Chapter 3

0 0 0
                                    

Kasalukuyan akong nakasakay sa bus, kasama ko nga Pala si Amara, nauna ng umuwi si Klea at Ryan pagkatapos naming mag-usap 'don sa may Soccer field kanina.

" Nga pala Reanna may quiz Tayo bukas sa Math, ipapahiram ko nalang itong notebook ko para makareview ka. " pagkasabi ni Amara, kinuha nya ang kanyang notebook sa bag at inabot sa'kin.

" Salamat.. balik ko nalang bukas. " kinuha ko ang notebook sa kanya at ipinasok ito sa loob ng bag ko.

" Reanna, bakit ka pala umiiyak kanina? " sa gitna ng katahimikan, muling nagsalita si Amara, natahimik ako at naghahanap ng isasagot.

Pano ba'to?

Kapag sinabi kong Asawa ko si Reon sa future baka sabihan nyang baliw Ako.

At may sayad sa utak.

" Napuwing lang ako kanina, Wala 'yon. " pagdadahilan ko.

_________

" Manong Para po! " Sabay na sigaw namin ni Amara.

Huminto naman ang bus kaya tumayo na kami at lumabas.

Biglang umihip ang malamig na hangin kaya napayakap Ako sa aking sarili.

" Mauuna na Ako sayo Reanna, Malapit lang naman ang bahay ko dito. " Tumango Naman Ako sa sinabi nya.

" Bye! " Kumaway 'to sa'kin.

" Bye! Salamat pala sa notebook! Ibabalik ko 'to bukas! " Kumaway rin ako Pagbalik sa kanya.

" Sige! Huwag mo yang ipang-amak ha! Lagot ka sa'kin! " natawa Ako sa sinabi nya.

" Baliw ka talaga! "

" Mas baliw ka sa'kin blee! " Dumila pa ito sa'kin with papikit pikit Ng mata. " Alis na 'ko! " Naglakad na ito palayo sa'kin.

Habang pinapanood ko syang papalayo Ako ay napangiti.

" Kahit kailan Hindi ka pa talaga nagbabago. Ikaw parin Yung Amara na palaging Masungit, Galit at May sayad. " Napapailing Ako at napagpasyahang maglakad paalis.

Ngayon na nakabalik Ako sa nakaraan, may Tahanan ulit akong mauuwian.

Tahanan na kasama ang aking buong pamilya.

Na aking pahinga at pag-asa.

______

Nang makarating ako sa labas ng pinto ng aming Bahay, punong puno ng kagalakan Ang aking puso, dahil Makikita kong muli sila.

Ang mga taong nais kong makita araw araw.

Kumatok ako Ng tatlong beses.

" Julius Buksan mo, baka si Reanna na Yan. "

" Sandali papunta na Ako. "

" Ako na po ang mabukas ng pinto, para Ako ang unang gwapong Makikita nya sa Bahay na 'to. "

" Ako na ang magbubukas Uno! Gusto ko Ako ang unang Makikita ni Reanna, Ang napaka-gwapo nyang Papa! "

" Kayong dalawa! Buksan nyo nalang nga Yan! Para kayong mga aso't pusa dyan! "

Napangiti nalang ako Ng marinig ko ang mga boses nila, grabe nakakamiss talaga sila.

Oras na makapasok Ako sa loob, yayakapin ko sila ng mahigpit.

" Ma! Pa! Kuya Uno! Pinapapak na Ako Ng lamok Dito oh! Buksan nyo na ang pinto! " sigaw ko.

Maya Maya ay bumukas na nga ang pinto at bumungad sa'king harapan sila Papa at Kuya Uno.

" Anak ko! " - Papa.

" Bunso! - kuya Uno.

Sabay nilang pagtawag sa'kin.

Future 2030Where stories live. Discover now