Patuloy lamang ako sa pagtakbo upang makalayo at makatakas sa nagawa ko. Hindi alintana kahit ako'y pagod na pagod na at sumasakit ang aking mga paa. Basta ang nasa isip ko lamang ay ang lumayo sa lugar na 'yon. Natalapid ako sa isang bato ngunit agad-agad akong bumangon at muling nag patuloy sa pagtakbo. Baka maabutan nila ako. Hindi nila ako pwedeng maabutan.
Muli na naman akong nadapa ngunit sa pagkakataong ito ay hindi na ako muling tumakbo. Dala ng sobrang pagod ay umupo ako mula sa aking pagkakadapa. Lumingon ako upang tignan kung may naka-sunod sakin at nakahinga ako ng maluwag dahil wala akong nakita. Laking pasasalamat ko dahil sa takot na nadama ko kanina ay bumilis ang pagtakbo ko na naging dahilan kung bakit walang nakahabol sa akin. Ngunit wala na 'kong makita pang bahay sa lugar na aking napuntahan. Tila puro mga puno na lamang ang naririto.
Inilibot ko ang aking tingin at naglakad-lakad. Puro puno pa rin ang aking nakikita. Ni-isang bakas ng bahay o tao ay wala. Binalikan ko ang aking dinaanan ngunit hindi ko alam pero bumabalik at bumabalik oa din ako dito. Ano bang nangyayari? Bakit parang naliligaw na ako?
Napansin ko ang pagdilim ng kalangitan. Mag-gagabi na pala. Ano na kayang oras na? Siguradong hinahanap na 'ko ni mama. Siguradong nag-aalala na din siya sa akin.
Pilit kong hinanap ang daan pauwi pero sa hindi ko maipaliwanag na dahilan ay paulit-ulit akong bumabalik sa pwesto ko kanina lang. Walang katapusang mga puno lamang ang nakikita ko. Paano nagkaroon ng gubat sa loob ng isang subdivision?!
Napasandal na lamang ako sa isang puno at dahan dahang napaupo. Kumawala na ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan. Asan ang daan pabalik?!
Pumasok sa aking isipan ang larawan ni mama. Lalo akong nalungkot at napa-iyak. Siya na lamang ang taong lubos na nakakaintindi sa'kin. Siya na lamang ang nag-mamahal sa'kin. Baka pinahahanap na nya ko. Mama ko, sana hinahanap mo ako ngayon.
"Sorry, mama. . . sorry. . ." hindi ko napigilang sambitin iyan. Hindi ko din ma-imagine kung gaano na nag-alala sa akin si mama. Napatingin ako sa kalangitan. Uulan pa yata. Pati panahon nakiki-ayon sa nararamdaman ko haha.
"Dinadamayan mo ba ako?" para na 'kong t*nga nakikipag-usap sa langit. Wala din namang mawawala sa'kin kung magtanong ako eh. Para namang sasagot ang kalangitan.
Basang-basa na 'ko at sobrang lamig na ang hangin na bumabalot sa akin na parang niyayakap ako. Humiga ako sa damuhan at ipinikit ang aking mga mata. Gusto ko ng mamatay. Gusto ko na lamang maglaho at hindi na bumalik pa.
"Tahan na."
"Sino ka?!" bigla akong napabangon sa pagkakahiga nang may bumulong sa'kin. Inilibot ko ang aking mata sa aking kapaligiran ngunit wala akong makita ni isang tao na maaaring nag sabi noon. Kagaya ng kanina, puro puno lamang ang nakikita ko. Nababaliw na ata ako. Bigla na lamang ako nakakarinig ng kung ano-ano. Dala siguro ito ng pagod.
"Hindi ka nababaliw."
Napalingon-lingon ulit ako nang makarinig muli ng bulong. Saan nang-gagaling iyon?! Bakit parang ang lapit-lapit niya ngunit hindi ko naman siya makita?!
"Kung sino ka man, mag pakita ka!" sigaw ko sa kawalan. Baka naman pinag ti-tripan ulit ako ng aking mga kaklase? Malala na talaga ang mga pag-iisip nila. Umaabot na sila sa ganito. Kailan ba nila ako titigilan?
"Nakikita mo ba ang liwanag sa likuran mo? Sundan mo iyon." tunalikod ako at nakita ko ang sinasabing liwanag ng tinig. Nakakasilaw ito pero hindi ko alam at hindi ko maialis ang aking mga mata dito. Tila nahihipnotismo ako nito at inaayang sundan ko ito. Pilit kong pinikit ang aking mga mata upang hindi ako tuluyang mahulog sa tingin ko'y isa lamang ilusyon.
"Bakit kita susundin? Sino ka ba?!" sigaw kong muli. Hindi ko pa din iminumulat ang aking mga mata. Natatakot akong kapag nakita kong muli ang liwanag ay sumunod na talaga ako dito.
![](https://img.wattpad.com/cover/227447838-288-k190846.jpg)
BINABASA MO ANG
In exchange (COMPLETED)
HororAnong gagawin mo kung buong buhay mo ay puro sakit ang nararanasan mo? Puro panghuhusga ng ibang tao patungkol sa kung sino ka? Paano kung bigyan ka ng isang pagkakataon upang baguhin ang sarili mo? Tatanggapin mo ba ito? Alalahanin, lahat ng bagay...