WCWB - Friends

3 0 0
                                    

#8

"Bro Matthew" hinawakan ko sya sa balikat niya habang malapit na syang makapasok sa classroom namin ngayong araw.

"Oy Kylle, bro! Di ka na nagreply kahapon. Ano nang balita?" Nagmamadaling sabi ni Matthew.

"Bro Oo, Oo lahat ang sagot ko sa mga tanong mo."

"So kinain mo yung kwek-kwek? Kilala kita Kylle sa sobrang obsess mo sa kwek-kwek at pagmamahal mo rito tinatawag mo pa itong my precious kwek-kwek. Kaya alam mo na baka lang—baka lang talaga kinain... mo?"

"Alam mo na pala ang sagot ko bro why bothered to ask tsk..tsk..tsk."

Eh papaano ko ba naman kasi basta na lang itapon yung kwek-kwek. Una ang kwek-kwek sa panahong ito mahal na 5 pesos na ang isa depende pa iyun sa laki ng kwek-kwek minsan may maliit pero 5 pesos meron din naman medyo malaki 5 or 6 pesos. Sayang naman diba. Pati paborito ko kasi talaga yun kaya di ko kayang talikuran nalang basta. And isa pa wala namang gayuma eh kaya okay lang. Sa katunayan nga nyan nalibre pa ako ng kwek-kwek hahaha if I'm not mistaken 50 pesos lahat ng presyo nung binigay sa akin nung freshman na babae eh. Akalain mo yun 50 pesos susme ang laki ng halaga.

"Damn you Kylle you're risking your life man!"

"Anong risking, risking your life ka dyan ha. Kita mo naman ako diba maayos pa ako buo pa at hindi nanghihina or what so chill~~~ bro. Anyway thank you sa pag-aalala."

"Hoy kayong dalawa would you mind going sa side ng door or go to your both sits nakakaabala kayo sa mga nadaan oh." Naiiritang sambit ni Gina.

"Gina ha pumaparaan ka na naman para mapansin ni Kylle. Alam mo madali lang naman makuha atensyon niyang si Kylle eh kunting hawak lang sa kamay at balikat tapos sabayan mo pa ng malambing at malamig mong boses sa pagtawag sa pangalan nyan ewan ko lang kong di pa yan magkandarapang pansinin ka." Natatawang sambit ni Matthew.

"Uggok ka talaga Matthew. Pagpasensyahan mo na itong kaibigan ko Gina sobrang na-over lang yan sa kasweetan sa girlfriend nya." "Umayos ka nga Matthew ang aga-aga ha!"

"Mr. Matthew E. Sansesyon. You better don't speak that loud I can hear your words full of improper context so better shut up or else you want to be in the Dean's office asap!" Galit na sabi ni Ms. Hulia ang instructor namin ngayong umaga.

"Ayan kasi daming alam ipatumba na kaya kita no?" Natatawa pero naiiritang sabi ni Gina.

"Oo nga bro ipatumba narin kita." I second demotion.

Nagsimula ang klase ng ang lahat ay nakatutok lamang kay Ms. Hulia since strict nga ito kahit inaantok kapa sa klase nya ay kailangan mong gisingin ang diwa mo para sa klase nya kasi kung di mo yun gagawan ay naku bye-bye na lang talaga sa grades na pinagpaguran mo :(

"Class dismissed everyone, thank you for being attentive at our class."

"Ano ba yan ako lang ba or kayo din bakit parang ang haba ata ng lecture ni Ms. Hulia. Ang hirap pa namang magpigil ng hikab at mata para hindi pumikit." Pagrereklamo ni Matthew.

"Same bro alam mo namang antukin ako sa unang subject diba good thing at nairaos ko pa yung subject ni Ms. Hulia." Sambit ko naman habang medyo natatawa-tawa sa sarili.

"Kilos na Matthew hurry may next class kapa diba? Don't waste time kasi ang alam ko ang assign prof ay si Ms. Hulia ulit sa next mong klase." Natatawa-tawang banggit ni Gina.

"O holy,  sheems Oo nga pala buti pinaalala mo Gina utang ko ang buhay ko sayo ngayong araw. Thank you." Sambit ni Matthew ng malakas habang unti-unti nang nag-aayos ng gamit at tumakbo palabas ng classroom.

Strict kasi talaga si Ms. at kinda terror din isang mali mo lang naku magtago kana kasi wala kang kawala.

Umupo si Gina sa tabi ko since kami na this time ang magka-sit mate sa next naming klase. Kahit ilang araw narin simula ng magsimula ang klase namin at ilang araw naring nakakatabi ko si Gina ay medyo naiilang pa din ako. Though I cannot deny na nakakatawa at nakakawala sya ng stress kapag naiirita sya or nagagalit sa amin ni Matthew. Hindi ko naman kasi masyadong sineseryoso yung galit nya hahaha.

"Kylle may dala ka bang highlighter pahiram naman yung light na color lang sana."

"Ya, I have." Kinuha ko sa bag ko ang highlighter na gusto nya at iniabot ito sa kanya.

Nakita ko namang nagha-highlight na sya ng mga words na sa tingin nya ay mahalaga. Tinignan ko kung paano sya maghighlight at men ang linis nya magganun. Hindi lang naman kasi puro irita at palaging magagalitin ang meron sa katawan nitong si Gina na ito. Matalino din sya in fact she's the 2nd Dean's Lister in our class. Maputi na may taling sa may cheek bones banda. Wavy ang buhok nya na kulay light brown na tila aakalian mong mayaman. Oy wag nyo akong husgahan matagal ko na kasi kilala si Gina friends na nga kami nyan di lang halata at kilala ko na rin ang status nya. Simple lang ang family nila at Oo may business din sila so with that she's in middle class family kasi napo-provide naman ang mga pangangailangan nila at di naman sila totally naghihirap.

"Titig na titig lang Kylle? Don't worry di ko naman uubusin itong highlighter mo kunti na lang patapos na ako." Sambit niya.

Nagulat ako sa sinabi nya at napalaki ng mata.

Biglang nagnotif ang cellphone ko.

uMessage_

Matthew Uggok

Bro Kylle may narinig akong balita meron daw donation program ang ilang students dito sa school natin at may narinig akong pangalan Kriste. Oo kasali daw sya sa donation program tara puntahan natin para makasigurado tayo if sya nga yung babae kahapon o hindi malay mo malaman na natin kung sino yung mastermind sa lahat ng ito, tama?


Sige bro pag-iisipan ko. Focus ka lang muna dyan sa klase mo mamaya matawag ka ni Ms. Hulia yari ka na naman.


Mathhew Uggok

Sige sige meet tayo sa lobby ng building natin.




Ito na ba ang moment of truth para sa lahat ng nangyayaring ito?

Why Can't We Be (Series #1) FriendsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon