WCWB - Friends

5 0 0
                                    

#3


"Class dismissed."

Sa wakas natapos din banggit ko sa aking sarili.

Naubob muna ako saglit sa aking desk dahil talagang gusto ng pumikit ng aking mga mata.

Makalipas lamang ng ilang minuto ay dumating na ang aming next instructor kaya naman ginising na ako ni Matthew.

Minulat ko ang aking mata na naiirita sa kanya at saka kinuha ang ballpen at notebook sa aking bag.

Ilang oras pa ang nagdaan at natapos na nga ang lahat ng aming klase. Habang nilalagay ko ang aking mga gamit sa aking bag ay kaagad naman akong hinahatak ni Matthew.

"Teka lang bro Kylle let's talk. We need to talk."

"Teka lang din bro kung umasta ka parang girlfriend ko. The way you talk too. Girlfriend ba kita ng di ko alam ha?"

"Lol bro, hindi bilisan mo kasi mag-ayos para kang lantang gulay dyan. Hahaha"

"Bakit nga kasi, ano ba yun?"

"Sige na nga dito na lang sa classroom."

"Kamusta na si Yurwin ayos na ba sya? Nalaman ko lang kay Tita nasa ospital daw sya ulit."

Nagulat na lamang ako ng banggitin yun ni Matthew. Akala ko kung anong urgent na pag-uusapan ang sasabihin nya. Akala ko it's a matter of life and death kung makahatak naman sa akin wagas.

"Ahh Oo nasa ospital ulit si Yurwin nabanggit pala sayo ni Mama?"

"Oo bro nabanggit nga. Ibinilin ka pa nga sa akin eh sabi tignan tignan daw kita at baka kulang ka na naman sa tulog at mukhang di nagkakamali Mama mo. Mukhang antok na antok ka nga."

Halata ba talaga?

"I just can't stop thinking last night. Nakatulog naman ako kaso baka maiksi lang. May acute bronchitis kasi si Yurwin kaya need nya muna na din i-admit sa hospital."

"Ala! Grabe naman yan. May naninigarilyo ba sa inyo Kylle?"

"Wala naman si Papa di naman sya naninigarilyo at lalong hindi rin naman sa kapitbahay namin. His acute bronchitis was cause by a bacterial infection this is commonly be in his age that's what the nurse said."

"Ala, pwede ba ako bumisita kay Yurwin pag bumisita ka?"

"Oo naman Matthew bakit hindi?"

Ngumiti naman si Matthew at sinabing tumungo na daw kami sa gym.

"Oo nga pala may basketball training pala tayo ngayon bakit ngayon mo lang nabanggit inaantok pa ako. Send help bro."

"Hahaha lol bro gusto mo ba maghilamos muna? May oras pa naman."

Pumayag naman ako at kaagad na hinabilin ang bag ko kay Matthew para magtungo na sa boys room.

Pagkarating na pagkarating ko sa boys room ay kaagad akong naghilamos at sinabi ko sa aking sarili na kailangan kong magising sabay tinapik tapik ang aking magkabilang pisngi.

Why Can't We Be (Series #1) FriendsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon