____
Naalipungatan ako sa pagtulog ng dahil sa tunog ng orasan. Napahawak ako sa ulo ko ng sumakit ito , ilang oras lang ba akong naka tulog lima , tatlo hayss. Napatingin ako sa orasan napabalingkawas ako ng bangon ng makitang alas syete na , alas otso panaman ang simula ng klase.Agad ko nang tinungo ang banyo para maligo, mahigit kinse minutos bago ako natapos . Mabilisan lang baka kasi malate ako, ng magawa ko na ang morning routine ko ay agad ko na akong bumaba pa puntang kusina para mag agahan.
Napatampal nalang ako sa nuo ng makitang wala na pala akong stuck hayss naman, sinuyud ko ang buong kusina at gladly may tinapay pa naman pala sa cabinet meron panaman palang itlog kaya niluto konalang dali dali lang ang kilos nagtimpla narin ako ng kape , habang nagtitimpla ay biglang tumunog ang cellphone ko agad kong kinapa ito sa bulsa ng paldang suot ko. Nang tingnan ko kung sino ang nag text ay napailing nalang ako si * Boss Choi * pala , ite-next ang location kung saan kami magkikita kasama ang client.
Nang matapos kumain ay agad ko nang tinungo ang garage at agad sumilay ang mga ngiti ko nang makitang nakabalik na ang baby ko, I mean yong motor ko.
Napatampal na naman ulit ako sa nuo ng mapansing naka palda pala ako at medjo may kaiksian tsk³. Hayss bahala na kailangan ko nang magmadali dahil malilate na ako.___
Nang makarating sa university ay agad akong napansin ng mga katulad kong istudyante , I mean yung motor na minamaneho ko pala ang kapansin-pansin. Napa-irap nalang ako , agaw atensiyon talaga tung baby ko.
Nang mai-park ko na ito sa medyo may kadilimang parte ng parking lot ay bumaba na ako at binuksan ang Yu-box . Kinuha ko ang pantakip sa baby ko ( motor) . Nang matakpan ko na ay nagpasiya na akong pumasok sa loob ng university. Dala-dala ko ang helmet sa may kamay ko, sa guard ko ito ihahabilin nako uso panaman kawatan ng helmet ngayon pambihira.Nang habang papalapit sa may guard ay napansin ko ang pagkukumpulan ng mga teachers at staff duun mukhang may pinag-uusapan.
Nagpatuloy lang ako sa paglakad papalapit. At habang papalapit sa deriksiyon nila ay narinig ko ang pinag-uusapan nila.* Dahil sa nangyari anak ni Mr. Buenavintura , napagpasiyahan ng CEO ng university ang pagkakaroon ng mahigpit na seguridad dito sa school.*
* Hayss sino kaya ang nagtangka sa buhay ng binatilyo, ang lakas naman ng loob nilang kalabanin ang pamilya ng mga Beunavintura*
*For sure , yung mga kalaban lang rin nila sa negosyo*
* Mga mayayaman nga naman *
Tsk³ seguridad nakakatawa lang pero sa klase ng kalaban nila Tito Leo ay wala rin namang magagawa ang mga security, mag-aaksaya lang sila ng buhay kung ganun.
Nang makalapit ay agad ko nang ibinigay ang helmet sa isa pang guard malapit sa guard house.
At naglakad na papuntang room namin, hindi ako kilala sa skwelahang ito ang pagkakakilala lang nila sa'kin ay isang simpleng honor student. Pero kahit papaano kilala ako sa upper grades dati banaman akong napagkamalang membro ng frats.Dahil nakipagsuntukan ako sa isa sa mga kinakatakotang istudyante sa university na ito. Grade 9 pa ako nun kasagsagan yun sa panahon ng paghihiwalay namin ni Leon.
Napikon ako eh kaya ayon napuruhan tuloy muntik pa akong ma expel kung di lang sumaklolo si Boss Choi.
Pero yung batch nilang iyon ay naka graduate na grade 11 yata sila nun eh.
Ipinatalihing lihim yung nangyari haha buti nalang para hindi masira lowkey life ko.________
Nang makatating sa room ay agad na sumalubong sa akin ang nag-iingayan kong ka klase, may mga busy sa pag-mi make-up mukha silang clown promise purya saway, meron ding aga-aga nag lalaro ng ml, mas malala nga lang ang ingay ng mga nag- chi-chismis kong mga ka-klase.
Binaliwala ko nalamang ang ingay nila at umupo nalang sa upoan ko at nag basa ng wattpad book story ni ate Jonaxx na Baka Sakali book 3 na ako .
Habang payapang nag-iimagine sa scene ng story ay napa igtad ako sa gulat nang may biglang may tumamang kung ano sa katabi kong misa. Napatingin ako sa deriksyon ng kung sinong bumato nun, napasinghap ako ng makitang si Princess pala yun ang new-gf ng ex ko.
Isinawalang bahala kona lang siya at nagpatuloy sa pag-babasa malabo kasing ako yung papatamaan niya.
Napa igtad na naman ako nang biglang may tumama sa akin na itlog , tngina talaga alergic panaman ako sa amoy nito ang lagkit putik. Pinilit kong pakalmahin ang sarili ko at mahinahong binigyan siya ng pekeng ngiti .* Ano ho bang problema mo binibini*
-pigilan niyo ko sasapakin ko talaga 'to.* Anong problema ikaw higad kang babae ka* - galit siyang lupamit sa akin. * Ikaw malandi ka alam mong may jowa na yung tao nilandi mo pa* - nasampal niya ako ng hindi ko man lang namamalayan. Napatabingi naman ang ulo ko sa sampal niya, walang bahid na imosyon ko siyang hinarap at sinampal din siya kingina susuntokin ko talaga to eh.
* How dare you to acuse me,you bitch, bakit? ka landi-landi ba yang boyfriend mo* - inis kong ani sa kanya , tngna inis pa yan ah.
Napa upo naman siya sa sampal ko , napalakas ko ata sorry nalang mi dalaw ako ngayon teh. Di moko madadala sa maamo mong mukha yan tuloy nabahiran ng pasa.
Atsaka wala akong planong landiin ang magaling niyang boyfriend , gaga hindi pa nga ako lumalandi teh .
Im not that desperate , yes maybe Im inlove with that boy pero ni minsan hindi pumasok sa isip ko na agawin siya mula sa babaeng to.* I know ikaw ang ex niya , at alam kong lalandiin mo siya para bumalik siya sayo* - naiiyak niyang ani, napasinghap ang mga ka klase ko sa paligid at agad na nagbulong bulongan.
* Hindi mo kasi tanggap na ako ang pinili niya sakin siya sumama akin siya*- tumayo siya at dinuro duro banaman ako. Agad din na namayani ang bulongan sa paligid.
" Omy G, tutuo ba ang narinig ko ex ni Earah si fafa Leon*
" May past pala sila , siya ba yung babaeng na i-kwento niya na pinagpalit niya*
" Shuckss mas bet ko si Earah falabarn*
" Ang swerte naman ng transferee na iyon, pinag-agawan ba naman ng dalawang chix*
"Gagi sinampal banaman si Earah nako digmaan na this*
Napa tampal nalang ako sa ulo ko at napapikit, napa-aray ako nang bigla banaman akong sinabunutan, naghiyawan ang mga istudyanteng nakapalibot sa akin.
"Mga pre tawagin niyo si Leon*
" Kngna walang laban si Princess kay Earah mukhang nagpipigil lang si Earah na patulan si Princess*
" Wohhh laban,*
" Sht ang sexy nilang magsabonotan*
Pinaibabawan niya ako at pinagsasampal-sampal niya ako, wala akong nagawa kundi ang dumepensa baka kasi pagpinatulan ko siya ay ako pa ang maargabyardo.
Pero ang pinipigilan kong galit ay nag-apaw ng bigla niyang hilahin at naputol ang kwentas ko, tngna hindi ko napigilan ang galit ko ng itinapon niya ito sa kung saan sinundan ko ito ng tingin at nakita ito sa ilalim ng misa ng teacher putik talaga naman, wala na galit na ako.
Ako naman ang pumaibabaw sa kanya at pinagsasampal siya namalayan ko nalang na umiiyak na pala siya , pero bago palang ako napatigil ako nang bigla akong napatilapun ng may biglang nagtulak sa akin ng pagkalakas-lakas.
Napatahimik ang paligid at maging ang mga ka klase ko na kanina'y nag sisigawan ay hindi rin makapagsalita.Nang tignan ko kung sino ang nagtulak sa akin ay para akong pinagsakluban ng langit at lupa , isang galit na galit na mga mata ang sumalubong ng tingin sa akin mula sa lalaking lubus kong minahal.( Leon)

BINABASA MO ANG
LETS WAIT TELL THE SUNSET [ On-going ]
RomantiekLOVE LIFE STORY OF EARAH VERONNE DIAZ, a mesterious simple girl who manage to live with her own, an ASSASSIN AGENT who is cruel in terms of death and life. In love with a boy named, DENVER LEON BUENAVENTURA. but sadly Leon left her behind and chos...