Chapter 21
TJ's POV
Mabuti naman at nagkaayos na kami agad. Maayos na ang mood niya ngayon kaya ayaw kong sirain yun.
"Hindi ka pa ba matutulog?" Tanong ko sa kanya. Nakaupo ako sa kama niya habang nakasandal sa malambot niyang headboard. Siya naman ay nasa tabi ko at bahagyang nakasandal sa akin.
"Actually, i'm sleepy." At humikab na.
"Ah sige matulog ka na ako na ang bahalang pumatay ng TV at ng ilaw."
"Sleep with me." Heto na naman tayo kamahalan eh masyado kang pa-fall.
"A-ah hindi pwede."
Sinamaan niya ako ng tingin kaya agad na akong tumalima para patayin ang TV at Ilaw saka in-on naman ang switch ng lampshade saka tumabi sa kanya. Napalunok ako. Hindi talaga ako makakatulog pag siya ang katabi ko dinadaga sa kaba ang puso ko.
"Bakit ka lumalayo sa akin?" Maldita nitong tanong sa akin. Langya naman eh.
"Matulog ka na lang kamahalan." Nasabi ko na lang. Ang manhid niya promise.
"Ugh kainis ka!" And then she murmured something na hindi ko maintindihan.
Pipikit na sana ako nang maramdaman ko ang kamay niyang nakayakap sa katawan ko. Fuck!
Tatanggalin ko sana ang kamay niya pero mas lalong humigpit ang pagyakap niya sa akin.
"Ahm kamahalan."
"What?" Paos ang boses na sambit nito.
"B-bakit ka nakayakap sa akin?"
"Bakit? Masama?" Oo! Pinaglalaruan mo ang feelings ko!
"Eto kasing ginagawa mo sa akin ginagawa lang ito ng mag-jowa eh." Napakamot ako sa kilay pagkatapos kong sabihin yun.
Minulat nito ang mga mata saka tumitig sa akin. Eto na naman yung kakaibang feeling tuwing tumitingin siya sa akin.
"I'm sorry for being clingy. Hindi ka ba ganito sa iba?"
Naalala ko si Penny, clingy din siya pero wala naman akong maramdamang iba pero tuwing si Kitty yung nagiging clingy sa akin nagwawala na yung puso ko. Titig niya pa nga lang iba na epekto sa akin eh. Ano ba itong nararamdaman ko? Asan na yung mga sinabi ko na hindi ako papatol kay Kitty? F*ck! Kinain ko lang din yung mga sinabi ko.
Huminga ako ng malalim. "Meron."
"Ano?!" Gulat pa nitong sambit.
"Y-yung kababata ko sa probinsiya. Clingy siya pero ok lang naman tuwing nagiging clingy siya sa akin pero bakit pagdating sa'yo iba ang epekto sa akin?"
"Malakas ba ang epekto ko sa'yo?" Halatang natuwa ito sa sinabi ko.
"Yes." Pag-amin ko sa kanya. Hindi ko alam pero naaninag ko ang pagsilay ng ngiti sa labi niya.
"Matulog na nga tayo. Goodnight!" At yumakap pa ulit ito sa akin. Paano ako makakatulog nito?
Ano ba ang ginagawa mo sa akin? Ayoko nito! Ayokong subukan at alam kong ako lang ang masasaktan.
Kinabukasan,
Kahit 1am na ako natulog ay maaga pa rin akong nagising. Tulog pa siya nung lumabas ako ng silid niya kailangan ko na rin kasing mag-ayos eh.
Pumunta ako sa bahay namin sa likuran at nakita ko si Tatay na nagkakape.
"Oh anak! Buti nandito ka na. Kape ka muna." Maaga pa naman kaya kumuha na ako ng tasa at nagsalin ng kape sa tasa.
"TJ, mag-usap nga tayo." Napalingon ako kay Nanay saka tumango at tumayo.
Nag-excuse muna ako kay Tatay at sumunod kay Nanay sa loob ng silid.
"Dun ka ba natulog sa silid ni Kitty?" Tanong nito sa akin at agad naman akong tumango.
"Napapansin ko na nagiging malapit na kayo sa isa't-isa."
"Ayaw niyo po ba?" Malungkot na lumapit sa akin si Nanay at masuyong hinawakan ang pisngi ko.
"Mahulog ka na sa iba wag lang kay Kitty, anak. Ikaw lang ang masasaktan at ayokong mangyari yun." Huminga ako ng malalim. Ina nga naman mas nararamdaman nila ang pinagdadaanan ng anak nila. Kahit lokohin ko man ang sarili ko, aminado ako na unti unti na ako ng nahuhulog kay Kitty.
"Nag-aalala lang ako para sa'yo, anak."
"Nay." Nasabi ko na lang sa kanya.
"Mapang-husga ang mga tao at nakatadhana ng ipakasal si Kitty sa iba." Naalala ko yung sinabi ng ama ni Kitty sa akin.
"Umiwas ka na anak hangga't maaga pa. Yung trabaho mo na lang gawin mo." Tumango na lang ako kay Nanay.
"Yung babaeng tinulungan mo nung nasaksak ka. Ano ba pangalan nun?"
"Monica, Nay."
"Gusto ko siya para sa'yo. Siya na lang anak ha o kaya si Penny." Bumuntong hininga ako saka tumango.
"Ikaw lang ang inaalala ko."
"Naiintindihan ko, Nay." Saka ako ngumiti sa kanya.
"Bakit ba kasi ang gwapo mo? Sandali ka pa lang dito marami na agad nagkagusto sa'yo." Mahina akong tumawa.
"Kanino pa ba ako magmamana?" Nagtawanan kaming dalawa. Naiintindihan ko si Nanay at sarili ko lang naman ang iniisip niya pero ang tanong. Makakaya ko 'bang iwasan siya? Bahala na para din naman sa sarili ko ito.
Si Kitty yung tao na hindi marunong mag-seryoso at mukhang paasahin ka lang sa wala oras na umamin ka na sa kanya. Pagkatapos naming mag-kwentuhan ni Inay ay nag-ayos na ako para sa pag-pasok.
Kakatapos ko lang uminom ng kape ng bigla siyang pumasok dito na nakasimangot. Naka-pantulog pa ito.
"Why did you leave? Bakit hindi mo ako ginising?" Halatang nagtatampo ito. Umiwas na lang ako ng tingin sa kanya kasi naman eh ang hot niya pag bagong gising.
"Kailangan ko din kasing mag-ayos, Ma'am." Hindi ako tumingin sa kanya. Narinig ko ang pagbuntong hininga niya.
"Ok naman tayo kagabi ah. Bakit biglang naging ganito ka sa akin?" Mahinang boses na saad nito.
"Pinapaalala ko lang po yung realidad na amo kita at driver slash bodyguard mo lang ako." Halatang nasaktan siya sa sinabi ko pero agad din napalitan ng irita yung ekspresyon niya.
"Ok. Sumunod ka na lang sa garage." Tumango na lang ako at naramdaman ko na lang na umalis na siya. Paninindigan ko itong desisyon ko na layuan siya para na rin sa ikabubuti ng lahat.
Tama si Nanay, magugulo lang ang buhay ko pag pinagpatuloy ko ito. Sorry na agad Kitty kung iiwasan kita kasi sa huli alam ko na ako lang ang mas masasaktan sa ating dalawa.