Chapter 22

127 5 2
                                    

Kitty's POV

Hanggang sa makarating kami sa school ay hindi niya talaga ako pinapansin. May nagawa ba ako? Ok naman kami kagabi eh atsaka yung mga sinabi niya sa akin kanina ay nasaktan ako.

Bago pa siya bumaba para pagbuksan ako ay pinigilan ko na siya. Gusto ko siyang makausap.

"May problema ba?" Tanong ko sa kanya. Umiling siya saka tinanggal ang kamay ko na nakahawak sa braso niya saka lumabas. Nainis ako sa inaasta niya sa akin ngayon.

Pinagbuksan niya ako ng pinto at dahil nainis ako ay hindi ko na siya pinansin habang naglalakad kami sa hallway ay naramdaman ko na nakasunod lang siya sa akin.

Nakasalubong namin si Monica at agad itong ngumiti kay TJ na siyang mas lalong nagpainis sa akin.

"Hi, Theo! Street food tayo mamaya?" Tanong niya kay TJ. Lumingon ako sa kanila at tinaasan sila ng kilay.

"A-ah-" inirapan ko siya nung tumingin siya sa akin.

"Please? Pagkatapos mo na lang siya ihatid mamaya. Text na lang kita." Nakita ko na tumango siya dito. Magsama kayong dalawa! Pagalit akong lumakad. Nakakainis!

Buong biyahe akong hindi pinansin pero kay Monica ang harot niya. Nakakairita! Lahat tuloy nang nadadaanan ko ay sinasamaan ko ng tingin.

"What's with that face, Girl? Bakit parang sasabak ka sa gyera?" Salubong sa akin ni Krystal.

"Where's TJ?" Isa pa itong si Cassidy na lowkey kung humarot kay TJ. Ang dami nilang pinapainit ang ulo ko ngayon!

"Busy siyang lumandi." Saka ako pumasok ng room at padabog na umupo.

"That explains why." Nakasunod na pala sila sa akin. Tinaasan ko ng kilay si Phoebe na nakangisi sa akin.

"What are you talking about?"

"Kaya mainit ang ulo mo kasi magkasama sina Monica and TJ, right?" Lumapit na rin sa akin sina Crystal at Cassidy.

Tumawa ako ng nakakairita. "Are you joking right?"

"Mukha ba akong nagjo-joke?" Sasagot na sana ako ng makita kong pumasok si TJ. Umiwas siya ng tingin saka tumabi sa akin.

Hindi ko siya pinansin. I'm busy texting Carter.

Tutal magde-date naman sila ni Monica mamaya edi makikipag-date din ako sa iba akala niya.

Natapos lang yung klase na hindi niya talaga ako pinansin. What the heck is her problem?!

"Ako na magdadala ng gamit mo, Ma'am." Tinaasan ko siya ng kilay.

"I can manage myself." Maldita kong asik sa kanya saka tinalikuran siya at lumakad.

Pagkatapos mo akong hindi pansinin hmp! Ok naman kami kagabi eh bakit naging ganito na lang siya bigla sa akin.

Habang naglalakad ako naramdaman ko na nakasunod siya sa akin at hindi ko na inabala ang sarili ko na pansinin siya.

Nang makarating kami sa parking lot ay nakita ko na nandun na si Carter at naghihintay sa akin. This boy is so handsome lalo na pag ngumingiti pero bakit ang boring na pag siya ang kasama ko? Wala talaga akong maramdamang affection sa kanya pero dito sa ulupong na bodyguard ko oras na may dumikit lang sa kanya ay nagwawala na ang loob ko sa inis. Arrgh! I hate this! Ngayon ko lang naramdaman ito!

"Let's go?" Nakangiting sambit ni Carter saka nilahad ang kamay niya sa harap ko pero bago ko pa mahawakan ang kamay ni Carter ay hinila na ako ni Jaeden.

Nainis tuloy ako sa ginawa niya. Nakita ko rin na nainis na si Carter sa kanya.

Inis na hinarap ko siya. "What the heck is your problem?!"

"Bakit ka sasama diyan?" Seryosong sambit niya saka hinarap ako.

Kasi hindi mo ako pinapansin bw*s*t ka! Arrggh!

"Hindi ba obvious? Magde-date kami ni Carter." Humalukipkip ako saka tinaasan siya ng kilay.

"Hindi ako papayag!"

"At bakit hindi?!" Kapal naman ng mukha niyang pagbawalan ako?! Sino ba siya sa tingin niya? Gosh!

"K-kasi wala akong tiwala sa taong yan." Kumunot ang noo ko nang umiwas ito ng tingin.

"Wala kang pakialam kung sa akin sasama si Kitty!" Lalapit sana si Carter para itulak si Jaeden pero naunahan na siya nito.

Bumagsak sa sahig si Carter sa lakas ng pagkakatulak ni Jaeden.

"Wag mo ng hintayin na masuntok pa kita. Responsibilidad ko na bantayan ito kaya ayoko na sumama siya sa'yo." Pagkatapos nun ay hinila na niya ako papunta ng kotse. Halatang mainit ang ulo nito dahil sa nangyari pero mainit din ang ulo ko hmp!

"Sana hinayaan mo na lang ako na sumama sa kanya." Hindi siya sumagot pero nahuli ko siya pasimpleng tumingin sa akin sa rear view mirror.

"Wala akong tiwala dun baka may gawin pa'ng masama sa'yo yun."humalukipkip na lang ako saka tumingin sa labas ng bintana.

Tumahimik na rin siya saka itinuon ang pansin sa pagmamaneho. Huminga ako ng malalim.

"Why are you avoiding me? May nagawa ba ako?" Tanong ko sa kanya.

Pero nanatiling tikom ang bibig niya na siyang lalong nagpainis sa akin.

"Stop the car!" Sigaw ko na agad naman niyang sinunod.

Binuksan ko ang kotse saka lumipat sa shotgun seat at hinarap siya.

"Tell me! May sinabi ba si Dad sa'yo kaya hindi mo ako pinapansin ngayon? Ok naman kasi tayo kagabi tapos biglang kaninang umaga ay ganyan na ang pakikitungo mo sa akin. What's the problem?" Hindi siya tumingin sa akin.

"Hindi tayo uuwi hangga't hindi mo sinasabi sa akin." Seryosong saad ko sa kanya.

Dun na siya tumingin sa akin saka napahilamos sa mukha niya. I knew it may nagsabi sa kanya na layuan ako.

"Hindi ko akalain na ganito pala kahirap. Uuwi na lang ako ng probinsiya para maging mapayapa ang buhay ko."

Nainis ako sa sinabi niya. "You mean, nanggu-gulo lang ako sa'yo?"

Umiling siya saka napahawak sa batok nito which i find it attractive. Lumipat ang tingin ko sa labi niyang mamula-mula.

"Hindi sa ganun. Hindi mo kasi ako naiintindihan."

"Then, paano kita maiintindihan kung hindi mo sinasabi sa akin?"

Mapungay ang mga mata na tumitig ito sa akin. Bakit ganito ang pakiramdam ko? Ang bilis nang tibok ng puso ko at bigla akong nakaramdam ng init eh may aircon naman itong kotse.

"Pinayuhan ako ni Nanay na layuan ka." Nagulat ako sa sinabi niya.

"What?! Si Nanay Tina?" Tumango siya at napahawak ng mahigpit sa steering wheel.

"W-why?" May nagawa ba ako para payuhan niya si Jaeden na layuan ako?

"K-kasi natatakot siya." Kumunot ang noo ko dahil sa sinabi niya.

"Natatakot saan?"

"Natatakot siya na masaktan ako." Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. Does it mean Jaeden likes me? Kaya pinagbawalan ni Nanay Tina si Jaeden na lapitan ako? Natuwa ang kaloob-looban ko sa isiping yun.

"Do you like me?" May ngiti sa labi na tanong ko sa kanya.

Namula ang pisngi nito at umiwas ng tingin aww my handsome driver is blushing. Napangiti ako saka lumapit pa sa kanya.

"A-ano'ng ginagawa mo, Ma'am?" Sinamaan ko siya ng tingin.

"Don't call me Ma'am! Call me whatever you want just don't call me Maam!" You can call me baby if you want....

Tumango siya. "Answer my question."

"Tungkol saan?"

"Do you like me?"

At sinagot niya ang mas lalong nagpalakas nang tibok ng puso ko.

"Oo. Gustong-gusto kita." At nawindang ako sa sunod nitong ginawa.

She kissed me on my lips.

Stuck With You Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon