Chapter 46

100 5 0
                                    

TJ's POV

Nakangiti ako habang nagmamaneho. Napatingin ako sa kulay pulang maliit na box na nakapatong sa dash board.

She deserves it and I'm serious with her at wala na akong mahihiling pa pag um-oo siya sa gagawin ko. Yes! Plano ko na mag-propose na sa kanya.

I know, maaga pa pero seryoso na ako sa kanya at siya lang ang babaeng gusto kong pakasalan. Gusto ko lang ipangako sa kanya na siya at siya lang ang babaeng mamahalin ko. I'm so d*mn lucky to have her.

Papaliko na ako nung biglang may sumulpot na kotse dahilan para mawalan ako ng kontrol sa kotse saka nagpagewang gewang na ang kotse at hindi ko na naiwasan ang pagbangga sa poste. Namanhid ang katawan ko sa sakit habang nakadukdok ang ulo ko sa manibela. Kakaibang sakit ang naramdaman ko sa ulo ko at parang pinupukpok sa sakit.

Sa nanlalabong paningin ay naaninag ko ang isang taong binuksan ang pintuan sa driver's seat saka ngumisi sa akin. This evil!

"I told you she's mine. Kung hindi siya mapapasakin ay papatayin na lang kita pero ipaparanas ko muna sa'yo ang sakit." Gusto ko manlaban pero nanghihina na ang katawan ko sa sakit dulot ng aksidente.

Pero bago pa man niya ako makuha ay narinig ko na ang boses ng mga tao at tunog ng ambulansya o kotse ng pulisya. Narinig ko ang pagmumura niya at binitawan ako saka tumakas siya. Napalunok ako saka nanginginig ang kamay na dinama ang malapot na dugo na dumaloy sa pisngi ko. F*ck! Ipinikit ko na ang mga mata ko at nilamon na ako ng kadiliman.

Katie's POV

Umiiyak na binuksan ko ang kotse saka lakad takbo ang ginawa ko para makarating sa nurse section.

"Room of Theo Andrada please!" Nanginginig ang kamay ko sa kaba at takot.

"Nasa emergency room pa po siya, ma'am." Dali dali akong pumunta dun at hindi ko na hinintay ang mga kaibigan ko.

Gusto rin sana sumama ni Nanay Tina pero hinimatay siya sa kaba at pag-iyak nung malaman ang nangyari kay Jaeden. Kaya nagpaiwan na lang muna sila nina Tay Elmer dun sinamahan sila ni Daddy at Penny dun.

I can't bear to lose her. I love her so much! Lord, please! Don't take her away from me. Papauwi na dapat siya sa akin eh pero na-aksidente siya habang pauwi. Umupo ako dun sa upuan sa labas ng emergency room saka hinintay ang doctor na lumabas. Nanalangin ako sa diyos na sana iligtas niya ang taong mahal ko.

"Hey, she'll be okay. Magiging okay din ang lahat. TJ is a tough one." Naramdaman ko ang paghaplos nila sa balikat ko. Thank God! My friends are here to comfort me.

"H-how come na ma-aksidente siya? H-hindi naman reckless magmaneho si Jaeden."

"I think someone sabotage it. Hindi kaya si Carter? Di'ba nakatakas siya?" Bakas ang pagkatakot sa mukha ni Phoebe dahil sa  huling sinabi.

"If that's the case then he's insane. He's madly inlove with you Kitty to the point na nasisiraan na siya ng ulo."

"Dagdag pa na he's taking drugs." Hindi ko siya mapapatawad kung sakaling totoo na siya nga ang dahilan kung bakit na-aksidente si Jaeden.

"He'll pay for this." Nagagalit kong sambit.

Ilang minuto pa ang nakalipas ay lumabas na ang doctor sa ER saka tinanggal ang face mask. Tumayo ako saka lumapit sa kanya.

"Who's the relative of the patient?"

"I-i'm her girlfriend, Doc. How is she?" Kinakabahan kong tanong sa doctor. Halatang nagtataka ang doctor sa sinabi ko.

"She? Our patient was a man and he's dead."

What? Man? Sabi ng nurse eh nasa emergency room pa si Jaeden? Then? Where is she now? Imposible naman na magkamali ang pulis na tumawag sa amin. Oh gosh! This is so embarrassing.

Jaeden looks so manly. N-no! D-don't tell me napagkamalan siyang lalaki ng doctor? Oh no!

"A-are you sure, doc. She looks manly b-baka-" naiyak na ako sa naisip ko na baka siya nga yung pasyente na namatay. Oh God! Please! No!

"I'm sure, Hija. Our patient was a guy and he's old kaya nabigla ako nung sinabi mong girlfriend eh parang apo ka na niya." Bahagya akong nakahinga ng maluwag dahil sa sinabi ng doctor. Gosh! Kakahiya.

"Baka nasa ward room yung hinahanap niyo?" Mas lalo akong nakahinga ng maluwag dahil sa narinig. Ibig sabihin pag nandun siya ay stable na yung kalagayan niya.

"S-sabi kasi ng nurse nasa emergency room daw siya." Tatanga kasi eh bakit di full name sinabi ko.

"Check niyo sa ward room baka nandun siya." Ngumiti siya sa amin. Rinig ko ang pa ang mahinang pagtawa ng mga kaibigan ko.

"That was epic!"

Napailing na lang ako saka pumunta ng ward room at hinanap namin si Jaeden dun and sa huling paghawi ko nung hospital curtain ay nakita ko siyang nakahiga sa single hospital bed habang nakatingala sa puting kisame at nung mapansin ako ay napabaling sa akin ang atensyon niya na lubos na nagpagulat sa kanya.

"K-katie." Napaiyak ako saka umupo sa gilid ng kama na kinahihigaan niya at niyakap siya.

"I-i thought-" narinig ko ang pag-alo niya sa akin habang hinahagod ng kaliwang kamay niya ang likod ko. Naka-cast kasi ung kanang kamay niya habang may gauze sa kaliwang noo niya.

"Shhh! I'm fine. Medyo masakit pa ang ulo ko but I'm okay now lalo pa at nandito ka na." Humigpit ang pagkakayakap ko sa kanya pero hindi ko naman hinayaan na sobrang higpit talaga eh masakit pa katawan niya dulot ng pagkaka-aksidente.

"That was so corny." Hindi ko na pinansin ang pang-aasar ng mga kaibigan ko ang importante sa akin ay ligtas na ang taong mahal ko.

Stuck With You Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon