WCWB - Friends

2 0 0
                                    

#12

"O! tapos na ang commercial everyone pwede na kayo bumalik sa kani-kaniya nyong gawain? Salamat." sambit ko ng may pagkasarkastiko.

Tumingin ako kay Matthew ng matalim. Magsasalita sana ako pero biglang namang dumating instructor namin kaya naman kaagad akong naupo at nagfocus na.

"Kylle bro! Sorry na about sa nangyari kanina kay Gina. Hindi ko sinasadya." Nakikiusap na binanggit ni Matthew.

"Matthew naman kasi naknakan ka talaga ng kadaldalan alam mo ba na sobrang nakakahiya yun kay Gina nakakahiya sa tao!"

"Kaya nga eh kaya nga sorry na."

Napahinga ako ng malalim.

"Why are you saying sorry to me huh? I'm not Gina bro I'm not the one you should be apologizing for."

Napatikhim si Matthew at napayuko.

"Eh... alam ko namang galit parin sa akin si Gina alam ko namang kasalanan eh tap—"

Hindi natapos ang sasabihin ni Matthew ng biglang dumaan sa likod niya si Gina na may kausap sa cellphone. Nanigas si Matthew the moment Gina passed on his back.

"Uy Kristie Oo na samahan na kita may ikwekwento din ako sayo."

"Uy bro 'di ba tayo napansin niya? Pati Kristie daw!"

Kahit ako nagulat nga din paanong di kami pinansin ni Gina eh gilid pa nga lang ng katawan at mukha namin kapansinpansin na.

"Ano sundan natin? Mukhang there's something fishy on her, tara?" Excited na sinabi ni Matthew.

Tama ba na sundan namin siya? Kung susundan namin siya mahahanap ba namin ang katutuhanan? Pero bakit pareho naming naisip na sundan sya?

Kung kanina nag-aalangan akong sundan s'ya ngayon pursegido na ako kasama si Matthew.

"Bro sumakay ng jeep kita mo yung sign board nung jeep? Di ba malayo yun?"

Tama si Matthew malayo yung lugar na nakalagay sa sign board.

"Teka kailangan natin din sumakay sa jeep na may ganung sign board. Mag-abang ka ha may kukunin lang ako sa bag ko."

Agad kong ipinaharap ang bag ko habang nakasakbit parin ang isang sakbitan nito sa balikat ko.

"Shit man! May naglagay ng l-li-linge- "

"Kylle naman busy ako sa pagbabantay ng jeep ano ba yun pati ayusin mo nga yang sinasabi mo di ko maintindihan nakita kaba ng ano?" Naiinis na sambit ni Matthew.

"Man! li-lingerie nasa bag ko! Kunin mo! Kunin mo tapos itapon mo! Tapon mo agad! Hayst! Kinikalabutan ako!" Nakangiwing pinakuha iyun ni Kylle kay Matthew na kaagad namang kinuha ng kaibigan niya ginasumot at itinapon sa kalsada.

Parehong nagulat kaming dalawa sa nakita namin at nangyari. Gasumot na na nasa kalsada ang lingerie na iyun na nagbigay ng nakakakilabot na pakiramdam sa aming dalawa.

"Bro, Kylle iba ka talaga pati lingerie naman nilalagay na sa bag mo!" Nanginginig na sinabi ni Matthew.

Tila ba nanuyo ang lalamunan ko sa nangyari hinahabol ko rin ang paghinga at gulat na gulat sa nangyari.

Muling kong binuksan ang bag ko at nakitang may naiwang sticky notes ruon.

"Matthew. May nakasulat."

Iniabot ko ito kay Matthew at pinabasa ng malakas.

"Meet me at the open field tomorrow nine ng umaga if you wanted to know who I am. Yan ang nakasulat bro. Teka nine ng umaga diba vacant time natin yun? Paano nya nalaman?"

"Malamang napagtanong nya sa iba?"

"Baka naman may kaklase tayong nagsabi malay mo..."

"si Gina?!" sabay naming nasambit.

Naaligaga ako kasi malamang malayong-malayo na yung jeep na sinakyan niya.

"Malayo nayun Matthew kanina pa tayo rito pero wala pa ding dumadaan ulit. Kainis! Paano na yan?"

Napakamot ng ulo si Matthew.

"Wala bro negative tayo ngayon. Eh kung bukas na lang kaya ulit tayo mag undercover? Bukas pag saktong ime-meet ka ng babaeng ito ano sa palagay mo?" Nakakunot na noong sinabi ni Matthew.

Napaisip din ako sa sinabi niya. Sabagay may ilang mga gawain pa nga rin kami na gagawin. Mas mahalaga ito kaysa sa pagiging undercover namin ngayong araw pati tama din siya meron pa namang bukas.

Umalis na nga kami ni Matthew sa pwestong iyun at naglakad na ako papunta sa sakayan ng bus pauwi sa amin at si Matthew naman ay nagpaiwan sa university at nagtungo sa parking lot dala niya kasi ngayon ang kotse n'ya. Syempre rich kid. Ilang minuto pang paghihintay ay natanaw ko na ang bus na aking sinasakyan. Halos punuan ito ngayon at kung hindi ako makikipagsiksikan ay hindi ako makasasakay. Bakit ba naging maraming pasahero ngayon? Dahil ba marahil sa bagong gawang park dun di kalayuan sa bahay namin? May bago kasing park na itinayo duon at balita ko patok na patok daw yun sa mga bata eh paano ba di magiging patok yun sa dami ba namang mga rides at activities na maaring gawin ng mga bata duon sino bang di mag-e-enjoy?

"E-excuse me po." sambit ng estudyanteng katapatan ko at naka-upo. "Bababa na po ako Kuya pwede kana po maupo."

Nagulat ako sa inakto ng bata ang bait naman sa panahon ngayon madalang na lang yung ganyan minsan nga kahit may nakita nang matanda na nakatayo sa pampublikong sasakyan di man lang inaalok ng upuan mapabata man o matanda.

Umupo naman ako kaagad sa pinagtayuan ng bata at bumaba na nga siya pagkatapos. Ilang minuto lang ng mapansin ko ang estudyanteng katabi ko kasing pareho ko siya ng uniporme at Id lace ibig sabihin lang nun same kami ng unibersidad. Nakasandal ang ulo niya sa bintana ng bus at nakapikit ang mga mata pagod siguro. Isinandal ko na lamang din ang ulo ko sa kinauupuan ko at ipinikit rin ang mata. Mas relaxed ako ngayon kaysa kanina.

Kahit na nakapikit ang aking mga mata ay pinakikiramdaman ko pa din ang paligid kasi syempre mahirap na baka mamaya makalampas ako ng wala sa oras.

"Katabi ko sya Oo dito mismo sa bus na sinasakyan ko pauwi mukhang tulog nga eh."

Narinig ko ang babaeng aking katabi mukhang kausap ang kaibigan sa cellphone.

"Ayoko ngang kunan ng litrato baka magising pa saka na lang pag nagkita kayo bukas. Magkikita naman kayo bukas diba? Nine ng umaga remember?"

Dahil sa narinig kong iyun ay napanganga ako sa aking isipan. Yung 9 a.m na yun so... tama ba iniisip ko?

"Next stop po ay sa..."

Bigla kong narinig na malapit na ako kaya nagkunwari muna ako na naalimpungatan. Kinusot ang mga mata at naghikab.

"Haaaaaaa. Malapit na pala ako shit! Para po bababa."

"Basta wag mo kalimutan mga tinuro ko sayo ha para bukas." Mahinang sinabi ng babae sa kausap niya sa cellphone.

Why Can't We Be (Series #1) FriendsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon