Ako si Maria Reanna Avhesa Delara,38 years old at nagpakasal sa mayamang lalaki, Siya si Reon Dominique Isang Chairman. Kilala ang pamilya nya na pinaka mayaman sa buong Bansa. Hindi ko akalain na mapapangasawa ko ang Isang tulad nya.
Yung una.
Masaya ako dahil pinakasalan ko ang lalaking matagal ko ng iniibig noong mga bata pala mang kami.
Akala ko mananatili sa ganito ang buhay ko pero-
" Love! " Sigaw ko ng makita ko syang palabas ng kanyang kotse.
Andito ako sa may gate ng aming tinitirhan hinihintay ang pag-uwi ng aking Asawa.
Dalwang buwan na ang nakakalipas noong magpakasal kami ni Reon, ngunit sa loob ng dalwang Linggo na yun Hindi pa kami nag-iisang dibdib.
Diba ganun naman kapag bagong kasal?
Pero sa'kin kasi parang may Mali.
Unti unting naglaho ang mga ngiti ko ng makita ko ang Isang pamilyar na babae na palabas sa kotse ni Reon.
Inalalayan ni Reon ang babaeng kasama nya palabas ng kotse, nakikita ko sa mukha nya ang kakaibang saya at ngiti na ngayon ko lang Nakita.Ang babaeng kasama ng Asawa ko ay si Amber Montefalco ang dating kasintahan ng Asawa ko.
Ano ang ibig sabihin nito?...
Nakaramdam ako ng kirot sa aking puso ng makita ko silang magkasama.
Humarap silang dalwa sa'kin at ang mga ngiting nakapaskil sa mga mukha nila ay nabura ng makita nila.
" Anong ginagawa mo dyan?! " halata sa boses ni Reon ang pagkainis.
" H-hinihintay ka.. "sagot ko sa kanya.
" Tsk.. huwag kangang umastang Asawa ni Reon, dahil palabas lang Naman ang kasal nyo, Ako ang totoong Asawa nya Hindi Ikaw. " Biglang sabat ni Amber, nakaramdam ako ng galit sa babaeng ito.
Binalewala ko ang sinabi ni Amber, tumingin ako Kay Reon na ngayon ay walang emosyong nakatitig sa'kin.
Ngumiti Ako at lumapit sa kanya.
" Love, Kumain kana? Tara sa kusina ipaghahain kita ng gabihan mo. " Hinawakan ko ang kamay nya ngunit tinabig nya lang iyon na nagpagulat sa'kin.
" Narinig mo naman ang sinabi ni Amber Hindi ba? Sya ang Asawa ko Hindi Ikaw. " Inis nitong Sabi sa'kin.
" Reon Naman! Ano ba yang pinagsasabi mo?! Kakakasal palang natin! Dalwang buwan na ang nakakalipas! Ako ang Asawa mo! Hindi ang bruhang Yan! " Hindi ko napigilan ang aking sarili kaya nasigawan ko sya.
*PAKK!
Tumabingi ang ulo ko nang malakas nya ang sinampal.
" Ang kapal rin ng mukha mo para tawagin mo syang bruha! Hoy babae! Ang kasal na nangyare 2 weeks ago ay Isang palabas lamang! Hindi totoong pinakasalan kita! Naaawa lang ako sayo kaya ginawa ko Yun. At tsaka sinabi ng mga Magulang mo na pakasalan kita Bago sila mamatay. Akala mo nasisiyahan Ako sa ginawa ko?! BWESIT! NAKAKASUKA ANG PAKASALAN ANG ISANG TULAD MO! PWE! " halos madurog ang puso ko dahil sa sinabi ni Reon.
Nanggilid ang mga luha ko at napaubo nalamang dahil sa panghihina.
" B-Bakit mo nagagawa 'to sa'kin Reon?... " Humihikbi kong Sabi.
" Dahil Isa kang basura, at uto uto. " pagkatapos nyang sabihin iyon ay humagalpak sya ng tawa.
Ako Naman ay Tudo iyak dahil sa sinabi nya.
Ang sakit.
Parang libo libong patalim ang tumutusok sa puso ko.
" Simula ngayon tawagin mo akong ' Young Master ' dahil Ikaw na ang magsisilbing Maid ko sa Bahay na 'to, Ayukong hahawakan mo ang mga gamit ko na walang permiso ko at Papasok sa kwarto ko, At Isa pa. Huwag na huwag mong sasaktan si Amber dahil ako Ang makakalaban mo. " Iniwan nila ako na ganun parin ang posisyon, Binuhos ko ang lahat ng aking luha at ginamit ko ang aking mga kamay upang hampasin ang aking naninikip na dibdib.