WCWB - Friends

0 0 0
                                    

#13

At tuluyan na nga akong bumaba. Tumungin muna ako sa bus na sinakyan ko bago ako magbukas ng gate. Talagang sinabi pa niya yun bago ako bumaba akala nya siguro hindi ko yun maririnig pero well malas nya lang kasi narinig ko. Inilapag ko ang susi sa lamesa at naglakad papunta sa may ref. So associated pala s'ya dun sa gusto makita ako bukas. Mas maganda siguro na palagi ko siyang makasabay pauwi para mabantayan ko mga kilos niya malay namin maging lead pa siya.

Kinabukasan ay kaagad akong pumunta sa open field saktong-sakto na nine ng umaga. Hindi ko na rin pinasama pa si Matthew dahil alam ko naman na kakayanin ko naman kahit ako lang muna sa ngayon. Sobrang linis ng field na ito ngayon walang kalat, walang tao, walang kahit ano.

"Nine na ah bakit wala paring tao dito?" Nagtataka kong sinabi sa sarili habang naglalakad ako upang umupo sa samentadong upuan sa kaliwang gilid ng field. Tinignan ko ng maigi ang paligid nito pero wala pa rin akong matanaw na kahit ano. Tumingin ako sa cellphone ko upang tignan ang oras at halos lumipas na nga ang tatlumpong minuto pero wala pa din. Ilang segundo lamang ay may nakita akong dumaan na babae may kahabaan ang buhok na nakatali akala ko nung una ay dito siya sa loob ng field pupunta pero mali ako dahil dumaan lang ito mismo sa gilid at hindi din ako nilingon.

"Ano yun hindi parin yun?" Napahimas ako sa aking batok dahil naiinip na talaga ako. Eh ano nang nangyari sa 9 a.m n'yang sinabi? Ganun na lang yun hindi sisipot at magpapaasa?! Dumidilim na ang kalangitaan hudyat na nagbabadya nang bumuhos ang ulan. Nagsisimula naring kumulog at predicted ko narin na magiging malakas itong ulan. Kung uulan man ngayon o mamaya ay no choice na ako kundi lisanin ang lugar na ito kasi after all this will be pointless kung di naman siya sisipot. Nanatili pa akong muli sa aking kinauupuan at nagmatyag ng maigi sa maaring dumaan pero wala padin kahit saan ako lumingon ay wala parin akong nakikita. Nakakainis, nakakawalan ng pasensya akala nya ba madali ang maghintay? Dapat ba ako talaga ang maghintay ni wala naman akong ginawang masama para gain niya ito sa akin tapos ganito pa mapapala ko?

Biglang bumuhos ang napakalakas na ulan pagkatapos kumulog at kumidlat ng malakas. Kaagad naman akong tumakbo paalis sa open field habang nasa kamay kong nakakuyom ang note na iniwan ng taong gusto akong kitain dun. Basa akong pumunta sa building namin kaya kaagad rin akong nagtungo sa gym para makapunta sa room ng mga nagbabasketball sa school pero bago pa ako makarating duon ay nakasalubong ko si Gina.

"Hoy! Anong nangyari sayo?!" Gulat at nag-aalala nitong tanong sa akin.

"Wala lang 'to sige diretsyo na ako sa gym maiwan na kita." Walang emosyon kong sinabi kay Gina pero tinanong niya akong muli.

"Ano ba nangyari ha? Ayaw mo man lang akong sagutin, bakit kaba basa ha Kylle?!" Galit ang mukha nito pero may pag-aalala ang boses.

"Ano ba Gina stop pestering me with those questions okay? I need to go to the gym asap. Can't you see I'm on my way so can you just stop following me around and do your thing?!"

Hindi ko mapigilang mainis at magtaas ng boses. Kanina ko pa kasing iniisip ang ginawa ng tao na iyun sa akin. Akala nya ba palalagpasin ko lang itong mga ginawa niya sakin hell no! Pag nalaman ko kung sino sya hindi ko lahat yun palalampasin.

Gina scoffed. "See I'm asking you a question cuz I am worried of you but look what respond I get. I see, I'll leave. Don't catch a cold."

Napatingin ako kay Gina na unti-unti nang lumalayo sa akin. Halatang galit siya sa ginawa at sinabi ko. Does are so harsh and painful for her to accept. Wala na akong nagawa at wala naman akong dapat gawin ngayon kaya dumiretsyo na ako sa gym para makakuha ng pamalit na damit buti na lang may spare uniform ako sa locker ko. Ilang minuto rin ng makatapos na ako sa pagbibihis ay lumabas na ako ng silid na iyun at dito ko gulat na nakasalubong si Matthew.

"O, anong ginagawa mo rito?"

"You hurt Gina bro. She's getting a bit emotional right now hindi niya inaasahan na tataasan mo siya ng boses."

Yun, yun lang talaga ba ang nakasakit sa kaniya how about my actions alam kung harsh din yun.

"Pasensya na nakita na naman niya ako na basa at tutungo ng gym pero she keeps on questioning me sa tingin mo ba makakapagpalita ako kaagad ha? Malapit narin next class natin kaya nagmamadali na ako."

"Bakit ano bang nangyari dun sa 9 a.m meeting mo?" May iritasyon sa boses nito.

"9 a.m meeting." I scoffed. "Damn that 9 a.m! Who do she think of herself a princess, a queen, a celebrity na pwedeng pag-inatayin ang guest? Even nga yung mga nabanggit ko will not let their guest wait for too long pero siya nagawa nya. So tell me paano ako kakalma. Who is in the right mind to send a lingerie to a man huh? Who would be in the right mind to ask a man to meet him in private huh? She doesn't even confess but here she was so confident of herself to pull me. Nakakainis bro! I'm soaking wet just to see her para masettle na itong problem na ito once and for all but wala, nganga, walang dumating ni anino!"

Hindi ko mapigilang magalit at maglabas ng loob kasi nakakapangigil talaga siya.

"I'm willing to wait naman eh basta ba sisipot siya pero hindi, hindi..."

Nilapitan ako ni Matthew at tinapik-tapik ang likod ko.

"Ayos lang yan bro. Sayang lang kasi naplano na natin lahat. Habang naghihintay ka dun sa open field ay nakacall pa din ako sayo for collecting of evidence at para makilala na natin talaga sya."

"Ang labo bro. Ang labo ng taong ito. Ito na nga o parang inihahain ko na sarili ko sa kaniya pero wala wala siyang ginawa. Nakainis."

"Eh baka kasi alam niya na hinuhuli mo talaga sya? Who knows?"

"Good for her kung alam nya kasi kapag nalaman ko kung sino siya ipapamukha ko talaga sa kaniya yung pagbigay ng lingerie sa akin. Ano bang meron sa mind niya para ilagay yun sa bag ko? That was a disgusting move. Disgusting."

Why Can't We Be (Series #1) FriendsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon