Kasalukuyan akong naglalakad sa hallway, matamlay ang aking pakiramdam ngayong araw, hindi ko alam kung bakit.
" Hey Miss.. Nakabukas bag mo. " nabaling ang aking atensyon sa lalaking nagsalita.
Parang pamilyar ang mukha nya sa'kin, naningkit ang mata ko.
Tumaas ang kilay nya at hinila ako Palapit sa kanya, nabigla ako at nanlaki ang mata dahil sa ginawa nya.
" Pumasok ka sa School na nakabukas ang bag.. Tsk! careless woman. " Pagsermon nya sa'kin pero andun parin ang kalamigan sa kanyang boses.
Pinatalikod nya ako at naramdaman kong hinawakan nya ang aking bag at isinara ang zipper nito.
Pagkatapos nyang Gawin 'yon, kaagad akong lumayo sa kanya.
Nahihiya Naman akong napatingala sa kanya, Ang tangkad kasi.
Lahat siguro ng mga lalaking nakikilala ko sa Past ay matatangkad.
" T-Thank you.. " pagpapasalamat ko.
Napailing naman sya habang nakatingin sa'kin.
" Next time na Papasok ka sa School, make sure na nakasarado na yang Bag mo. " Napangiti naman ako at sunod sunod na napatango.
Naglakad sya palayo sa'kin
Nakasuot sya ng pang basketball na T-shirt, at mababasa ang kanyang Apelyido sa likod nito.
' Sdava '
Sino nga ang may Apelyidong ganyan?
Ah!
Sya Pala si Zero Sydron Sdava!
'Yong lalaking napakacold na may kasamang dalwang lalaki, natamaan pa nga ako ng bola eh.
"Salamat ulit! " sigaw ko, Hindi na nya ako tinapunan ng tingin nagtuloy tuloy na syang maglakad.
Sa future magiging Isa syang Magaling na manlalaro sa larangan ng basketball.
Naging fan nya rin ako, grabe subrang galing nya.
Kaya maraming mga babaeng nagkakandarapa sa kanya, napakagwapo at talented pa. Pero Napakacold nya lang na tao.
Bumuga ako ng hangin at nakangiting naglakad muli.
______
Pagkarating ko sa room ay nakita ko si Amara na ngayon ay abala sa pagseselpon, nilibot ang aking paningin upang hanapin si Klea ngunit Hindi ko sya Nakita.
Himala bakit Wala Ang babaeng 'yon? Palaging nauuna 'yon dito eh.
" Reanna! " pagtawag sa'kin ni Amara.
Ngumiti ako at kumaway sa kanya.
Naglakad ako at umupo sa upuan ko, binalingan ko si Amara nang marinig ko ang malakas nyang pagbuntong hininga.
" Para saan ang buntong hininga na 'yan? May problema ka ba? " nag-aalala kong tanong sa kanya.
Ngumuso sya at tumingin sa'kin.
" Hindi ko kasi macontact si Klea.. Hindi nya sinagot ang tawag ko. " Napakagat naman ako ng pang-ibabang labi.
Kinuha ko ang aking Cellphone at sinubukang tawagan si Klea ngunit Hindi nya rin sinasagot.
Hasyt..
" Tatawag nalang 'yon satin kapag nakita nya ang mga missed call natin. " Pagpapagaan ko sa loob nya.
" Sana nga.. "
Napatitig ako sa aking Cellphone at nagpaisip.
Ano kaya ang dahilan kung bakit sya umabsent ngayon araw?