WCWB - Friends

1 0 0
                                    

#14

Sabay na kaming naglakad ni Matthew patungong classroom para sa next course subject namin at tahimik lang akong naglalakad at pinapahupa ang inis at galit. Ayokong makita pa rin ako ni Gina ng katulad kanina.

Halos buong klase akong hindi tinitignan at kinakausap ni Gina mukhang galit ata. Well hindi ko naman siya masisisi ayoko naman na maging ganun ang nangyari pero humantong na sa ganun. I'm not the type of man who will shout on a woman, in other words I'm not a disrespectful man kaya nakakapagsisi talaga and kung ano man yung mga nangyari sa amin ni Gina wasn't my intention to begin with.

"Gina! Gina may we talk?!" Sigaw ko habang patuloy lang siya sa paglalakad at medyo may kalayuan na sa akin. Mukhang hindi ata ako narinig. Sobrang layo ko ba?

"Gina!" Patakbo kong isinigaw pagkalabas ng gate ng campus. Nakita kong patuloy paring naglalakad si Gina at kalaunan ay nagsimula narin siyang madahang tumakbo mukhang nagmamadali yata.

Tumigil siya sa may iskinita, may kalayuan ito sa campus at halos walang dumaraan dito na estudyante kasi usap-usapan na marami daw ditong mga nanggugulpi, eh bakit naman kaya siya narito?

Habang binabagtas ko ang daan papunta duon sa iskinita ay may pailan-ilan na rin akong nakakasalubong na ibang tao at estudyante.

"Uy, Concepcion, anong ginagawa mo rito? Alam ko hindi ka pupumupunta rito. Naghahanap ka ba ng babae rito?" Tanong ng kasamahan ko sa basketball na dating nag-aya sa akin.

"Uy! Ikaw pala yan hindi naman. Napadaan lang may hinahabol lang ganun. Na-aakwardan talaga ako sabihin yun pero wala kailan kong sabihin yun kung hindi matic na napuro hindi magagandang ideya at imahe ang papasok sa isipan nya.

"Pre saglit lang una na ako nawala na kasi sa pangin ko yung hinahabol ko. Sige na sige." Tinapik ko na lamang ang balikat niya saka umalis na kasi naman baka nakalayo na si Gina.

Binilisan ko na ang lakad ko at kunti na lamang ay natatanaw ko na yung iskinitang papaliko at sa gulat ko ay halos humiwalay pa ang katawan ko sa aking kaluluwa.

"Gi... Gina at Ma... Ma... Matthew?! Ba... babakit kayo magkaganyan?!"

Hindi ko mawari kung ano nga bang ekspression ng mukha ang dapat kong ibigay. Gulat at lungkot ang nangingibabaw sa akin. Papanong naging ganuon, papaanong pinili nila ang maging ganun?!

Gulat silang dalawa na tumingin din sa akin at alam ko na sila ay nagulat din. Hindi sila makapagsalita. Magkayap, at hawak ang pisngi ng isa't-isa. Paanong humantong sa ganito?

"Bro, Kylle let me and Gina explain this."

Hindi ako makasagot, tila ayaw nang bumuka ng aking mga bibig, ayaw nang lumabas ng aking boses.

"Kylle, are you okay?!" Tanong ni Gina at dito pa lamang ako tila nahimasmasan.

"Kylle, ano itong ginagawa mo, ano ito ha?! Cheating, you're cheating bro!"

"No bro let me explain!"

"Wala kanang dapat i-explain Matthew the moment na nakita ko kayong ganiyan, there's nothing to explain anymore. Ginabayan naman kita just like a big brother pero wala pa rin, wala parin."

"Kylle, can you just stop what you're saying let us explain first. I'm—"

"No! Aalis na ako sana masaya kayo sa ginagawa nyo."

Tumalikod na ako sa kanila kahit na alam kong madami pa silang gustong sabihin, para sa'n pa nakita ko't nalaman ko na. Alam ko may saysay ang paliwanag pero hindi ngayon, wag ngayon. Matthew was my ultimate friend and we're like real brothers na I guide him sa halos lahat ng aspeto pero bakit naman nagawa ito, cheating?! Seriously ayokong maging ganun siya!

"Kylle!" Sigaw ni Gina pagkaraan ng ilang minutong pagtalikod ko at sa aking pagharap ay may apat na lalaking nag-aambang suntukin ako.

"Kylle, Kylle, gumising kana I'm here."

Naririnig ko ang hikbi ng isang babae halatang sobrang nasasaktan siya. Pakiramdam ko ay matagal akong nakaratay dahil sa sakit ng katawan. Iminulat ko ang aking mga mata ng dahan-dahan. Nasisilaw ako, bakit?

Nang minulat ko ang aking mga mata ay nakita ko ang isang babaeng nakatalikod sa akin. Nilibot ko saglit ang silid at nakita't napansin ko na isa itong silid sa isang ospital. Ospital, bakit naman ako nasa ospital?

"Oh Kylle, Kylle gising kana! Anak!"

"Ma, bakit naman po kayo umiiyak?" Tanong ko sa kaniya habang pagod parin ang aking boses.

"Pinag-alala mo ako. Lagi kitang ginigising anak, ano ba itong nangyari sayo?!"

Kahit ako ay hindi ko rin mawari ang nangyari parang may parte sa buhay ko na hindi ko maalala. Bakit ako nandito, ano bang nangyari at bakit parang antagal ko na rito? Ako mismo ay hindi magawang sagutin ang tanong ng aking Ina.

Ipinikit kong saglit ang aking mga mata na ikinasalubong ng aking kilay.

Ano nga ba ang nangyari sa may iskinita? Ano?

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 30 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Why Can't We Be (Series #1) FriendsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon