Chapter 48

82 6 2
                                    

Katie's POV

"May possible na baka i-arrange marriage kayo nung Ricky na yun dahil nasabi mo di'ba na sinabi ni Tito Eleazar na soon sa kanya ka daw ipapakasal? Yung pagdating ng Lolo mo ang hudyat ng problema sa inyo ni TJ." Nalungkot ako sa narinig galing kay Crystal.

Nasa silid kami at nasabi ni Daddy na bukas na daw darating sina Lolo at Ricky. I don't know him at wala akong balak na kilalanin siya hmp!

"What's your plan now? Kasi, kahit sabihin natin na ok lang kay TJ eh hindi na siya nasasaktan di'ba?" Tumango ako.

"Nasabi ko naman sa kanya na ngayong debut ko lang yun at kung ipipilit man ni Lolo na ipakasal ako sa Ricky na yun then, I have no choice."

"Kawawang T-"

"I have no choice but to fight. I stand with my feelings for Jaeden at hindi ko siya bibiguin. I swear! Wala akong pakialam kung tanggalan man nila ako ng mana or kung ano man ang gawin ni Lolo. Hinding-hindi ko bibitawan si Jaeden, ang dami na ng pinagdaanan namin ngayon pa ba kami susuko?"

Tinaasan ko silang dalawa ng kilay nung makita kong nagpupunas sila ng imaginary tears nila atsaka pumalakpak na parang proud na proud sila sa akin.

"Good thing na nakilala mo si Jaeden at matured ka na ngayon. We're so proud of you, Girl!" Napailing na lang ako habang nakangiti.

"I'm so lucky to have her. Mahal na mahal ko siya." Napatingin ako sa pintuan nang marinig kong bumukas ito at agad lumiwanag ang mood ko ng makita siya.

Lumapit siya sa kama ko kung saan kami nakaupo. Hinawakan niya ang magkabilang balikat ko.

"Ahm magpapaalam sana ako." Kumunot ang noo ko sa narinig kaya humarap ako sa kanya.

"Saan ka pupunta?" Tanong ko.

"Kay Flint lang. May pag-uusapan lang kami."

"Pero delikado pa di'ba? Hindi pa kasi nahuhuli si Carter."

"Mag-iingat naman ako. Wag kang mag-alala tatawagan kita pag uuwi na ako." Napanguso ako.

"Baka nandun yung crush mong hindi pinili ah." Narinig ko ang tawanan ng dalawa kong kaibigan.

"Hindi ko alam pero loyal ako sa'yo. Magtiwala ka lang sa akin." Saka niya dinampian ng halik ang noo ko.

She's wearing a casual outfit. Black plain shirt, jeans and a sneakers. Bakit ang gwapo niya lalo sa paningin ko.

"I'm going with you baka nandun yung Penny na yun eh, ang gwapo mo pa naman sa suot mo." Muli ay narinig ko ang tawanan ng mga kaibigan ko.

Napakamot siya sa batok niya. "Sandali lang ako promise at kung nandun man si Penny ay iiwasan ko siya." Nakahawak sa kaliwang pisngi ko ang kanang kamay niya.

"Ano ba kasi pag-uusapan niyo ni Flint? At bakit kailangan pa dun sa apartment niya eh welcome naman siyang pumunta dito."

"Basta babalik ako agad. Wag ka na magtampo." Sumimangot ako saka inirapan siya. Narinig ko lang siyang tumawa bago lumabas at hindi man lang ako hinalikan sa labi! That jerk!

"See that? Hindi man lang siya humalik sa akin-"

Naputol ang sasabihin ko nang maramdaman na bumalik siya at hinalikan ang labi ko sa harap ng mga kaibigan ko.

"Sorry nakalimutan ko. Wag na magtampo ha I love you!" Muli niyang dinampian ng halik ang labi ko saka lumabas na.

Natahimik naman ako at parang nahiya kasi nandito pa nga pala ang mga kaibigan ko na wagas kung makangisi ngayon sa akin. Gosh!

"You really look so smitten with TJ. Sana hindi lang puro love ha, dapat may tiwala kayo sa isa't-isa at dapat yung communication active kasi kadalasan sa mga relationship nasisira pag walang communication and trust."

"I know that. No one can tear us apart." Muntikan na kami masira dahil sa ginawa noon ni Cassidy at nagsilbing aral sa amin yun ngayon.

"Maging aware ka din sana dun sa naging crush niya kasi nasabi mo di'ba hindi niya matanggap na ikaw ang pinili ni TJ."

Nakuyom ko ang kamay ko dahil sa sinabi ni Phoebe. "Subukan niya lang talagang sirain ang relationship namin ni Jaeden kasi kakalbuhin ko talaga siya."

"Who would have thought na sa ating tatlo ay ikaw pa talaga ang magiging loyal noh? Eh playgirl ka dati eh hahaha but love is really mysterious."

Tumango ako at umagree sa sinabi niya. "What if mag-selos si TJ bukas?"

"Alam ko kasi kahit kinausap ko na siya at um-oo na siya ay alam ko magseselos pa rin siya kahit ako din naman, pag may lumapit lang nga na linta kay Jaeden sobrang naiinis na ako eh at gusto sabunutan yung mga lumalandi sa kanya."

Pagkatapos naming mag-usap ay lumabas na kami at in-open ang phone ko kasi may nag-text, nakangiti ako habang pababa ng hagdan.

Nagtext kasi si Jaeden na nakarating na siya kina Flint at nag-i love you siya sa akin with her endearment with me.

"Luh si bading kinikilig na naman."

"Ofcourse, hanap na rin kayo ng kagaya ni Jaeden para maranasan niyo namang kiligin." Mayabang kong saad pero inirapan lang nila akong dalawa. Nakaganti din sa pang-aasar nila sa akin.

Stuck With You Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon