Kitty's POV
Hindi ko pa rin akalain na mangyayari sa akin yun. Inaakala ko na sa mga palabas sa TV lang nangyari at hindi yun mangyayari sa totoong buhay pero naging leksyon din sa akin yung nangyari, na wag magtiwala agad kahit kakilala mo pa yung tao.
It's been a month matapos mangyari yun and unti-unti ko nang natatanggap yun. Nakaya ko na rin harapin si Monica kasama si Jaeden ng walang takot. Sadyang masama talaga na pairalin ang inggit at galit sa isang tao.
Hindi ko rin masisi si Monica kung bakit niya nagawa sa akin yun. Her parents is at fault too, wala talagang may magagawang tama ang pagko-kompara and I'm at fault too dahil isa rin ako sa dahilan kung bakit nabuo ang galit sa puso niya.
As of us, we're happy and stronger now. Nandito kami ngayon sa silid ko and she's busy doing our school project using my mcbook. Kanina pa ako nang-aakit sa kanya dito pero no effect kaya sa inis ko ay napatayo na ako at lumapit sa kanya na busy pa rin sa ginagawa. Ayaw mo akong pansinin ha!
Nagulat siya sa biglaan kong pag-upo sa kandungan niya at nakita ko na napalunok siya habang nakatitig sa akin. I'm wearing her white polo na sobrang laki sa akin.
Matangkad kasi siya tapos yung dating payat niyang pangangatawan na nilalait ko pa noon ay nagkakalaman na kaya mas nagiging selosa ako ngayon dahil mas maari na ang na-attract sa kanya ngayon.
"A-ano'ng ginagawa mo?" Nauutal nitong sambit. Nilagay ko sa batok niya ang mga kamay ko.
"Hindi mo kasi ako pinapansin at busy ka diyan sa assignment natin." Pinasadahan niya ako ng tingin.
"Sige na bumaba ka na para matapos ko na ito." Umiling ako saka naglalambing na yumakap sa kanya.
"No! Gumawa ka lang diyan and let me hug you." I sexily said while kissing her neck.
"H-hindi ako maka-concentrate. Sh*t!" I planted kisses on her jaw while caressing her nape.
Naramdaman ko ang paghawak niya sa bewang ko at masuyong hinaplos and in one swift move, she's kissing my lips passionately.
Bumaba sa leeg ko ang labi niya at napapikit ako sa sensasyon na hatid ng halik niya and tilt my head to give her access.
"Go on, Jaeden. Own me. Mark me." Kinagat ko ang labi ko nung sinipsip niya ung leeg ko.
Sa kabila ng init na nararamdaman namin ay naramdaman ko pa rin ang kamay niyang naglalakbay ngayon sa katawan ko.
"Gusto mo ba talaga na gawin natin ito?" Tumingin siya sa akin gamit ang namumungay niyang mga mata.
"Natakot ako nung gabing may masamang balak si Carter sa akin. Gusto kong ikaw at ikaw lang ang makakauna sa akin." Hinaplos ko ang batok niya na siyang napapikit sa kanya.
Tumitig siya sa labi ko at kitang-kita ko na napalunok siya. Binasa niya ba ang labi niya saka tumayo habang buhat ako. Napayakap ako sa batok niya.
"Tara sa CR." Saka siya ngumisi. Mahina akong natawa.
"Let's go." Excited kong saad. Papasok na sana kami sa CR ko nung may kumatok sa pintuan. Arrrggghh!
Rinig ko ang mahinang pagtawa ni Jaeden saka ibinaba ako. Nakasimangot ako na binuksan ang pintuan saka sinamaan ng tingin ang taong umistorbo sa amin.
"Bakit nandito kayo?" Masungit na sabi ko sa mga kaibigan ko.
"Ay nabitin ba?" Pang-aasar pa ni Phoebe saka pinasadahan ako ng nakakalokong tingin.
I stomp my feet in frustration dahil sa pang-iistorbo nila. Sa tuwing may sensual thingy na nangyayari sa amin ni Jaeden ay may umiistorbo talaga sa amin. Grrr!
"Mukhang nabitin nga." Tumawa pa silang dalawa.
Inirapan ko sila saka lumapit kay Jaeden na bumalik na sa pagkakaupo sa upuan. Napanguso ako saka umupo sa kandungan niya.
"Luh, Nagpa-baby." Hmp! Narinig ko ang mahinang pagtawa ni Jaeden.
"I hate you! Inaaway mo din ako." Hinampas ko siya sa balikat.
"I can't! My gosh! I never thought na ganito ka ka-OA pagdating kay TJ."
"What happened to our maldita friend? Bakit naging pabebe na?"
"Sige asarin niyo lang ako tatawanan ko rin kayo pag naranasan niyo 'to." Mas lalo pang lumakas ang tawanan nila. I hate them!
Nandito na kami sa living room at nakabihis na rin ako ng damit ko. Mukhang may sasabihin ang dalawang ito.
"Ano'ng pinunta niyo dito?" Mataray kong tanong sa kanila. Nagpaalam muna si Jaeden na may pupuntahan siya at may bibilhin lang daw, gusto ko sana sumama kaso ayaw naman akong payagan hmp!
Naging balisa ang ekspresyon nila sa mukha. "Nakatakas si Carter sa kulungan."
Nanlaki ang mga mata ko at inatake ng kaba ang puso ko dahil sa narinig. Alam ni Phoebe kasi Daddy niya yung general, Isa nga si Tito sa umayos ng kaso para makulong sila dagdag pa yung matapang na abogado ni Dad na Daddy naman ni Crystal.
Pero, how come na nakatakas siya? Sino ang tumulong sa kanya? Napaupo ako sa upuan.
"Galit na galit si Dad kasi mukhang gumamit ng dahas yung Tatay ni Carter. We all know kung gaano kasama yung ama niya."
I'm sure gaganti siya sa pagkakakulong niya. Ang mga katulad ni Carter ay hindi makatanggap ng pagkatalo.
"Pero don't worry, ginagawa na ni Dad ang lahat para mahanap siya at yung Daddy ni Carter ay hinuli ng mga pulis na utos na rin ni Daddy. Marami silang illegal na gawain patong-patong na kaso ang isasampa sa kanya ni Tito Javier." Pero hindi ako mapapanatag hangga't hindi nahuhuli si Carter.