Epilouge

20 4 0
                                    

"Mommy! Mommy!" Sigaw ng isang batang lalaki habang patakbong lumalapit sa isang bulto ng babaeng naka-upo sa harapan ng isang puntod.

Dahan-dahang lumingon ang babae sa anak na kumakaripas ng takbo palapit sa kaniya. Mahina siyang napatawa ng bigla itong nadapa.

"Wahhhh mommy mommy help!" Pag iyak ng batang lalaki habang hinihintay ang kaniyang ina na lumapit sa kaniya. Pinagpapadyak pa nito ang paa nito upang magpa-awa lalo sa kaniyang ina.

Natigil lamang ito nang mapansing nakangiti lamang sa kaniya ang kaniyang ina at hindi man lamang kumikilos sa kaniyang kina-uupuan. Pinagmamasdan lamang siya nito habang mumunti itong tumatawa.

Nakasimangot namang tumayo ang batang lalaki at padabog na lumapit sa kaniyang ina. "Why didn't you help me, mommy?" Pahikbi-hikbing wika nito na akala mo'y may luhang pumapatak sa kaniyang mga mata. Nag puppy eyes pa ito sa ina sa pag asang kakaawaan siya nito.

"Away wommy! Mashakitt!" Bulol na salita ng batang lalaki sapagkat imbis na lambingin ito ng kaniyang ina, pinisil nito ang matatambok nitong pisngi. "Mwommy stopp"

"Ang cute mo talagang bata ka." Nakangiting wika ng babae habang nakatingin sa anak nitong namumula mula ang pisngi dala ng pag pisil nito.

"Shouldn't you kiss me mommy because I'm cute? Why do you always hurt my cheeks." Nagrereklamong himutok ng anak niya na ikinatawa ng ina nito ulit. "And why didn't you help me mommy?"

"Because I want you to learn something my sweetheart. Hindi pwedeng palagi kang umaasa kay mommy kapag nadadapa ka. You should learn to stand on your own feet okay Are we clear Lionell Klein?" Nakangiti nitong turan sa anak na nagpapa cute na naman gamit ang nguso nitong naka pout.

"Okay po mommy, crystal clear. . ." mahina nitong sambit sabay halik sa pisngi ng ina niya.

"Mommy, do you think lola-mama will like me if she's still here? Do you think I will be spoiled by my lola-mama just like my classmates?" Pumatak ang luhang kanina pa pinipigilan ni babae dahil sa naging katanungan nito. Malungkot siyang ngumiti at niyakap ng mahigpit ang batang lalaki na tila ayaw nitong pakawalan ito.

"Yes, my sweetheart. Lola-mama will love you just like how mommy and daddy loves you. Look in the sky oh. You might not see her but lola-mama si waving her hand at you while smiling." Dahil sa tinuran nito ay napatingin ito sa langit na ginaya ng kaniyang anak. Kumaway ang anak nito habang sinasambit ang katagang 'lola-mama, lion loves you.'

"Hey Lianna, baby, why are you crying? Lionell Klein pinaiyak mo ba ang mommy mo?" Agad namang umiling iling ang anak nila na kinatawa nila parehas dahil sa kacute-an nito.

"Mommy tahan ka na. Nagagalit si daddy oh. Baka hindi na niya ituloy pag punta natin sa disneyland." Maluluhang wika ng anak nila na nakatanggap ng batok kay Kenneth, ang ama nito.

"Talagang bata 'to. Mas concerned ka pa sa disneyland kaysa sa pag iyak ng mommy mo? At dahil diyan, no gadgets pagkauwi natin sa bahay." Striktong sambit nito ngunit may ngiti sa mga labi na nagpapahiwatig na inaasar lang nito ang bata.

"No daddy! Hindi po ba maganda 'yon? Tatahan si mommy tapos makakpunta pa po tayo sa disneyland!" Inosente at masayang sambit ng bata na ikinatawang muli ni Lianna.

"Look daddy natawa si mommy oh. Bati na tayo please?" Pag papa cute muli ng bata at nakatanggap na naman ito ng pisil sa pisngi. This time, mula naman sa kaniyang ama.

Tandang tanda pa ni Lianna ang nangyari ng araw na iyon. Ang araw na namatay ang puso niya kasabay ng kaniyang nobyo.

Flashback

"May isang bagay upang mailigtas siya Lianna." Natigil si Lianna sa pag iyak dahil sa sinambit ng kaniyang tita Kelsy. Tila nabuhayan ng pag asa si Lianna dahil sa kaniyang narinig.

In exchange (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon