"TAMA NA!" napa-bangon agad ako at napa-hawak sa aking dibdib. Pakiramdam ko ay kakaahon ko lamang sa isang napakalalim na dagat. Pakiramdam ko'y ngayon ko lamang ulit nakuha ang aking hininga. Habang pinakakalma ko ang aking sarili ay napa-titig ako sa kawalan.
"Leona iha, anong nang-yari sa iyo?" napa-tingin ako sa babaeng biglang pumasok sa silid na kinapapalooban ko. Inilibot ko ang aking tingin at napag-tanto ko na nasa sarili kong silid ako. Ang silid ng dalagang si Lianna, ang dating ako. Muli kong ibinalik ang tingin kay mama.
"Wala po, binangungot lang." Palusot ko at binigyan siya ng matamis na ngiti upang mawala na ang kaba sa kaniyang dibdib. Napa-buntong hininga na lamang si mama ngunit ngumiti rin naman ito pabalik sa akin.
"Oh sige iha, nandoon lamang ako sa kusina kung may kailangan ka ha? Ipagluluto kita. Ano bang gusto mong kainin?" Agad namang pumasok sa aking isipan ang paborito kong ulam. Excited akong tumingin sa kaniya at sinambit ang nais ko.
"Yung paborito ko po mama," sagot ko dito ngunit napawi ang aking ngiti nang makita ang nagtatakang mukha ni mama. Ako nga pala si Leona at hindi si Lianna.
"Ang ibig ko pong sabihin ay adobo po ang gusto kong kainin. Paborito ko po kasi iyon eh. Pwede po ba 'yon?" ngumiti sa akin si mama at hinaplos ang aking pisngi. May bakas ng pangungulilang tumitig siya sa akin. May pumatak na luha rin sa kaniyang mata na agad niyang pinahid.
"Pasensya ka na kung ang drama ko ha? Iyan din kasi ang paborito ng akin anak. Naalala ko lamang. Iyon ang palagi niyang hinihilinh sa akin na lutuin ko." imbis na sumagot ay niyakap ko na lamang si mama. Huwag kang mag-alala ma, matapos lamang ang pag-hihiganti ko ay sasabihin ko sayo ang totoo. Magkakasama muli tayo bilang si Lianna.
"Sige na, mag-luluto na ako. Tawagin mo lang ako kapag may kailangan ka ha?" tinanguan ko na lamang siya at tinanaw ang kaniyang pag-labas. Nanlambot ang puso ko nang makitang may pumatak na namang luha sa kaniyang nag gagandahang mga mata. Nang masiguro kong wala na siya ay tinawag ko si Hestia.
"Bakit mo ako tawag Lianna?" nagulat ako nang biglang nasa harapan ko na siya. Sa pagkakagulat ko ay napa atras ako at napasandal sa may sandalan ng kama.
"Bakit may ibang nag mamay-ari ng katawan ko? Sino 'yung nasa hospital? Patay na ba talaga 'ko?" sunod-sunod kong tanong na ikinatawa niya. Pumunta siya sa may salamin ngunit wala akong nakitang repleksiyon niya. Para bang nakikipag usap ako sa isang multo.
"Masyado kang maraming tanong Lianna. Hinay-hinay ka lamang," sambit niya bago lumayo at naglibot sa loob ng aking silid. Kinuha niya ang mga litrato sa may cabinet. Kitang-kita doon ang larawan naming dalawa ni Chelsea. Ang larawan naming nagpapakita ng labis na kasiyahan habang may mga amos ng cake sa aming mga mukha. Hindi ko alam pero parang nakita ko siyang ngumiti ng mapait. Bakit tila naging malungkot siya?
"Sagutin mo na lang." sambit ko at tumayo sa kama at nilapitan siya. Kinuha ko sa kanya ang larawan dahil natatakot akong mabitawan niya ito at mabasag. Iyon na lamang ang natitirang larawan ko kasama si Chelsea. Hindi dapat iyon masira. Hindi dapat ito mawala.
"Isa lamang ang kaya kong sagutin, Lianna. Buhay ka pa, Lianna. Buhay na buhay." bigla siyang tumawa ng malakas. Nakakapangilabot ang kaniyang mga tawa. Tila isa itong nakakatakot na musikang pumaloob sa aking tainga.
"Paalam Lianna"
"Sandali!" ngunit huli na, naka-alis na siya. Sinabi naman niyang buhay pa ako kaya siguro makaka-hinga pa 'ko ng maluwag, pansamantala. Pero sino nga ba talaga ang gumagamit ng katawan kong nasa hospital raw?
"Leona may masakit ba sa iyo? Narinig kitang sumigaw mula sa kusina. Ayos ka lang ba?" napatingin ako sa may pintuan nang biglang marinig ang boses ni mama. May nag-aalalang mga mata itong nakatingin sa'kin habang hawak-hawak pa nito ang isang sandok.
"Wala po 'yun, ma. May ano po kase, ano po, may ipis po na lumipad. Tama, may flying ipis po. Nagulat po ako kaya napasigaw po ako." hindi ko ugali ang pag-sisinungaling kaya sadyang hindi kapani-paniwala yung sinabi ko. Masyado itong lame na palusot dahil maging ako ay napangiwi sa aking dinahilan. Mabuti na lang at pinaniwalaan ni mama iyon.
"Ganoon ba? Papa spray-an ko mamaya itong kwarto mo. Oo nga pala, tapos na ang niluluto ko. Tara na sa kusina at kumain." nginitian ko lamang si mama at pinauna na siya. Humarap ako sa salamin at inayos ang aking sarili. Habang nag susuklay at napatingin ako sa rosas at mapulang-mapula pa ito. Nagbigay ito ng ginhawa sa aking dibdib. Matagal pa bago ko kailangan muling pumatay.
Nang maayos ko na ang sarili ko ay bumaba na ako at umupo sa aking upuan. Sakto namang inilapag ni mama ang mangkok ng adobo at umupo paharap sa akin. Pinan-sandok pa niya ako ng ulam na siyang ikinangiti ko. Ang sweet talaga ni mama.
Sumandok ako ng sabaw gamit ang kutsyara at napangiti sa satispaksiyon. Masarap pa rin ang luto ni mama. Walang kakupas-kupas. Kumuha ako ng madaming pinya na may kasamang sabaw at ibinuhos ito sa aking kanin. Sinubo ko ito at hindi ko napigilan ang isang masayang ungol na kumawala sa aking bibig.
"Ang sarap talaga ng luto mo mama!" hindi ko napigilang sambitin dito. Sumubo ulit ako at napapikit sa sarap.
"Huh? Paanong talaga? Ngayon lang naman kita naipagluto iha." napatigil ako sa pag-subo dahil sa sinabi niya. Ang bobo mo talaga Lianna! Si Leona ka ngayon okay? Si Leona at hindi si Lianna. Itatak mo 'yan sa utak mo.
"Ang ibig ko pong sabihin, ang sarap po ng luto niyo." ngiti ko dito. Sumubo ako ulit at sumubo hanggang sa hindi ko napansing naubos na pala ang laman ng plato ko. Nahihiyang napatingin ako kay mama na kinatawa niya ng mahina. Inialok niya pa ako ng pagkain na siyang tinanggap ko agad.
"Oo nga po pala, kailan po tayo pupunta sa hospital?" tanong ko sa kaniya. Nababahala pa rin kasi ako sa panaginip ko. Natatakot ako sa isiping may ibang gumagamit ng katawan ko. At hindi ako matatahimik hanggang sa malaman ko kung sino ba ang impostor na ito.
"Ngayon na iha. Pag-katapos nating kumain ay pupunta na rin tayo roon" tila nawalan ako ng ganang kumain dahil sa sinabi niya. Gusto ko ng pumunta sa hospital. Hindi ko alam pero kinakabahan ako sa maaring mang-yari mamaya. Pano kung mang-yari yung nasa panaginip ko? Iniisip ko pa lamang ay nagingilabot na 'ko.
"Tapos na po akong kumain ma. Mag-ayos na po kayo ako na pong mag-liligpit nito" sabi ko kay mama. Nung una ay nag-protesta pa siya ngunit pumayag na rin naman. Dumiretsyo na sya sa taas at naiwan ako dito sa baba. Iniayos ko ang mga kailangan himpilan at dinala ito sa lababo.
Pinunasan ko muna ang mesa at binalikan ang mga dapat hugasan. Habang nag-huhugas ay hindi ko sinasadyang nahulog ang baso. Agad-agad ko itong pinulot at dahil don nagkasugat ang aking daliri.
Halos mapa-upo ako sa takot nang makitang hindi pula ang kulay ng dugo ko. Napaka-itim nito. Sing itim ng uling.
Napatingin ako ng biglang dumating si mama. Pag-aalala at takot ang nakapinta sa kaniyang mata. Hinawakan niya ang kamay ko kaya napatingin muli ako dito. Umagos dito ang masagana kong dugo kaya't napa igtad ako. Bakit itim ang dugo ko?!
"Sabi ko naman sayong ako na ang mag-huhugas eh. Iyan tuloy nasugatan ka pa." napatitig lang ako kay mama habang sinasambit niya 'yon. Hindi nya ba nakikita ang kulay ng dugo ko? Hindi ba sya nag-tataka kung bakit itim ang kulay nito? Normal lang ba sa kaniya ang makakita ng itim na dugo?
"Umakyat ka na at mag-ayos ng sarili. Ako na mag-tutuloy nito." hindi na ako naka-hindi kay mama at umakyat na ng kwarto. Lutang ang isip na umakyat ako patungo sa aking silid. Tatanungin ko sana si mama kung bakit hindi niya nakikita 'yung itim na dugo ngunit pinili kong itikom ang aking bibig. Baka ako lang kasi ang nakakakita nito at mag-taka si mama.
•••
"Leona iha, pasok ka na." sambit sa akin ni mama. Katulad ng sa panaginip ko, nanatili si mama sa labas, umiiyak. Nakita ko rin ang kama na may nakataklob na tela.
Unti-unti akong lumapit doon. Natatakot ako sa pwede kong makita. Natatakot ako na mang-yari ang nasa aking panaginip.
Inipon ko ang lakas ng loob ko upang tanggalin ang telang naka-taklob sa bangkay. Ngunit laking gulat ko ng unan lamang ang nakita ko. Nasaan ang sinasabi ni mama na katawan 'ko?!
BINABASA MO ANG
In exchange (COMPLETED)
HorrorAnong gagawin mo kung buong buhay mo ay puro sakit ang nararanasan mo? Puro panghuhusga ng ibang tao patungkol sa kung sino ka? Paano kung bigyan ka ng isang pagkakataon upang baguhin ang sarili mo? Tatanggapin mo ba ito? Alalahanin, lahat ng bagay...