Lumapit si Reon sa'kin at marahas nya akong hinawakan sa braso at hinila kung saan.
Napadaing naman ako sa ginawa nya.
" Ano ba! Bitawan mo nga Ako! Saan mo ko dadalhin?! " inis kong Sabi sa kanya.
" Sa Lugar na maraming estudyanteng makakakita Sayo. " malamig nyang Sabi.
Pilit kong tinatanggal ang kamay nyang nakahawak sa braso ko, ngunit napakahigpit nito.
Huminto kami nang makarating sa cafeteria kung saan maraming mga estudyanteng kumakain.
Sinamaan ko sya ng tingin.
" Hoy! Hindi mo ba ako bibitawan! " napalakas ang sigaw ko kaya yung ilang mga estudyante ay napatingin sa'min.
Nagsimula na ang bulungan na parang mga bubuyog.
" Naalala mo ba yung ginawa mo sakin kahapon? " tanong nya sa'kin, bigla akong natahimik at umiwas ng tingin.
" W-Wala akong maalala! A-At sino kaba?! H-Hndi naman kita Kilala! " muli kong tinangkang Alisin Ang kamay nya sa braso ko ngunit mas hinigpitan nya ang pagkakapit dito, napangiwi ako at parang gusto ko ng maiyak.
Inilapit nya ang mukha nya sa'kin at itinapat nya ang kanyang bibig saaking tainga, " Kung ganun.. Ipapaalala ko sayo kung ano ang ginawa mo sa'kin " bulong nya.
Napalunok ako ng laway.
Itinulak ko sya gamit ang Isa kong kamay para mapalayo sya sa'kin.
Gumihit ang kakaibang ngisi sa kanyang labi sa ginawa ko.
" Tapos kana ba?! Inaaksaya mo kasi ang Oras ko! Tsaka ayaw kong makita ang pagmumukha mo na katulad sa aso! " dinuraan ko sya sa mukha.
Ang buong paligid ay mas lalong umingay.
Nang dahil sa ginawa ko nabitawan nya ang braso ko, binigyan Naman nya Ako ng nakakamatay na tingin.
" ANO ANG KARAPATAN MO PARA GAWIN MO 'YON?! " umalingawngaw ang galit na galit nyang mga boses.
Mabilis syang kumilos upang sampalin ako sa mukha na naging dahilan ng pagkatabi ng ulo ko.
Nabigla ako sa ginawa nya, subrang bilis ng galaw nya.
" Deserve nya yan! "
" Masyado kasing papansin! Yan ang napala nya! "
" NAKAKAGIGIL KA GURL! "
Napahawak ako sa pisnge at inangat ang aking ulo upang tignan si Reon.
Umiigti ang panga nito habang nakatingin sa'kin.
Kahit kailan napakamapanakit mo talaga Reon!
Kinamumuhian kita!
D-monyo ka!
Nanlabo ang paningin ko dahil sa luhang nanggigilid, kinuyom ko ang aking palad, mabibigat na pag-hinga Ang aking ginawa.
" H-YOP KA EROS! "
Bigla nalang bumagsak si Reon nang may Isang lalaking sumipa sa kanya.
Lahat kami ay nagulat sa ginawa ng lalaki.
Pinagmasdan ko ang mukha ng lalaki- si Ray.
Sya ang sumipa kay Reon.
" F-CK! ANO BANG PROBLEMA MO?! MASYADO KANG PAKELAMERO! " Galit na Sabi ni Reon, tumayo sya at sinugod si Ray.
Parehas silang nagpapalitan ng suntok..
Wala na.. nag-aaway na sila.
" STOP! RAY AND REON GO TO PRINCIPAL OFFICE NOW! " Napatigil sila ng dumating ang Teacher namin.
Lahat ng mga estudyante ay natahimik din.
Parehas silang naglakad at sinundan ang Teacher Dhayan.
Nais ko pa sanang sundan sila ngunit hinarang ako ng mga estudyante.
" Kasalanan mo ang nangyare! "
" Humanda ka kay Reon, siguradong Hindi ka nya titigilan! "
" Napaka Attention seeker kasi! Pati si Ray nadamay! "
" Nag-aaway Nanaman sila Ray at Reon ng dahil sayo! "
Pagkatapos nilang sabihin 'yon ay malakas nila akong binangga sanhi upang matumba ako.
Kaasar!
_______
Narito ako sa Soccer field habang umiinom ng C2, Hindi mo na ako makikisama Kila Amara at Klea. Kailangan ko muna ng peace of mind.
Hindi ko alam kong anong gagawin ko matapos ang nangyare kanina.
Hasyt.. bakit ko kasi ginawa ang bagay na 'yon?
" Dahil sa Galit mo Kay Reon.. Ayan! Gumulo Nanaman Buhay mo Reanna. " pagalit ko saaking sarili.
Inilapag ko ang plastic bottle ng C2 sa basurahan na malapit lang sa'kin.
Sinabunutan ko ang sariling buhok dahil sa katangahan.
" Na'ndito kalang Pala. " nahinto ko ang aking ginagawa at lumingon sa taong tumabi sa'kin sa Bench.
Nanlaki ang mga mata ko at inayos Ang sarili.
Si Ray lang Pala..
Napatitig Ako sa mukha nya, andami nyang mga pasa at may sugat pa sya sa Labi.
Bigla akong naguilty.
" Bakit mo ginawa 'yon? Nang dahil sa'kin nadamay ka at nag-away kayo ni Reon. " Sabi ko, humarap sya sa'kin at tumitig sa mukha ko.
" Namumula parin nyang Pisnge mo.. " Hindi nya pinansin ang sinabi ko.
Napabuntong hininga Ako at iniwas ang tingin sa kanya.
" Oo nga, Hanggang ngayon namumula parin sya pero mawawala din 'to. " Sabi ko.
" Pasensya na sa ginawa nya.. "
" Nako.. Ako ang may kasalanan kong bakit nya ako sinampal, deserve ko talaga 'yon. Nagpadala agad kasi ako sa Galit. " bumuga ako Ng hangin at inilibot ang paningin sa paligid.
" Siguro Napaka laki ng kasalanang ginawa nya sayo kaya ganyan ang nararamdaman mong Galit sa kanya. " muli akong lumingon sa kanya na ngayon ay nakatitig pala sakin.
Napangiti naman ako ng mapait.
" Tama ka.. Galit na galit ako sa kanya dahil sa mga ginawa nya sa'kin. Napakalaki ng kasalanan nya. " tumingala ako upang pigilan ang mga luhang nais pumatak.
" Pero sa mundong ito Wala syang kaalam alam, Hindi nya alam ang ginawa nya noon sa'kin. " dagdag ko.
" Saan kaba talaga nanggaling? " natigilan ako sa tanong nya.
Humarap ako sa kanya na ngayon ay seryusong nakatitig parin sa'kin.
" I-I'm From the Future... " pumaskil ang ngiti sa kanyang labi.
" Finally, I found you Reanna.. " gumihit saaking mukha ang pagtataka at kaguluhan.
Anong ibig nyang sabihin?
Sandali...
Ibig sabihin? Kagaya ko rin sya na nanggaling din sa future?!
TO BE CONTINUED...
****