Kanina pa ako palakad lakad dito, Hanggang ngayon Hindi ko pa nakikita si Amara.
Hasyt...
Kailangan kong alalahanin ang high school life ko para matandaan ko rin kung nasaan si Amara ngayon.
May nakita akong bench kaya naglakad ako palapit dun at umupo.
Magpapahinga muna Ako kanina pa ako hinihingal kakahanap Kay Amara.
Habang nagmamasid ako sa paligid bigla kong naalala ang nangyare sa'kin.
" Ang lalaking iyon! Napakasama nya! Wala syang puso! Bwesit sya! Ayuko ng makita ang pagmumukha nya! " Habang isinisigaw ko iyon, may tumulong luha sa mga mata ko.
Mas mabuti ngang bumalik Ako sa nakaraan para Hindi ko na makita ang demonyong 'yon!
Paghihirap lang ang ibinigay nya sa'kin.
Antanga ko..
" Pero mas mabuti narin 'to, mas nakakatuwa pa nga dahil bumalik Ako sa pagkabata. " pinunasan ko ang aking luha at bumuga ng hangin.
Teka...
Kung ganun ilang taon na ba Ako sa panahong 'to?
" Ah! 18 years old! Ang edad ko sa panahong ito ay 18! Naks! " para akong tangang niyayakap ang sarili.
Hasyt...
Kung isa man itong panaginip Sana Hindi na Ako magising, lahat ng Hindi ko nagawa noon gagawin ko ngayon.
Susulitin ko ang pagkakataong 'to!
Habang ako ay nasa ganoong posisyon may tumamang bola saaking ulo kaya biglang sumama ang araw ko.
" Sino ang bumato sa'kin ng bola?! Walang ugali! " Inis kong sigaw at humarap sa taong Yun.
Pagharap ko Nakita ko ang Isang pamilyar na lalaki at ibang mga kasama nito, bale nasa tatlong tao sila, Yung dalwa kasama nito Hindi ko makilala pero pamilyar ang mga mukha nila Lalo na Yung Isa.
" Pasensya na Miss.. " paumanhin ng Isa sa kanila, agad itong lumapit sa'kin at kinuha ang bola.
" Ayos kalang ba? " tanong nito sa'kin.
" A-ah.. Ah.. A-ayos lang ako.. " nagkanda utal utal pa ako habang sinasabi ko Yun.
" Sigurado ka? " Paniniguro nito, tumango nalang Ako at nagpilit na ngumiti.
" Tara na.. " nabaling ang atensyon ko sa sinasabi kong pamilyar na lalaki.
Sino nga ito?..
Ah! Siya si Zero! Zero Sydron Sdava!
Naalala ko na!
Aalis na Sana sila Ng pigilan ko.
" Sandali! Diba Ikaw si Zero? " Tumayo ako at naglakad palapit sa kanila.
" Oo sya si Zero, at Ako Naman si Cavin at ito naman si Oxyl. " Yung lalaking kausap ko kanina ang sumagot sa tanong ko, si Cavin daw.
Hindi Naman sya Yung kausap ko.
Tsaka sinabi narin nya ang mga pangalan nya at Yung lalaking kasama nya, kahit Hindi ko tinatanong.
Pero okay narin para malaman ko kung ano ang mga pangalan nila.
" Magkakilala ba Tayo? " malamig nitong Saad sa'kin, natahimik Ako at Hindi Ako nakapagsalita.
Kaya nga nagtanong ako kung sya ba Yung Zero na Kilala ko.
Napaka-lamig Naman Ng pakikitungo nya.
" Hehehe S-sige Alis na Ako! " napakamot ako sa batok ko at naglakad na paalis.