingon ko ang deriksyon na yun at natigilan ako sa sumalobong sa aking tao. Denver.

Nawindang ako ng nakita siyang papalapit sa deriksyon ko , kingina kanina pa'tong pa slow-mo niyang dating sakin ah.

"Nice to see you again , Erah" ; sa salitang naituran niya ay tila parang naubusan ako ng lakas.

Unti-unting bumanbalik sa isipan ko ang mga naging alaala naming dalawa , kahit pa nakaraan na iyon.

" You too, Leon" ; simple kong tugon, ayaw ko namang magmukhang affected pa sa kanya kahit pa ang tutuo naapektuhan parin ako.

" Kumusta na , Ex?"; napaawang nalamang ako sa tanong niya.

" Okay lang naman "; sagot ko saka siya binigyan ng tipid na ngiti.

Umupo siya sa may gilid ko , meron namang destansiya sa pagitan namin pero diko parin maiwasan na mailang.

" Ikaw kumusta na kayo? "; pilit kong tintatagan ang loob ko sa pagsagot sa pagtanong nun sa kanya.

Saglit siyang natigilan at nilingon ako. Nagtama na naman ang mga mata namin.

"Ayos lang rin naman kami"; ramdam ko ang saya sa bawat bigkas niya ng mga salitang iyon.
Buti pa siya ayos na sa piling ng iba habang ako ito umaasa parin sa pagbabalik niya.

"Buti naman kung ganun" ; masaya ako para sa kanya , sana lang di siya sasaktan ng babaeng ipinalit niya sa akin.

" Haha, grabi diko inakalang magkikita pa ulit tayo . Tagal-tagal narin pala nuh"; nakangiti iyang ani habang nakatingin sa maaliwalas na kalangitan.

" Ako nga rin eh, diko din ine-expect "; pagsang-ayon ko sa kanya.

" Sorry "; bigla niyang ani na nagpatigil sa akin.

"Sorry kung nagawa kitang lukohin at iwan noon "; dagdag niya pa.

" Alam kung hindi madaling magpatawad,, subra kitang nasaktan . sana dumating ang araw na magagawa mo kung patawarin"; hinayaan ko lang siya sa pagsasalita.

" Sorry for everthing , Erah"; ramdam ko naman ang sensiridad sa mga sinabi niya.

Hinarap ko siya at tinignan siya ng mata sa mata . Natigilan naman siya sa pag titig ko , ngumiti ako sa kanya .

" Napatawad na kita , ikaw pa. Okay na ako ngayon ang mahalaga masaya ka"; nagpakawala ako ng buntonghininga.

" And bisides , it' s all in the past,";

LETS WAIT TELL THE SUNSET [ On-going ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon