Chapter 4

154 6 0
                                    

Chapter 4

Kitty's POV

I crossed my arms habang hinihintay sa library ni Dad ang magiging bodyguard ko. Geez! Ano'ng tingin ni Dad sa akin bata? Na kailangan bantayan at ihatid sundo? Napasimangot ako.

"Why are you frowning? Pasalamat ka nga pumayag si TJ. Na-istorbo pa natin sila."

"Hmp! Nakakahiya kaya sa school. High School na ako tapos ako pa kinatatakutan dun at famous ako dun tapos may bodyguard ako?"

"Para sa'yo din naman itong ginagawa ko, hija. Oo, palagi akong busy pero hindi ka nawala sa isip ko lagi kitang inaalala." Lumapit si Daddy sa akin. Bigla tuloy akong nakaramdam ng saya at lungkot.

"I'm sorry, Dad. Palagi akong nagbibigay nang sakit ng ulo sa'yo." Niyakap niya ako.

"I'm sorry too, Hija. You're my only daughter at yan ang pinangako ko sa Mommy mo bago siya mamatay,yun ay ang maging ligtas ka lagi kaya ginagawa ko talaga ang lahat para sa'yo. Sorry kung Inaakala mo na mahigpit ako sa'yo."

"It's okay, Dad. I understand now." Yumakap lang ako sa kanya.

"Sir?" May kumatok sa pinto. Si Yaya Tina.

"Come in." Bumukas ang pinto at Pumasok si Yaya.

"Sir, nandito na po ang anak ko."

"Sige Tina, papasukin mo na siya." Nakangiting sabi ni Dad.

Lumabas siya sandali at muling pumasok na kasama na ang anak niya.  "Magandang umaga, Sir and kama-i mean ma'am."

Tumaas ang kaliwang kilay ko sa sinabi niya. Ano yung sasabihin niya sana? Pinasadahan ko siya ng tingin. Ripped jeans, black shirt and black Vans shoes. Feeling Daniel Padilla? Mukhang payatot eto ba bodyguard ko? Baka isang suntok lang ito tulog agad.

"You must be TJ right?"

"Yes, sir." Nakatitig lang ako sa kanya pero ang ungas hindi tumitingin sa akin panay ang paglinga nito sa paligid.

"I'm glad na pumayag ka na maging bodyguard nang anak ko." Lumapit si Dad sa kanya at tinapik siya sa balikat. Tipid lang siyang ngumiti.

"Walang anuman po yun atsaka masaya din po ako na makakasama na namin si Nanay."

"Kasama ba ang asawa mo, Tina?"

"Opo, sir. Pero baka bukas pa po siya makakapunta dito."

"Ah sige-sige. TJ, this is my daughter Kitty."

Nilapit ako ni Dad sa kanya. Nakapamulsa lang siya at seryosong nakatitig sa akin. Hindi ko alam pero parang nalulunod ako sa mga tingin niya but still mukhang mayabang at presko.

"Nice to meet you, Miss Kitty." Wow! Miss! Galang naman hmp!

"Sana magkasundo kayo and TJ make sure na maibabalita mo sa akin kung ano'ng ginagawa ng anak ko."

Nakita kong ngumisi siya. "Opo, sir. Ako po ang bahala sa anak niyo."

"Salamat kung ganun. Sige mauna na ako sa inyo. Hija, behave." Dinampian niya ng halik ang noo ko. Napasimangot ako habang tumatango.

He tapped TJ's shoulder bago lumabas. "Mag-usap muna kayo dun muna ako sa labas." Nakangiti namang sabi ni Yaya.

Iiwan nila ako sa ungas na ito? Nakangisi lang siya lumabas na si Yaya at kami na lang naiwan dito.

"Talaga bang kaya mo akong ipagtanggol? Eh payatot ka naman."

"Wag mo akong subukan." Seryoso na ngayon ang tingin niya.

Lumapit ako sa kanya at nilabanan ang titig niya. "Baka isang sapak ka lang knock out ka agad."

Tumawa siya ng nakakaloko. "Baka sila ang ma-knock out pag sinuntok ko. And besides may respeto ako sa Daddy mo kaya aayusin ko yung trabaho ko "

"Ang yabang!" Singhal ko sa kanya.

"Kailangan kasama mo ako kahit saan ka magpunta at kailangan kong I report lahat kay Sir ang mga ginagawa mo. So, don't mess up with me."

"What the heck! Papansin ka!"

"Hindi ako papansin. Ginagawa ko lang ng maayos ang trabaho ko. So, sa oras na tatakasan mo ako may parusa ka."

"At ano naman parusa ko Aber?"

Tumitig ulit ito sa aking mga mata at binasa ang labi niya saka bumaba ang tingin niya sa labi ko. "Sa akin na lang yun." Saka tumalikod at lumabas.

Arrggghh! Kainis! Simula pa lang kumukulo na dugo ko sa kanya.

~

"Seriously? Isang lesbian ang bodyguard mo? Nahihibang na ba si Tito?" Gulat na sabi ni Phoebe. Nag-VC ako sa kanila.

"Yes! And she's so annoying! I hate her so much!"

"So, what's your plan?" Tanong ni Cassidy.

"I don't know for now pero hindi ko hahayaan na manalo ang feeling lalaking ungas na yun."

"Gwapo ba?" Hirit pa ni Crystal.

Cute siya. Anang isip ko. Ghad! Pangit siya! Pangit!

"Pangit!" Nagtawanan sila mas lalo lang akong sumimangot. Hindi pa man siya nagsisimula grabe na yung inis ko sa kanya. May araw din siya sa akin.

Stuck With You Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon