CHAPTER 8

0 0 0
                                    


~ Encounter~

_
   Nandito ako ngayon sa canteen ng school , lunch time na at as usual bibili lang naman ako ng pagkain ta's pupunta sa favorite tambayan ko dito sa school namin.

Habang hinihintay ang order ko, nakarinig ako ng bolungan.

"boyfriend pala ni Princess yong transferee!"

"Sinong Princess?"

" Si Princess Loreyn Jerada , Yong Campus candidate para sa Miss University 2023"

" Ah! yun ba , hmm wala tayong laban dun . Sa ganda ba naman nun , walang wala sa kalingkingan niya tayo"

" Oo nga, bagay din naman sila ni Leon  eh parehas silang maganda at gwapo"

" Support ko nalang sila haha"

" Ako rin gurl, wag muna kayong magdrama an jan panaman si Press. Aaron eh , single pa naman daw siya"

" Ayy agree haha"

Princess Loreyn Jerada pala ang pangalan ng bagong gf ni Leon.
Hmm, siguro siya yong namataan ko kanina sa gate.
Wala nga talaga akong laban kung ikukumpara sa kanya , kaya nga siguro mas pinili siya ni Leon kisa saakin haha, drama mo selp.

Isinawalang bahala ko nalang ang mga narinig, Buti nalang at dumating na ang inorder ko.
Nagpasya na akong umalis at pumunta sa favorite tambayan ko.

Habang naglalakad palabas ng canteen nakasalubong ko ng tingin si Leon kasama ang isang magandang babae ( si Princess yata) , mas minabuti ko nalang na lumihis ng tingin kisa maka salubong ko ang mga mata niya.
Sa tensiyon ba naman kanina sa room siguro naman sapat na iyon sa araw  na ' to .

Sandali siyang natigilan ng lagpasan ko lamang siya, ramdam ko ang pagkailang niya.
Mas mabuti ng walang kaming makuhang atensiyon sa mga kapwa ko istudyante ayaw ko ng issue.
Kahit pa sabihin nating meron din naman kaming pinagsamahan, mas mabuti ng gan'to na tila hindi kami magkakilala.

Nang makalabas na ako sa canteen ay agad kong tinungo ang daan pa punta sa may likod ng school campus . Para pumunta sa tambayan ko dito sa school namin.

Isang maaliwalas na paligid, tahimik at tanging huni ng mga ibon lamang ang lumilikha ng ingay. Lumapit pa ako , at pinakiramdaman ang paligid. Tika bakit parang ang weird na diko ma explain, hayss dibali nalang .

Naupo ako sa ilalim ng puno nang narra. Weird na merong puno ng narra dito pero at the same time maganda naman.
Walang mga istudyanteng pumupunta dito , sa tagal ko banaman ditong pabalik-balik ay sigurado na'ko dun. At tanging kami lang ni Marri ang tumatambay dito.
Wala nga lang siya dito dahil ang bruha andun sa boyfriend niya.

Hindi parin mawala ang weird na pakiramdam ko sa lugar na ito ngayon. Hindi naman ganito dati ah . Para bang may nakamasid sa akin mula sa kung saan , kingina takot panaman ako aa mga espirito.
Biglang umihip ang malamig na hangin , huhu pano naging malamig eh ang init-init ng panahon. Diyos kopo , isabak niyo nalang ako sa gyera waglang sa mga espirito.

"Earah"

Napalingon ako sa pinanggalingan ng boses na iyon, at nagulat ako sa na sumpungan  kung kanino ito .

_

LETS WAIT TELL THE SUNSET [ On-going ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon