Ang aking mukha ay nakadukdok sa desk at medjo naiglip. Pagkatapos naming mag-usap ni Ray dumiretso agad ako sa room.
Tapos na ang last subject namin kaya lahat ng mga klasmeyt ko ay nag-aayos na ng kanilang mga gamit para makapag-uwi na.
Ganun din ang ginawa nila Amara at Klea.
Naramdaman ko ang pagtapik ni Amara sa aking likuran kaya inangat ko ang aking ulo upang tignan sya.
Namumungay pa ang aking mga mata at napahikab pa ako.
Grabe.. nakaidlip Pala ako pero kulang parin sa'kin.
" Tumayo ka na dyan, uuwi na Tayo. " nakatayo sya sa harap ko habang nakacross arm.
Agad akong tumayo at isinukbit ang aking bag, sabay kaming tatlo na lumabas sa room.
_____
Kasalukuyan kaming naglalakad sa hall way nang bigla kong maalala ang pinag-usapan namin ni Ray kanina.
F L A S H B A C K
" Finally, I found you Reanna.. " gumihit saaking mukha ang pagtataka at kaguluhan.
Anong ibig nyang sabihin?
Sandali...
Ibig sabihin? Kagaya ko rin sya na nanggaling din sa future?!
" Galing ka rin ba sa Future? " mas lumawak ang ngiti nya.
" Yes.. galing ako sa future. " Ngayon ko lang napansin na mas cute sya kapag ngumingiti palagi kasi syang seryuso at minsan nakakunot ang noo kapag nakikita ko sya.
" Pero paano? Paano tayo napunta sa nakaraan? Bumalik Tayo sa pagkabata. " Gulong gulo ang isip ko ngayon.
" Siguro Yung mga panahong nasa future tayo hiniling natin na bumalik tayo sa pagkabata upang balikan ang mga masasayang araw na kasama natin ang mga mahal natin sa Buhay.. O kaya may Isa kang tao na gusto mong makita at makasama sa panahong Wala pang nagmamay-ari ng kanyang puso.. yong panahong Wala ka pang kaagaw sa taong iniibig mo. " napaiwas ako ng tingin sa kanya, grabe kasi sya makatitig sa'kin habang sinasabi 'yon.
Pero Tama sya.. siguro dahil dun..
Minsan narin akong humiling na Sana bumalik ako sa panahong kasama ko pa ang aking pamilya upang maranasan ko ulit ang kanilang pagmamahal.
" Nakakatuwa Naman.. Akala ko ako lang ang nag-iisang tao na nakabalik sa panahong 'to.. Salamat naman may makakausap na ako lagi na galing din sa future. " pagkatapos kong sabihin 'yon Ako ay ngumiti at napapikit upang damhin ang simoy ng hangin.
" Yeah.. you're right.. Ako ay natutuwa na makita kita sa panahong ito. " napamulat ako bigla ng maramdaman ko ang kanyang malalambot na labi sa aking pisnge.
Omygod!
Hinalikan nya ako sa pisnge!
" W-Why did you do t-that? " tumayo sya at naglakad palayo ngunit agad ding huminto at humarap muli sa'kin.
" Ang ganda mo " ngumiti sya sa'kin at kumindat. Napatulala Ako sa ginawa nya.
Hindi ako makareact..
Ano bang nangyayare sa'kin?
bumibilis Ang tibok Ng puso ko.. mamatay na ba ako? Hindi na kasi normal ang tibok ng puso ko.
Halos marinig ko na 'to sa subrang lakas at bilis.Parang may mga kabayong nagpapaunahan sa pagtakbo.
E N D O F F L A S H B A C K
Bumalik ako sa realidad ng bigla akong hampasin ni Amara sa balikat.
" Ano bang iniisip mo Reanna?! Kanina kapa lutang ha! " hinimas ko ang aking balikat dahil sa subrang sakit ng ginawa nya.
" Mapanakit kayo ha.. " nakanguso kong sabi
" Kanina ka pa kasi namin kinakausap ni Amara pero Hindi kaman lang umiimik kahit pagkurap ng mata ay Hindi mo nagawa dahil sa kakatitig mo kunsaan. Buti nalang walang mga puno rito kung hindi kanina kapa siguro nakabulagta dyan. " pagsermon sa'kin ni Klea.
Bumuntong hininga naman Ako
" Pasensya na may iniisip lang ako. " tanging sagot ko.
" Mukang malalim yang iniisip mo.. Kapag may problema ka Reanna sabihan mo lang kami.. handa naman kaming makinig at damayan ka. " umakbay sa'kin si Amara at Klea, naglakad sila ng mabilis kaya natatangay Ako.
Mga walang hiya.
Kaibigan ko talaga ang dalwang siraulong 'to.
_____
Nakarating na ako sa Bahay, dumiretso ako sa kusina at naabutan ko si Mama na naghuhugas ng Plato.
Napangiti naman ako at tumakbo na parang Bata.
Niyakap ko sya, nagulat pa ito sa ginawa ko.
" Dumating ka na pala Reanna, Ang aking anak na may sumpong at sanib. " narinig ko ang mahihinang tawa ni Mama.
Napasimangot Ako.
" Mama Naman eh! Wala kaya akong sumpong at sanib! " nagmaktol ako na parang Bata, bumitaw Ako sa pagkakayakap sa kanya at naglakad papunta sa kwarto ko.
" Bilisan mong magbihis dyan ha! Tutulungan mo akong magtapon ng mga basura! " sigaw nya, napakamot Naman ako sa batok.
Agad kong sinarado ang pintuan ng aking kwarto ng makarating ako sa aking kwarto.
Matamlay akong naglakad Palapit sa aking kama at inilapag lang kung saan ang aking gamit.
Ibinagsak ko ang aking katawan sa malalambot na higaan at pagkatapos ay nagpagulong gulong.
Tinatamad pa akong maghubad ng uniform mamaya nalang siguro maidlip muna ako. Nakakulangan ako kanina.
Ipipikit ko na sana ang aking mata nang biglang pumaflashback sa aking isip ang mukha ni Ray.
Napahawak ako sa aking pisnge kung saan nya ako hinalikan.
Sh-t!
Ang lalaking naging first love ko noon ay hinalikan ako sa pisnge? Sheeessssshhhh.
Kung Hindi ko ba nakilala noon si Reon, sya kaya ang makakatuluyan ko?
Hasyt!
Napaka-assumera mo Reanna magtigil tigil ka riyan. Nanggigigil ako sayo.
Muli akong gumulong gulong sa higaan at pinaghahampas ko ng aking mga kamay ang unan.
" Bakit nya kasi ako hinalikan sa pisnge na walang pahintulot ko! Humanda sya sa'kin bukas! Inisahan nya Ako! " maririnig sa buong paligid ng aking kwarto ang nakakabinging ingay ko.
Hindi naman maririnig nila Mama, Papa at Kuya Uno ang ingay ko dahil naka sound prof ang aking kwarto.
Panis..
kahit mahirap kami nakakapagpagawa sila Mama ng ganitong kwarto.
Mahal talaga ako nila-
" SINONG HUMALIK SAYO BUNSO?! SINO ANG G-GONG 'YON! WALA SYANG KARAPATAN PARA GAWIN NYA ANG BAGAY NA'YON! SABIHIN MO KUNG SINO! PARA BIGYAN SYA NG LEKSYON! " bigla akong nahulog sa aking higaan ng marinig ko sa labas ng aking kwarto ang boses ni Kuya Uno.
Napangiwi pa ako dahil tumama ang puwetan ko sa matigas na bagay.
Arrrghh malas...
Sorry guys.. akala ko nakasound prof itong kwarto ko, Hindi pala.. Sa panaginip ko pala 'yon nangyare.
Hasyt.. kaasar.
I thought it was real..
TO BE CONTINUED...
****