WCWB - Friends

8 0 0
                                    

#2

Habang nakasakay ako sa bus ay ramdam ko ang tensyon sa buo kong katawan na tila ba anytime ay manlalambot ang katawan ko. Malapit na rin naman ako sa bahay namin kunting-kunti nalang. Nang huminto na ang bus ay nagmadali akong bumaba ngunit ramdam ko ang nginig ng aking tuhod. Kaagad kong binuksan ang gate dahil mismong kalsada malapit ang aming bahay. Dito kami nakatira sa Quezon City at kasalukuyan naman akong naka-enroll sa isang malawak, maganda, medyo may katandaan ng building ng isang college school. Public.


Kaagad akong nagtungo sa kwarto ni Yurwin at ni Mama para kumuha ng ilang damit ganun narin ang damit para sa akin at damit para kay Papa para makapagpalit sya. Dali-dali naman akong nag-ayos ng bahay at naglock ng mga dapat ilock mabuti na lamang may spare key ako ng bahay namin at gate kaya nakapasok ako kaagad. Pag kalabas ko ng gate ay nag-abang na ako kaagad ng bus papuntang ospital.


"Anak bakit ka natagalan?"


"Ano kasi Ma antagal ng bus dumating actually may mga bus naman na dumaan kaso puro puno na. Pasensya na Ma." sambit ko.


"Okay lang 'nak maupo ka muna at magpahinga bababa lang ako para bumili ng pagkain."


Pagkaalis ni Mama ay kaagad akong naupo at nagpahinga. Napatingin din ako kay Yurwin at madaming pumasok sa aking isipan. Gaya na lamang ng...

Bakit nagkakaganito sya? Ano na lang ang mangyayari pagkalipas ng ilang araw, linggo o buwan? Kakayanin nya kaya yung ganitong klase ng set-up na di naman nya kinalakihan? Kasi sa totoo lang hindi ko kayang makita sya na nahihirapan dahil sa sakit nya.

Biglang nagbukas ang pinto at nakita ko rito ang isang matangkad na nurse. Chineck nya ang lagay ng kapatid ko.

"Nurse kamusta po ang kapatid ko? kinakabahan ko pang itinanong."

"Okay naman sya so don't worry po. He just need a complete rest for now and take some prescribed medicines."

Natuwa naman ako sa sinabi nang nurse kaya nagpasalamat ako rito. Ilang minuto pa simula nang lumabas yung nurse ay dumating na si Mama dala-dala ang mga pinamili nya na pagkain.

Pagkalipas ng isang oras ay dumating na si Papa sa opsital. Iniabot ko kaagad ang damit na kanyang pamalit. Habang nandun kaming lahat nakabantay kay Yurwin ay biglang nagsalita si Papa.

"Kylle umuwi ka muna sa bahay at dun kana matulog lalo't may pasok ka pa bukas babalitaan ka na lang namin ng Mama mo about kay Yurwin."

Kahit na gusto ko pang magstay ay pumayag na lang din ako sa gusto ni Papa kasi sabagay may pasok pa nga ako bukas. Ilang minuto din muna akong naupo at tumingin kay Yurwin bago ako tuluyang nagpaalam at umalis.

Si Yurwin kasi ang nakababata kong kapatid he's 9 years old. A playful and bubbly child.

Nang makarating na ako sa bahay namin ay kaagad akong nagluto ng canton para sa aking hapunan dahil sabi ko kina Mama ay dito na ako sa bahay maghahapunan. Habang niluluto ko ang canton ay naglinis muna ako saglit ng bahay. Nang naluto na ang pasta nito ay kaagad ko na rin itong inihango at nilagyan ng mga pampalasa. Habang ako ay nakain mag-isa ay bigla na lang pumasok sa isip ko ito...

I feel empty inside and it likes this place is not a home without them.


Pagkatapos ko kumain ay hinugasan ko na ang aking pinagkainan at tumungo na pagkatapos sa aking kwarto upang matulog na.

Pagkahigangpagkahiga ko ay naramdaman ko parin ang sakit ng aking dibdib.

"Nakngtukwa hanggang ngayon masakit pa rin. Alam ko namang lapitin ako ng babae pero wala naman sanang pisikalan hindi ako naging gwapo para masaktan ng pisikal at hindi rin para sa wrestling."

Habang dahan-dahan akong nahiga ay hinawakan ko ang aking dibdib.

Kinabukasan ay nagising ako ng maaga alas quatro ng madaling araw kaya naman maaga akong naggayak, nagluto, kumain at naligo. 6:35 na ng umaga ng makarating ako sa school namin sakto lang para sa time namin na 7:00 am. Kaagad akong nagtungo sa classroom namin at kasunod kong pumasok si Gina classmate ko.

"Kaya naman pala tila tumigil na naman ang mundo ng mga babaeng nasa gate kanina kasi dumating na pala ang nag-iisang si Kylle, what's up?"

"Aint funny Gina stop laughing."

"I don't laugh on you Kylle." pang-aasar ni Gina.


"Oy bro, Kylle dito ka nga muna saglit."

Habang nag-uusap pala kami ni Gina ay pumasok na pala sa classroom si Matthew.

"Ano yun Matthew ang aga-aga parang urgent na naman yan, tungkol kay Captain?"

"Hindi no, tungkol sayo. Usap tayo mamaya pagkatapos ng klase."sambit ni Matthew.

I nod my head as a sign of agree.

Bigla naman akong napatingin kay Gina na nakatayo padin sa gilid ko. Umiirap-irap pa ito sa akin saka umalis sa tabi ko.

"Anong problema nun Kylle, pagdating sayo lagi na lang yun na ganun. Long time crush ka ba nun?"

"Tumigil ka nga Matthew si Gina ako, long time crush? No way it can't be eh lagi mainit ulo nun pagdating sa akin let alone be my secret admirer hahaha. You're funny you know Matthew. Palaging ganyan sinasabi mo sa akin at palaging ganyan ang theory mo pagdating sa aming dalawa."

"Bakit hindi ba? Wala bang chance?"

"Naku wag mo na ipilit Matthew masasaktan ka lang at ikaw yung umaasa kaysa ako." I smirked a bit then I tap Matthew's shoulders.

"Tara na sa upuan natin Matthew magsisimula na ang klase."

Nang makalampas kami sa upuan ni Gina ay nilingon ko syang muli habang naglalakad kami. Mukhang beast mode na naman.

Maaga pa lamang at kasisimula pa lang ng klase ay nararamdaman ko na ang pagkaburyong at pagka-antok na kadalasan naman ay di ko nararamdaman sa oras ng klase kasi not to mention sa klase namin ako ang Top 4 for Dean's Lister. Habang nagtatagal ay para akong iniirasyonan kasi nanlalabo na ang aking paningin na tila ba gusto nang pumikit.

"Kylle di pa tapos ang klase."

Bigla akong napamulat sa boses na iyun. Si Matthew pala.

"Oo alam ko kaso sobra talaga akong inaantok."

Napailing na lang si Matthew at nagmustra ng wag matutulog.

"Shit of paper naman o bakit kasi antagal matapos ng first subject daig pang isang buwan ang tagal, gusto ko muna talaga ipikit mata ko."

Why Can't We Be (Series #1) FriendsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon