"I'll pick you up later at 7 pm. I'm hoping na sana bumilis na ang kilos mo. Time is gold." Inirapan ko na lamang si Kenneth at tumango dito. Nauna na siyang umalis dahil bibili pa daw siya ng bulaklak para kay ate Sophia.
Ngayon na kasi yung fashion show. Mamayang 8:30 to be specific. At kagaya nga ng hula ko, pinilit ni Britney ang tito niya para ipakilala siya kay Mr. Dela Cueva. Nakapasok siya sa agency at naging model ng Sophia's. But sad to say hindi siya inalok ni ate Sophia maging star model. Kasama din siya sa mag-momodel mamaya pero dalawang beses lang siya rarampa.
Habang nag-lalakad ako palabas ay napansin ko ang kumpulan ng mga istudyante. Napakunot ang noo ko nang mapansin na parang may tinatawanan sila. Agad akong nakipag-siksikan sa tumpok at doon ko nakita ang pinagtatawanan nila. Isang babaeng naka-upo at nakayuko. Gulo-gulo ang namumuti niyang buhok na ang hula ko ay dahil sa harina. Nagkalat din ang mga gamit niya sa sahig at napansin ang basag na lens ng salamin niya. Agad kong pinulot ang mga gamit niya at iniabot sa kaniya ang basag na salamin. Tinanggap niya ito at kahit basag na ay sinuot niya pa rin ito. Tinulungan ko din siyang tumayo. Natahimik ang kaninang nag-sisitawanang mga istudyante dahil sa ginawa ko.
Sinamaan ko si Britney ng tingin na siyang puno't dulo ng gulong ito. Nainis naman siya sa ginawa ko.
"Pwede bang huwag kang mangialam Leona? Masyado kang paepal." Hihigitin niya sana ang kaninang binubully niyang babae ngunit agad ko siyang itinago sa likuran ko. Lalong nagalit si Britney at binalingan ako ng nanlilisik na tingin.
"Umalis ka na lang, okay? Humanap ka ng ibang laruan!" Nag-tangis ang looban ko sa sinambit niya. Laruan lang ang turing niya sa kaniyang kapwa. Anong karapatan niyang pag-laruan ang isang tao?!
"Ubod ka ng sama talaga Britney. Kung umasta ka, akala mo kung sino ka. Pantay-pantay lang tayo dito! Pare-parehas may damdamin! Pare-parehas tao!" Singhal ko dito na ikinangisi niya lang. Napatingin ako ng palahim sa rosas nang biglang gumalaw ito. Mukhang hindi lamang ako ang naiinis sa babaeng nasa harapan ko.
Huwag kang mag-alala, rosas. Matitikman mo rin ang dugo niya.
"Pantay-pantay? Are you freaking kidding me? Stop that stupid dream of yours Leona. We're not on the same level! I'm way better than you haha." Gustong-gusto ko na siyang patayin. Sumosobra na ang sama niya. Gusto ko mang ipasipsip ang dugo niya sa rosas ay hindi maaari. Maraming taong nakapaligid. Kailangan kong mag-pigil.
"Oh well sige sayo na siya. Boring naman kasi siya unlike Lianna." Hindi ko alam kung anong pigil ang nagawa ko. "Bye, I have to prepare myself pa for the fashion show eh. See yah." Sambit niya at umalis na. Umalis na rin ang mga nakapaligid sa 'min.
Napahinga ako ng malakas. Pinakalma ko ang aking sarili. Napatingin ako sa babaeng katabi ko na nakayuko pa rin.
"A-ano, salamat nga pala." Bigla siyang tumunghay na siyang ikinalaki ng aking mga mata.
"C-chelsea?!" Paanong nandito siya sa harap ko? Hindi ba't namatay na siya? Minumulto niya ba ako? Gulong-gulo na 'ko!
"Kilala mo ang ate ko?"
"Ate?"
"Ako si Stacy. Ang ka-kambal ni Chelsea."
•••
Paalis na si Britney sa platform. Kami na ni Kenneth ang sunod.
"Ayusin mo." Napa-irap ako sa sinabi ni Kenneth. Anong akala niya sa'kin? Matatapilok pa sa suot kong 3 inches lang na sapatos? Ano ako, t*nga?
"COUPLE SUMMER DRESS." Dahan-dahan kaming nag-lakad sa platform habang suot-suot ang aming nag-lalakihang ngiti. Samo't saring camera flashes ang nasa paligid ngunit hindi ko ito pinansin. Mas nakakasilaw pa rin ang camera flash ni kuya Jared.
Nang makalampas na sa amin si Britney ay tinapakan niya ang saya ko na muntik ko nang ikinahulog. Mabuti na lamang at nahawakan ako ni Kenneth sa bewang kaya hindi ako natumba. Napansin ko ang pag-ngisi ni Britney na ikina-inis ko. Nakakainis ka talaga!
"I already told you. Umayos. Ka." Pabulong na sabi sa 'kin ni Kenneth na talaga namang may halong diin. Imbis na sagutin siya ay kinurot ko na lamang ang braso niya na siyang muntik na niyang mapasigaw. Sayo ko muna ibubuhos ang inis ko kay Britney.
Dumiretsyo ako sa kanan na bahagi at pumunta naman si Kenneth sa kaliwa. Umikot ako ng malumanay at nag-pakawala ng pinakamatamis na ngiti na kaya ko. Matapos niyon ay pumunta kami sa gitna at muling gumawa ng posing. Ikinawit ko ang ang aking kaliwang braso sa kanan niyang balikat habang siya naman ay inilagay ang kamay niya sa bewang ko.
Nang matapos na ay dahan dahan kaming nag-lakad palabas.
"Mamaya ka sa 'kin, Britney." sambit ko at sinamaan siya ng tingin. Ngumiti siya ng nang-uuyam sa akin.
•••
"EVERYONE, GIVE MISS SOPHIA FLORENTINE A BIG ROUND OF APPLAUSE." Agad kaming nagpalakpakan sa in-announce ng emcee. Tumingin ang lahat sa babaeng pumasok ng platform. Suot-suot niya ang sa tingin ko ay sarili niyang design na damit. Isa itong white lacy gown at sadyang napaka-ganda nito. Lahat ay napasinghap dahil sa ganda ng damit. Binigyan ng emcee si ate Sophia ng spare mic at hinayaan itong mag-salita.
"First of all, I would like to thank God for giving us this wonderful night. Everything went smoothly and that is because of him. I would also like to thank my models especially Leona here." Tumingin siya sa akin at nginitian ako. Ngumiti rin ako pabalik at pinasalamatan siya sa pagmamagitan ng pagsabi nito ng walang tunog. "For the audience, thank you. This night wouldn't be possible without you guys." Pumalakpak ang lahat sa sinabi niya.
"And lastly, thank you Fionna for this wonderful gown you made for me. I highly appreciate it." Si Fionna pala ang may gawa nun? Ang galing niya talaga! "Come here, Fionna." Agad namang tumaas si Fionna at noong nagtama ang paningin namin ay nag ngitian kami.
"This girl beside me is one of the rare talents in this world. She started designing when she was only 6 years old. Actually all of the clothes that we presented isn't mine. It's actually all hers." Gulat akong napatingin kay Fionna. Paano niya 'yon nagawa? I mean palagi kaming mag-kasama at hindi ko rin alam kung paano siya humahanap ng time para don.
"I would like to announce that miss Fionna will be one of my top designers at—"
"AHHHHHH!"
"SHE'S A MONSTER!"
"TABI, TABI!"
Naputol ang sasabihin ni ate Sophia dahil sa biglang pag-atake ng rosas kay Fionna. Shit! Nakalimutan ko siyang diligan ngayong araw!
Pilit kong inuutusan ang bulaklak na tigilan ang ginagawa nito ngunit huli na.
Isa ng malamig na bangkay si Fionna. Napaupo ako dahil sa panghihina. Napatingin sa paligid habang ang mga mata nilang mapang-akusa ay nakatingin sa akin.
"W-what have y-you done?" Nanginginig na tanong ni ate Sophia sa akin. Dahan dahan akon lumapit sa kaniya ngunit patuloy siyang lumalayo.
"Ate Sophia. . ."
"H-huwag kang. . . lalapit!" Imbis na sundin ang utos niya ay lumapit pa rin ako sa kaniya.
"SABI NG HUWAG KANG LALAPIT!" Nagulat akong bigla niya akong sampalin. Napahawak ako sa pisngi niya at napatingin sa kaniya. Binalot ng takot ang magaganda niyang mata.
"Halimaw! umalis ka dito!"
"Alis!"
"Patayin siya!"
Pinagbabato ako ng kung ano-ano ng madla. Wala akong nagawa kung hindi ang tumakbo. Bakit nangyayari ito?

BINABASA MO ANG
In exchange (COMPLETED)
HorrorAnong gagawin mo kung buong buhay mo ay puro sakit ang nararanasan mo? Puro panghuhusga ng ibang tao patungkol sa kung sino ka? Paano kung bigyan ka ng isang pagkakataon upang baguhin ang sarili mo? Tatanggapin mo ba ito? Alalahanin, lahat ng bagay...