chapter 4

0 0 0
                                    

Nahinto ako sa pagtakbo ng makarating ako sa Comfort Room. Nakahinga ako ng maluwag ng walang mga estudyanteng na'ndito.

Naglakad ako palapit sa salamin na'ndito sa Cr.

Pinagmasdan ko ang aking repleksyon at tumama ang aking paningin sa aking labi.

" Napakalambot naman ng labi ng lalaking 'yon. " Agad kong binatukan ang aking sarili.

Ano bang iniisip mo?!

Matanda kana kaya wag kanang malandi dyan!

Alam nyo ba kung sino ang lalaking nadag-anan ko at ang aking nahalikan? Si Ray lang Naman.. Ang aking first love noong mga kabataan ko.

Ano nalang ang ihaharap kong mukha sa mga taong nakakita ng eksinang 'yon.

Hasyt!

Kainis!

______

Kinabukasan, Kasalukuyan akong Nakatulala rito sa aking kwarto Hindi ko alam kong Papasok ba ako o Hindi.

Panigurado kalat na kalat na 'yon sa School.

" Reanna! Bakit Hindi kapa nag-aasikaso dyan! Tanghali na! Papasok ka pa! " Rinig kong sigaw ni Mama.

Napangiti ako.

Nakakamiss talaga ang ganito..

" Opo! Palabas na po! " sigaw ko.

Excited akong dumiretso sa kusina upang yakapin si mama.

" Ay juskong Bata! Nakakagulat ka! Bigla ka nalang nangyayakap! " nagulat si Mama saaking ginawa, pero Hindi ko lang 'yon pinansin isiniksik ko ang mukha sa likuran nya at mas hinigpitan pa Ang yakap.

" Mama.. Ano po ang iyong niluluto? Napaka bango, at mukang masarap po. " Malambing na Sabi ko.

" Tumigil ka nga sa kakaganyan mo Reanna, kinikilabutan Ako Sayo. Ano bang nangyayare sayo. " pilit nya akong inilalayo pero mas Lalo kong hinigpitan ang aking yakap.

" Mama Naman eh! Naglalambing ang bunso mong Anak. " Kunwaring nagtampo ako.

" Tigilan mo yang ginagawa mo, isasalang ko 'tong niluluto ko. " agad naman akong bumitaw at ngumiti sa kanya.

" Nako.. andito si Bunso at ang maganda kong Mama. Good morning. " Biglang sumulpot si Kuya at bumati sa'min.

Ngumiti Ako at niyakap sya.

" Good morning Kuya. " Pagbati ko sa kanya.

" Maganda yata ang umaga mo bunso ah? " Bigla nalang naglaho ang aking ngiti Ng maalala kong muli ang nangyare kahapon.

" Oh Anong mukha Yan? Baliw kaba? Pabago bago? " Saad nitong muli.

Lumayo Ako sa kanya, at ngumiti sa kanya Ng pilit.

" May iniisip lang Kuya, Bye na Maliligo pa ako. " Sabi ko at agad naglakad pabalik sa kwarto upang maghanda ng susuotin pero Bago Yun nakasalubong ko si Papa.

" Good morning Anak? Musta gising? " Sabi nya.

" Good morning too Pa, Okay lang po. " Sabi ko at tuluyan na nga akong pumasok sa loob ng kwarto.

______

Makalipas ang ilang minuto, tapos narin akong maligo at Kumain Ng umagahan kasama ang aking pamilya.

" Ma, Pa, Kuya Alis na po Ako! " Paalam ko.

" Sige Bunso!" -Kuya.

" Mag-iingat ka Anak! " - Papa.

Future 2030Where stories live. Discover now