Katie's POV
Takip silim na nang matapos ang meeting namin and I feel so drain. Sinalubong naman agad ako ni Jaeden pagkalabas ko.
"Ok ka lang ba?" Halata ang pag-aalala sa boses nito habang kinukuha ang bag ko at laptop.
"I'm fine sadyang nakakapagod lang talaga ngayong araw." Humawak ako sa bisig niya. Kapag nasa tabi ko talaga siya nakakaramdam ako ng saya at kapayapaan wag lang talaga umepal mga babae niya.
"Sigurado ka? Umuwi na kaya agad tayo, bukas na tayo pumunta ng plaza. Mas gusto ko na magpahinga ka muna." Umiling ako.
"Gusto ko ulit makatikim ng kwek kwek. I miss it! Last na punta natin dun noong nakaraan pa."
"May magagawa pa ba ako? Alam mo namang ikaw ang batas."
Mahina akong natawa kasi aminado siya na wala siyang magagawa pag gusto ko talaga ay gagawin ko. Hindi ko naman siya ina-under sadyang mahal niya lang talaga ako kaya hindi siya maka-hindi sa akin.
Nasa parking lot na kami nang lumapit si Monica sa amin. Nakangiti ito kaya tinaasan ko siya ng kilay.
"I'm not here para makipag-away sa'yo Kitty I'm here para imbitahan kayo ni TJ sa birthday ko." Saka nito nilahad ang dalawang kulay pink na envelope sa amin.
"Pupunta ba tayo?" Tanong sa akin ni Jaeden. Matagal-tagal na rin na hindi kami nag-aaway ni Monica at mukhang tanggap na rin niya na hanggang pagkakaibigan lang ang kayang ibigay ni Jaeden sa kanya.
Hanggang ngayon hindi pa rin kami nagpapansinan ni Cassidy. Nasasaktan din ako kasi tinuring din naman namin siyang kaibigan tapos eto gagawin niya sa akin? Dahil lang hindi siya magustuhan ni Jaeden ay tatraydurin niya ako? The heck! Bahala siya, hindi na namin siya kaibigan simula ngayon.
"Kelan?" Seryoso kong tanong habang tinitingnan ang envelope.
"Gusto ko na kasing makipag-ayos sa'yo kaya naisipan ko na i-invite ka para na rin simula ng pagkakaayos natin. Sa bahay lang tomorrow evening."
Tumango ako. "We'll be there. Wala ka naman sigurong gusto kay Jaeden di'ba?"
"Actually meron pero I know my limitations kaya wag kang mag-alala hindi ko siya aagawin sa'yo." Tumango ako at bahagyang guminhawa ang pakiramdam ko dahil natanggalan na ako ng kaaway at si Monica pa.
Who would have thought na magkakaayos pa kaming dalawa di'ba? We're rival here at campus but maayos na rin ito para maging maayos na ang lagay ko dito sa campus.
"Salamat, Monica." Nasabi ni Jaeden sa kanya.
"You're welcome, Cutie. Aasahan ko kayo bukas. See you tomorrow!" Kumindat pa ito kay Jaeden. Itong babaeng 'to!
"Nang-aasar lang yun hahaha ang selosa mo talaga." Inakbayan niya ako hanggang sa makarating kami kung saan naka-park ang kotse namin.
Pinagbuksan niya na ako ng pintuan at pumasok na ako. Pinag-iisipan ko yung pagpunta sa birthday party bukas ni Monica.
She hates me to the bone and then out of nowhere bibigyan niya ako ng invitation? Huminga ako ng malalim. Kasama ko naman si Jaeden bukas kaya panatag naman ako kahit papano atsaka baka nga nagbago na talaga si Monica. Sumandal ako saka pumikit.
"Napagod ang kamahalan ko." Napangiti na lang ako nang marinig ko ang boses ni Jaeden.
"Wake me up pag nasa plaza na tayo."
"Yes, baby." Kinikilig ako ano ba Jaeden! Napakagat ako sa labi ko.
Kakaidlip ko pa lang nang maramdaman ko ang marahan na pagyugyog ni Jaeden sa balikat ko. "Kamahalan, nandito na tayo gising na."