"So the elements—" tila nag-lalakbay ang aking isipan sa kawalan. Hindi ko mawari kung ano ang mararamdaman. Kung ano bang dapat konh isipin. Isip na kung ano-ano ang nilalaman. Anong nangyari sa aking katawan? Kailangan ko bang matuwa o matakot? Matuwa dahil ako lang si Lianna o matakot dahil baka kung anong gawin ng sinasabi nilang katawan ko raw? Gulong-gulo na ako.
"Miss Dela Cruz?"
Naalala ko pa ang nangyari noong isang linggo. Kung paano umiyak si mama habang nakikipag-talo sa doctor. Kung paano sya nagalit dahil sa biglang pag-kawala ng katawan ng kaniyang anak. Kung paano siya manlumo at mag overthink sa kung saang lupalop na nakarating ang aking katawan. Kung paano din nadurog ang aking puso habang yakap yakap ang aking inang humahagulhol sa iyak.
"Miss Dela Cruz"
Saan na ba kasi 'yon napunta? May buhay ba talaga iyon tulad ng nasa aking panaginip? Sasaktan kaya niya 'ko? Paano kung pumunta siya sa mama ko, paano na ako? Ipagtatabuyan ba ako ni mama kapag nangyari 'yon? Sumasakit lang ulo ko kakaisip ng mga bagay na ito.
"Miss Dela Cruz!"
"Ay katawan!" nagising ako sa reyalidad nang biglang sumigaw ang aming guro. Napatingin ako sa mga kaklase ko dahil pansin kong nag-pipigil sila ng tawa. Kanina pa pala akong tinatawag ni miss Rivera. Oh my gosh, nakakahiya 'yon.
"Miss Dela Cruz, are you with us?" napatingin ako muli kay ma'am. Napatulala pa ako sa hindi ko malamang dahilan. Ano nga ulit sinabi niya?
"Miss Dela Cruz!"
"Ahh yes po ma'am," at doon na nag-sihalgapakan ng tawa ang aking mga kaklase. Ano ba namang kahihiyan ang ginawa mo Lianna?! You really need to focus! Stop thinking about that stuff for now.
"Lumabas ka na lamang miss Dela Cruz habang nag-titimpi pa ako. Pinatatawag ka ng presidente." Ani ng aming guro habang hawak hawak at minamasahe ang naka kunot nitong noo. Halatang stressed na siya na siya namang ikina guilty ko.
"Sorry po ma'am," sambit ko at nilisan na ang classroom. Bakit ako pinatatawag ng presidente? Hula ko dahil yon sa pag-momodelo ko. Nitong mga naka-raang araw din ay tinuruan ako ng tamang pag-lalakad, tamang pag-papares ng damit. Maging ang tamang pag-lalagay ng make-up sa mukha. Hindi kasi talaga ako marunong maglagay ng mga kolorete sa mukha eh. Hindi ko din naman kasi kailangan dati dahil noong isang beses na naglagay ako, pinagtawanan lamang nila ako.
Noong isang araw lang ay nagkaroon kami ng photo shoot at masasabi kong maayos ang naging kalabasan nito. Napuri pa ako ng photographer nung araw na iyon dahil sa pagiging photogenic ko raw. Hindi daw pilit ang aking mga ginawa at natural ko lamang silang nagagawa. Tinanong pa nga ako kung simula bata ba daw ay nag-momodelo na agad ko namang itinanggi. And that made my heart very happy. Ngayon ko lang naramdaman na naappreciate ako.
"Leona tara na. Hinihintay ka na ng presidente." napatingin ako kay Fionna dahil sa biglang dating nito. Nakalimutan ko na hindi lang siya assistant ko kung hindi pati na rin schoolmate ko. She's studying fashion at scholar sya dito sa school. Talented kasi sya kaya kahit nag-aaral pa lang ay may posisyon na sya sa modeling agency. Mismong si ate Sophia ang nag scout sa kaniya noong nagkaroon ng design contest sa mall at saktong sumali si Fionna doon. She's one of the aspiring designers ng kompanya. Sa tingin ko din ay once na grumaduate si Fionna ay kukunin na sya bilang isa sa mga designers. Sa tingin ko nga magiging top designer sya in the near future eh.
"Fionna ano bang gagawin ko sa kompanya ngayon?" tanong ko dito habang nag-lalakad kami. Inayos niya muna ang salamin niya at ngumiti sa akin.
"Hindi ba pumayag ka rin na maging isa sa mga mag-advertise ng couple clothes ng Sophia's fashion line? May photoshoot ngayon. Makakasama mo si Kenneth mamaya. May pagka-arogante sya kaya pag-tiisan mo na lang ang ugali niya ha? Act professionaly Leona. Huwag mo na lamang pansinin 'yon." bigla naman akong na-curious kung sino yung Kenneth. Hindi naman siguro sya ganoon ka-sama tulad ng sinasabi ni Fionna diba? I mean everyone still has kindness on their hearts. Maliban na lang kina Britney at Dylan.
Hanggang sa makarating kami sa agency ay si Kenneth lang ang nasa isip ko. Ano kayang hitsyura niya? Matangkad kaya siya? gwapo? Matipuno ang pangangatawan?
"Ay Kenneth," Nang dahil sa kakaisip ko sa lalaking iyon ay muntik na akong matalisod. Mabuti na lang at naka-antabay sa akin si Fionna kung hindi ay napa-upo na ako. Sobrang nakakahiya 'yon pag nagkataon. Napansin ko ka ang isang nanunuksong ngiti sa mga labi ni Fionna. Mukhang nagpipigil din ito ng tawa.
"Kenneth pala ha. Interasado ka sa kaniya 'no?" agad kong tinaasan ng kilay si Fionna dahil sa sinabi niya. Hindi ko pa nga nakikilala yung lalaking yun, inaasar na ka-agad ako. Ano ba namang nasa isip ng babaeng ito.
"Mag-tigil ka nga Fionna. Napa-isip lang ako sa sinabi mo. Sadya bang masama ugali non?" tanong ko ngunit pinag-susundot niya lamang ang tagiliran ko kaya hindi ko napigilan ang mapahagikhik. That's my tickle spot!
"Tigil na Fionna hahaha," nahihirapan kong sambit dahil tawa pa din ako ng tawa. Tinigilan niya naman agad ako at inabutan ng tubig na agad kong tinanggap.
"Well, oo masama ugali n'on. Alam mo bang sa limang buwan niya sa agency ay nakaka-pito na syang sekretarya? Wala kasing nakaka-tagal sa ugali niya. Actually ako ang naka-assign sa inyong dalawa ngayon. Pero inayawan ko rin." pati si Fionna na napaka persistent ay inayawan din ang lalaking 'yon? Grabe naman ata talaga ugali ng lalaking 'yon. Sino ka ba talaga Kenneth?
"Thank goodness nandito ka na Leona. Kanina ka pang hinihintay ng partner mo. At kanina pa siyang naiirita. Pero huwag mo na lamang pansinin." sabi sa'kin ni kuya Jared, ang photographer namin. Napatingin ako sa lalaking nasa likod niya. Nakahawak ito sa likuran niya na tila pasan-pasan niya ang buong mundo.
"Sino ba kasi ang Leona na 'yon?! She's wasting my precious time! Doesn't she know how to be a professional?!" galit na galit na sigaw nito. 20 minutes lang naman akong late ah. Kung makapansigaw 'to ng mga staffs akala mo naman kung sino. Masama nga talaga ang ugali niya tulad ng sinasabi ni Fionna. I take back what I said kanina lang. Kasama siya nina Britney at Dylan na walang kindness sa puso.
"Andito na ako mister," sambit ko na siyang ikinalingon niya. Nanlaki ang mata ko nang mapagtantong siya 'yung nakita ko sa convenient store last week. The book thief!
"Ikaw?!/You?!" halos sabay naming sigaw. Pabalik-balik ang tingin sa amin ni Fionna at ni kuya Jared. Tila nagtataka ata dahil mukhang kilala namin ang isa't isa.
"Magka-kilala kayo?" tanong sa amin ni Fionna. Hindi niya inalis ang tingin sa akin kaya hindi ko rin inalis ang tingin ko sa kaniya. Hindi ako mag-papatalo.
"Wala ba kayong balak sagutin ang tanong ni Fionna? Mag-titigan lang kayong dalawa diyan?" tanong ni kuya Jared pero hindi pa rin naman sila pinansin. Nanakit na ang mata ko sa hindi pag-kurap pero anong paki ko? Hindi ako mag-papatalo. Mas mataas pa sa Eiffel tower ang pride ko kaya't titiisin ko ito kahit maluha pa ako.
"Sige mag-titigan lang kayo diyan. Baka mag-katuluyan kayo niyan." ng dahil sa panunukso ni Fionna ay nakaligtas ang aking mata. Inalis ko ang pagtitingin ko sa lalaking iyon.
"Imposible!" sabay naming sigaw at halos sabay kaming tumingin ng masama sa gawi ni Fionna. Pabiro niyang itinaas ang kaniyang mga kamay na parang sumusuko at tinawanan kaming dalawa. Gayon din si kuya Jared at nag apir pa talaga silang dalawa ha.
"Easy easy hahaha. Wala akong balak makipag-away. Gusto ko lang sabihin na tigilan nyo na ang ginagawa nyong titigan para makapag-simula na tayo. Marami-rami din ang isusuot nyo ngayong araw." Paliwanag ni Fionna at nagpakawala pa ng isang halakhak bago tumalikod. For one last time ay sinamaan ko siya ng tingin at dumiretsyo na sa dressing room.
"Let's go Fionna. May demonyo sa paligid," sambit ko at muling sinamaan ng tingin yung demonyo na pangalan daw ay Kenneth. Lucifer dapat pangalan niyan eh. Hindi Kenneth.
![](https://img.wattpad.com/cover/227447838-288-k190846.jpg)
BINABASA MO ANG
In exchange (COMPLETED)
TerrorAnong gagawin mo kung buong buhay mo ay puro sakit ang nararanasan mo? Puro panghuhusga ng ibang tao patungkol sa kung sino ka? Paano kung bigyan ka ng isang pagkakataon upang baguhin ang sarili mo? Tatanggapin mo ba ito? Alalahanin, lahat ng bagay...