TJ'S POV
"Mabuti naman at nagkaayos na kayong dalawa." Nakangiting saad ni Flint matapos kong sabihin sa kanya na napatawad ko na si Kitty at maayos na kami ngayon.
Pumasyal siya dito para bisitahin din sina Nanay.
"Mahal ko eh at nararamdaman ko na totoo ang pagmamahal niya para sa akin. I know there's something off with Cassidy, hindi na rin ako magtataka na siya din ang nagpapadala ng box na may lamang patay na pusa kay Kitty. She knows her weakness."
Napatingin ako kay Flint nung tumahimik ito at parang nag-iisip ng malalim.
"Kung ganun. Delikado sa kanya ang kamahalan mo."
Hindi ko talaga alam kung bakit ginagawa ni Cassidy ito kay Kitty, nakilala ko sila bilang magkaibigan pero hindi ko inaasahan na kayang siraan ni Cassidy si Kitty.
"Poprotektahan ko siya lagi at hindi ko hahayaan na may gawin na naman si Cassidy sa kanya." Tinapik ako sa balikat ni Flint.
"Tapos yung Monica ba yun? Di'ba kaaway din ni Kitty yun?" Tumango ako.
"Pero mas maayos si Monica kumpara kay Cassidy. Alam ko na magkaaway talaga sila ni Kitty kaya alam ko na kayang protektahan ni Kitty ang sarili niya laban kay Monica pero si Cassidy? Pre, magkaibigan sila tapos gagawin niya yun?"
Ok na kami ni Katie ngayon at hindi ko rin siya matitiis pa. Pinakinggan ko na rin ang side niya at naintindihan ko siya. Kami ng dalawa ngayon at ayaw na niya nagpaligaw pa pero gusto kong ligawan pa rin siya araw araw kahit na kami na. Masaya ako na tanggap ako ng Daddy niya para sa kanya. Kinausap pa ako nito ng masinsinan na wag ko daw sasaktan ang anak niya kundi ilalayo niya ito sa akin na lubos kong kinatatakutan pero nagbibiro lang pala siya. Hayysst lakas ng topak nilang mag-ama.
Mas lalo lang lumala ang pagiging selosa niya ngayon lalo na pag sa campus. Bakod na bakod eh hindi tuloy makalapit si Monica sa akin. Hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwala na girlfriend ko na ang kinaiinisan kong alaga ni Nanay dati. Talagang mahiwaga ang pag-ibig, sa hindi inaasahang tao pa talaga titibok ang puso ng wala sa oras.
"Buti naman ngayon at hindi na sila nag-aaway?" Napailing ako.
"Hirap pigilan pag dalawang maldita na ang nag-bardagulan, pre." Natawa kaming dalawa.
Totoo naman dahil nitong araw lang ay pinatawag sila sa office dahil sa pag-aaway nilang dalawa at pinarusahan na mag-community service sa campus tapos nag-aaway pa rin binabantayan ko tuloy baka mas lalong sumabong pag hinayaan eh. Sumasakit ang ulo ko sa kanilang dalawa.
"Pero masaya ka talaga sa kanya, pre?" Ngumiti ako sa kanya.
"Ngayon lang ako naging masaya ng ganito. Kay Kitty ko lang naramdaman ito."
"Sabi ko na eh hahaha hindi ako nagkamali na mahuhulog ka talaga diyan." Napailing ako saka mahinang natawa. Lumapit siya sa akin at bumulong.
"Alam na ba ng kapatid ko yung tungkol sa inyo ni Kitty? Ang alam pa naman niya ay siya pa rin ang crush mo. Ayokong masaktan ang kapatid ko, kahit magkaibigan tayo ay masasapak kita pag pinaasa mo pa ang kapatid ko."
"Wag kang mag-alala sasabihin ko na kay Penny mamaya yung tungkol sa amin ni Kitty. Alam ko magagalit siya pero ayokong paasahin siya kasi naging mabuti rin siyang kaibigan sa akin."
Tumango siya saka tinapik ang balikat ko. "Salamat, Pare."
Napatingin kami sa pintuan nung bumukas yun at iniluwa si Kitty na natigilan nang makitang may bisita kami. Agad tumayo si Flint.
"Magandang tanghali, ma'am. Kaibigan ako ni TJ." Ngumiti si Kitty sa kanya at nakipag-kamay.
"Hello! Nice to meet you. I'm Kitty, Jaeden's girlfriend." Magalang naman na nagpakilala si Flint sa kanya. Naks! Galang ah hahaha.
Lumapit si Kitty sa akin at tumabi saka hinawakan ang kamay ko. "I miss you!"
Kanina lang kami magkasama eh namimiss na agad ako. Hanep naman hahaha.
"Sige pare mauuna na ako." Tumango ako saka tumayo kami ni Kitty para ihatid siya sa gate.
Wala ulit si Sir Eleazar dito kasi nag-out of town. Nasabi niya na rin sa amin na pwede kaming tumanggap ng bisita as long na kaibigan talaga at lubos na kilala na namin. Ang bait ng amo namin.
Nung pabalik na kami sa mansyon nila ay nakatanggap ako ng hampas sa kanya. Gulat na lumingon ako sa kanya na nakahalukipkip na at nakataas ang kilay. Hayup! Hahaha magagalit pa lang ako nauna na siya.
"Who's that girl? Yung bumisita sa'yo nung gabing magka-away tayong dalawa? She looks so familiar."
Napakamot na lang ako sa batok saka hinawakan ang bewang niya. "Wag ka magselos okay? Ikaw lang ang mahal ko."
"Mahal din kita and now answer me please. Ayoko nagtatago tayo sa isa't-isa. Muntik na tayong masira dahil sa sikreto at ayoko ng maulit yun." Tumango ako saka ngumiti.
"Dun tayo sa silid mo mag-usap." Agad niya akong hinila papaakyat sa hagdan pagkatapos kong magsalita.
Pagkarating sa silid niya ay naupo kami sa couch sa tabi ng kama niya at hinawakan ko ang malambot niyang kamay.
"Yun si Penny. Yung first love ko sa probinsiya." Inirapan niya ako.
"Kaya pala familiar. Do you still like her?" Umayos ako ng upo paharap sa kanya at inayos ang buhok niyang nakaharang sa maganda niyang mukha.
"Nope. Hindi na promise. Plano ko na din na sabihin sa kanya yung tungkol sa ating dalawa." Tumango siya saka naglalambing na yumakap sa akin.
"Selosa ako Jaeden. Ayokong may umaaligid sa'yong iba." Hinaplos ko ang buhok niya.
"Alam ko kaya nga sinisigurado ko sa'yo na ikaw lang at wala ng iba. Wag kang mag-alala ako na mismo iiwas sa kanila para hindi ka na magselos." I kiss her forehead.
"Thank you, Jaeden. Thank you kasi naniwala ka sa akin and thank you kasi minahal mo ako kahit ganito ang ugali ko."
"Mahal kita kahit ano pa man ang ugali mo." At masuyo kong hinalikan ang labi niya.
The next day ay pumasok na kami sa school. Magkahawak kamay kaming dalawa habang naglalakad sa hallway.
"OMG! Sila na?" Nakaramdam ako ng hiya kasi pinagtitinginan nila kami.
"Bagay pala sila talaga at mukhang siya lang dahilan kung bakit hindi na nagmamaldita ngayon si Kitty." Napangisi ako.
"Kawawa naman sina Monica at Carter niyan." Hanggang sa makarating kami sa room ay panay pa rin bulungan nila na naririnig naman namin.
Sinalubong kami ng mga kaibigan niya. "Ay wow! Tatapang ah."
"Ofcourse! Hindi ko ikakahiya na si Jaeden ang mahal ko and besides boto si Dad sa relationship namin kaya there's no reason pa para itago yung relasyon naming dalawa." Napatakip sa bibig si Crystal.
"OMG! Kayo na?" Tumango kaming dalawa kaya ayun tili nang tili yung dalawa.
"TJ. Can we talk?" Napalingon kami sa nagsalita at ramdam ko ang paghigpit ng hawak ni Kitty sa kamay ko.
"Tungkol saan? Ibe-brainwash mo na naman si Jaeden para magalit sa akin?" Malditang saad ni Kitty sa kanya. Hinaplos ko ang kamay niya.
"Pwede naman tayong mag-uusap dito." Seryosong saad ko sa kanya.
"I-i'm sorry kung ginawa ko yun." Hingi niya ng tawad sa akin.
"Alam mo Cassidy hindi ka dapat sa akin nagso-sorry. Si Kitty yung mas nasaktan mo dito kasi nagawa mo siyang traydurin at saktan." Pero hindi niya ginawa instead ay lumabas lang siya. Napabuntong hininga ako.
"Hayaan mo na ang importante ay ok na tayong dalawa." Ngumiti ako saka umupo na kami.