WCWB - Friends

4 0 0
                                    

#7

Ngayon ay nasa labas na ako ng campus pero bago pa man ako kanina makalabas ng campus ay lumapit sa akin ang isa kong ka-team mate niyayaya ako mag SM gala daw kami kasama ang iba pa naming ka team at syempre kasama na daw dun paghahanap ng chix. Habang nakatinggin ako sa kanya ay napapabulong na lang ako sa sarili ko. 'Walandyo hanggang sa pambababae ba naman kasama ako eh di ba may girlfriend itong mukong na ito. Awit kung sasama ako bale para ko naring sinabi sa sarili ko na Oo talagang friend ko nga itong mukong na ito. Pati 'pambababae' shit I'm not into that so I'm out.'

"Sorry bro kailangan ako sa bahay ngayon eh, actually I'm in a rush na nga to go bibili lang ako ng kwek-kwek next time na lang siguro. Salamat sa pag-aayaya."

Nawala ang ngiti sa mukha nito at napalitan ng ngiting pagkadesmaya.

Haha I knew it.

"Sige bro next time na lang." He sighed and then pat my shoulder. I smiled at him and nod.

Pagkatapos ng pag-uusap namin ay kaagad nadin akong lumabas ng campus at nagtungo sa kwek-kwekan (nagtitinda ng kwek-kwek). Nang nasa harap na ako ng kwek-kwekan ay excited pa akong nagbukas ng aking wallet ngunit bago pa man ako makabili ay may nag-approach sa aking babae. Well I guess she is a freshman. Actually this is what I forgot I'm in my 3rd year in college. I'm studying (BSBA) Bachelor of Science in Administration major in Business Economics. Magkaklase lang kami ni Matthew sa isang subject kasi iba yung program na tinake namin pero sa Economics din yung kanya.

"Para sa'yo K." Saka iniabot sa akin ang transparent na plastic na baso. Punong-puno ito ng kwek-kwek.

Napalaki nga ako ng mata ng iabot nya ito sa akin.

"Sure ka ba na sa akin ito Ms? Andami nito!"

She nodded. And smile at me while looking directly to my eyes. Mukha namang seryoso sya pati mukhang goods naman yung kwek-kwek kaya naman tinanggap ko ang kwek-kwek na ibinibigay nya at nagpasalamat ako rito. Pagka-alis nya ay tinitigan ko ang kwek-kwek na nasa kamay ko. Sakto nagke-crave na talaga ako sa kwek-kwek. Sumubo ako ng dalawa Oo dalawa kaagad hahaha at saka naglakad na. Habang kinakain ko yung kwek-kwek ay bigla kong naalala kung paano ako tawagin nung babae. 'K' Actually this nickname is long gone I mean may iba paring tumatawag nito sa akin pero bilang nalang sa daliri. Tinatawag din ako ni Matthew nito pero madalang lang kasi ewan ko masyadong plain para sa akin kaya everytime that someone will call me K I express my discomfort sa kanila. Also close friends and relatives lang may alam ng nickname na ito. So why does she know and not to mention kanina nung ibinigay nya sa akin yung kwek-kwek na nasa baso ay hinawakan nya yung hintuturo kong daliri. Dahil sa naalala ko ay napanganga ako kahit na may kwek-kwek pa yung bibig ko. Shit nagoyo na naman ata ako.

When the moment of truth slap me nag second thought ako if kakainin ko pa ba yung kwek-kwek or itatabi ko na lang dito sa daan. "Ala, bahala na nga. Sayang naman itong precious kwek-kwek na ito."

Maya-maya pa ay dumaan na yung bus kaya naman kaagad na akong sumakay para maka-uwi na ako sa bahay. As usual ako pa rin mag-isa sa bahay dahil binabantayan nina Mama at Papa si Yurwin.

"Hello? Yes po, opo I'm on my way do you need something else pa po ba Tito? Ako po? May donation project po kami ng mga kaibigan ko mamaya. Ah! magbibigay po kayo ng ibang pang donate ay sige po di po ako dyan tatanggi. Sige po dadaan po ako dyan sa inyo okay po sige po. See you Tito Ivan." Rinig ko sa isang babaeng may kausap sa phone. Nasa likod ko kasi sya kaya rinig ko yung mga sinsabi nya. By the way donation project? Sounds good what a good soul she have then I smile. Isinandal ko ang aking likod at ulo sa bus para ipikit saglit ang aking mga mata. To be honest simula nung nalaman ko yung sa video ay pasimple na akong tumitinggin sa mga babae sa campus tinitignan ko kung may isa bang babae na pupukaw sa aking mga mata na kapareho nung sinasabi ni Matthew na mastermind pero wala, nothing there's no one who caught my eyes and baka matagalan pa nga ako bago ko malaman kung sino yun. Siguro after a minute ay binuksan ko ang aking mga mata at nakita ko na malapit na pala ako sa bahay kaya naman iniayos ko na ang aking sarili.

"Inaantok na talaga ako." Bulong ko sa aking sarili. Maya maya pa ay "Kuya dito na po ako makikihinto na lamang po dun sa tabi, salamat po." Banggit ko.

Pagkababa ko ay kaagad ko ding binuksan ang gate ng aming bahay at hawak hawak ko pa din yung kwek-kwek syempre paborito ko ang kwek-kwek kaya naman paano ko naman ito itatapon ng ganun ganun lang. Wala naman sigurong gayuma ito. Kaagad kong inilapag ang kwek-kwek sa lamesa ng hapag kainan at kumuha ako saglit ng isang basong tubig. Biglang may nag notif sa cellphone ko kaya tinignan ko ito kaagad. Si Matthew lang pala at bakit kaya nya ako sinendan ng message?

uMessage_

Matthew Uggok

     Bro nandito kami ngayon ni Monic sa isang small restaurant near campus and you won't believe what I overheard!

Ano naman yun Matthew? Spill the tea!
You

Habang tinitext ko si Matthew ay umiinom pa rin ako ng tubig.

Matthew
Meron dito mga babae pinag-uusapan ka ang tanong nung isang babae ay 'teka lang girl how is it going kay Kyle nung binigyan mo sya ng kwek-kwek?' Hindi ba paborito mo kwek-kwek nagkita ba kayo? Nabigay nya ba? Kinuha mo ba?

Dahil sa nabasa ko ay para yatang bumara yung tubig sa lalamunan ko. Shit not again nabudol na naman ata ako ng mga babaeng ito. Sabay tingin ako sa kwek-kwek na nasa lamesa.

Matthew
Sabi pa nung babae 'teka lang may gayuma ba yun ha Kriste?'

  Bro reply ka naman ano na anong masasabi mo?

Shit,shit,shit kwek-kwek, gayuma, Kriste! So much information for today ano ba yan!

Bro I need to sort out things here.

Matthew
  Not again bro. I need a complete answer to all of my questions! Comeback! ~~~

Why Can't We Be (Series #1) FriendsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon