WCWB - Friends 1

9 1 0
                                    


"Kylle saan ka ba pupunta? Hinahanap kana ni Captain, Kylle C. Concepcion naririnig mo ba ako?!"

"Tumigil ka nga muna bakit kasi nagmamadali ka may lakad kaba gusto mo samahan pa kita basta ba kitain mo muna si Captain."

"Pag ako nayamot sayo Kylle ako na mismo sasagot sa mga babaeng gusto kang maging jowa."

Tumigil ako saglit sa mabilis na paglakad dahil naririndi na ako sa sinasabi nya.

"Buti naman tumigil ka bro."

"Ano ba kasi yun? Ano ba kasi gusto mo Matthew? Ang ingay mo dinaig mo pa yung mga babaeng paulit-ulit na kinakausap ako para yayaing kumain sa labas. Nahawa ka na rin ba sa kanila?"

"Grabe naman ang words bro hinaan mo lang yang boses mo marinig ka rito sure ball makakarma ka."

"O sige ano ba yun?"

"Bingi ka ba paulit-ulit hinahanap ka nga ni Captain kakausapin ka siguro about sa training mo kanina."

Napaisip ako saglit at naalala ko na ayos naman ang aking performance kanina. Kaya naman naglakad akong muli at naisip na bukas ko na lang kausapin si Captain.

Napansin ni Matthew na aalis na naman talaga ako kaya nagsalita syang muli.

"Bro naman ganyan kaba katigas?"

After nyang masabi yun ay may isang babae na tinulak sa aking harapan. Ramdam ko ang pagkabigla na halos parang naalog ang puso ko. Shit sino kayang may kagagawan nun? banggit ko sa aking sarili. Dahil din sa nangyari na yun ay di nakapagsalita si Matthew natameme na pero kaagad din namang umalis yung babae na tinulak sa akin at yung tatlo pa nyang kasama.

"Shit bro nakita ko yun masakit ba?

Sa tuno ng pagkakatanong ni Matthew hindi ko alam kung dapat ko ba sagutin or hindi kasi parang mas lalo akong napikon.

"Apat pala sila buti isa lang natulak sayo kung lahat sila tinulak ang sarili sayo naku po baka tumba kana at sakit ng katawan inabot mo Kylle hahaha."

"Oo na tama kana Matthew masaya ka na naman pag nasasaktan ako."

Sabay tinitigan ko sya ng pagalit at saka nagturo ng direksyon kung nasaan si Captain para isenyas na pupunta na ako para kausapin sya. Kaagad din namang sumunod sa akin si Matthew na masaya ang mukha. Baliw talaga 'tong Matthew na ito.

Pagkadating ko kay Captain ay nakita ko na nakatayo ito at nakapamaywang na tila talagang inaantay ako.

"Sabi ko naman sayo eh kakausapin ka ni Captain tamo inaantay ka talaga pa'no na lang kapag di ka pumunta?"

"May gana kapa talaga umimik gusto mo bigwasan kita dyan bro ha? Ang gwapo mo naman mukhang mayaman well infact totoo naman, mukhang matino pero hay naku nevermind na lang." Naiinis kong sinabi sa kanya habang naglalakad kami palapit kay Captain.

Nang makaharap ko na si Captain ay nagwika kaagad ito.

"Sa tingin mo ba Kylle naging maayos ang performance mo kanina? Ano sa tingin mo?"

Tumingin ako sa kanya at napaisip.

"Oo Captain sa aking palagay ay naging maayos naman." Malumanay kong sinabi.

Napatitig sya sa akin ng matagal at nagwika.

"You're in between Kylle. May bumabagabag ba sayo? I know lapitin ka ng chix yun ba ang gumugulo sa focus mo?

Napa-ngisi na lamang ako at napawika.

"Pati ba naman ikaw Captain let me have a break pagdating sa usapang babae. Tignan mo naman itong si Matthew palibhasa cute kaya mukhang matino pero hindi kasi numero uno yan sa pang-aasar sa akin eh."

Natawa naman si Captain sa sinabi ko at napa-denial face naman si Matthew.

"Yung seryoso na wala bang nakakapagpabagabag sayo? Tanong ni Captain na bakas ang pag-aalala sa mukha.

Sumagot naman ako ng Oo at sinabing kung meron man ay di nito tuluyang masisira ang focus ko sa paglalaro. Pagkatapos ng ilang oras na pag-uusap, pagtatanong kung anong problema sa akin ay sa wakas pwede na ring umuwi at habang naglalakad kami ni Matthew ay nararamdaman ko ang sakit ng dibdib ko dahil sa pagtama ng ulo ng babaeng tinulak sa akin kanina. Kahit nang kausap ko si Captain ay nararamdaman ko na ito pero di ko na lamang ininda para maka-uwi na ako ng maaga.

"May sundo ka ba Matthew kung wala sabay na tayo magcommute."

"Ako... merong susundo sa akin gusto mo ba sumabay?"

Napailing na lang ako sa sinabi ni Matthew kasi parang gusto ko muna din ng alone time. Pagkatapos nga nun ay lumabas na si Matthew ng campus at nagtungo sa parking lot. Samantala ako naman ay dahan-dahang naglakad at nagsi-sentimental.

"Hay naku Kylle ano ba kasi bumabagabag sayo na kahit sarili mong utak at katawan ay di alam," bangit ko sa aking sarili.

"Pagod na ako gusto ko ng humiga," sambit ko ng mahina.

Ilang minuto pang paglalakad ay nakarating na ako sa waiting area na para sa mga bus mabuti na lamang at may kaagad na tumigil kaya agad din akong nakasakay. Pagka-upo ko ay ipinikit ko ang aking mga mata at umiglip saglit.

Ilang minuto lamang siguro ang nakalilipas mula ng ako ay makaiglip ay nagvibrate ang cellphone ko at ng kunin ko ito sa aking bulsa at tignan kung sino ito ay nakita ko na si Mama pala. Kaagad kong sinagot si Mama at tinanong kung anong problema.

"Ma ano pong problema? Pauwi narin naman po ako malapit na."

" 'Nak ang kapatid mong si Yurwin nasa ospital na naman malapit ka na ba? Dumiretsyo ka muna sa bahay bago ka bumisita rito sa ospital."

Nagulat ako sa sinabi ni Mama kasi kamakailan lang ay naisugod na rin si Yurwin sa ospital dahil sa acute bronchitis. Ngayon ay sinugod na naman ito.

"Sige po Mama may malay po ba si Yurwin?"

"Wala anak nagpapahingga sya ngayon sa mga oras na ito basta sumunod ka ha. Nasabihan ko na rin ang Papa mo kaya mamaya nandito na rin sya."

Natapos ang usapan namin ni Mama sa salitang 'Opo sige po susunod po ako mamaya.' Sinabi rin ni Mama na nababahala na rin daw si Papa dahil sa biglaang pangyayari. Totoo na kapag biglaan ang lahat ay magle-leave ito ng sobrang pangngamba at pagkatakot na tila ba gusto mo na lang na maiyak o di kaya ay makawala sa pakiramdam na iyun.

Why Can't We Be (Series #1) FriendsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon