chapter 8

0 0 0
                                    

Habang tahimik akong nagbabasa sa Library bigla may nag pop up sa notification ko galing sa Facebook.

Someone tagged me in a post.

Bigla akong nacurious kaya pinindot ko ang notification na iyon.

Nangunot ang aking noo ng makita ko ang Isang video na sinampal ako nila Klea at Amara na may caption na 'Nakakahiya ka Ms.Delara!Wala Kang kwentang kaibigan!'

Napahigpit ang kapit ko sa hawak kong Cellphone, kailangan kong ilinaw Kila Klea at Amara ang totoo.

Na hindi ako ang may gawa 'non!

Inayos ko ang mga libro na ginamit ko at inilagay sa bookshelf at pagkatapos ay agad akong umalis sa Library upang puntahan si Klea. Sa mga oras na'to siguro na sa music room sya, kapag free time namin palagi syang nagpupunta doon upang kumanta at mag-guitara.

Kilala si Klea na isang magaling na singer, palagi syang inilalaban sa ibat ibang school dahil sa husay nya. Kaya maraming taong nagmamahal sa kanya at mga fans nya.

Siguradong marami ding taong nagagalit sa'kin dahil sa video na pinagbibintangang ako raw ang gumawa.

Nang makarating ako sa music room, bumungad sa'kin ang napaka-lamig na boses ni Klea na ngayon ay kumakanta sa stage habang nagguguitara.

Napakagat ako sa pang-ibabang labi at nagdadalawang isip kong itutuloy ko pa itong gagawin ko.

Pero.. kailangan ko syang makausap at para makapaliwanag ako ng maayos.

Someone wants to destroy our friendship, so I need to find him/her and solve this problem as soon as possible.

Naglakad ako palapit sa kanya nang makita nya ako, kaagad nagbago ang reaksyon ng kanyang mukha naging madilim at kasingsama ang tingin nito sakin.

" Ang kapal naman ng mukha mo para magpakita sa'kin? Hindi ka ba naguguilty sa ginawa mo? Pinahiya mo na ako, maraming tao na ang nakakita sa Video na 'yon! Ano masaya kana?! " Nakikita ko sa kanyang mukha ay puno ng galit at pagkadismaya.

Kahit pangalwang beses na itong nangyare sa buhay ko, nasasaktan parin ako. Hindi ko nagawang ayusin noon ang problemang ito kaya tuluyang nasira ang pagkakaibigan naming dalwa.

Pero sa pagkakataong ito Hindi na ako makakapayag na maulit muli ang nangyare noon.

Aayusin ko na to at hahanapin ko ang tao na tunay na may gawa nito.

" M-Makinig ka sa'kin Klea.. kahit kailan Hindi ko magagawa 'yon.. kaibigan moko kaya dapat sa'kin ka nakikinig hindi sa kung sino sinong tao na nagsasabi sayo. " Huminto ako sa paglalakad ng makarating ako sa stage na kung saan sya nakatayo ngayon.

Napatawa sya ng naiinis sa sinabi ko.

" Really?.. HAHAHA So ang gusto mong palabasin ay nagsisinungaling sila? Hay nako Reanna.. sumasakit ang ulo ko sayo. Huwag mo ng baliktarin ang lahat.. T-ngina! Bakit ko kasing hinayaan na magkaroon ng kaibigan na tulad mo.. " Sa pamamaraan ng tingin nya ay parang ibang tao ako. ito ang napakasakit sa lahat.

Naglabo ang aking paningin dahil sa nanggigilid kong luha.

Tumalikod sya sa'kin at naglakad palayo, kaagad ko syang hinabol at hinarang sya.

" K-klea.. L-Listen to me.. S-Someone wants to destroy our friendship..Wag ka sa kanila naniwala..."

Nakita ko ang pag-ikot ng mata nya at pagkainis sa kanyang mukha.

" Get out of my way, if you don't want to be embarrassed in front of many people. " seryusong sabi nya.

Umiling ako at nagmatigas.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 31, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Future 2030Where stories live. Discover now