"Lianna, bangon na at kakain na tayo," rinig kong sigaw ni mama sa baba kaya inayos ko na ang kama ko. Agad ko namang kinuha ang salamin ko sa tabi ng table ko at bumangon na mula sa pagkakahiga. Tiniklop ko ang kumot ko at dumiretsyo sa cr upang mag hilamos ng mukha. Nag tootbrush na din ako at napatitig ako sa aking repleksiyon.
"Ang taba-taba ko," nasambit ko na lamang sa aking sarili. Napahawak ako sa pisngi ko at napangiwi dahil sa hapdi nito. Kapansin-pansin pa rin ang pamumula niyonn ng dahil sa ginawang pag-sampal sa'kin ni Britney kahapon. Hindi ito pwedeng makita ni mama. Ayokong mag-alala pa ito sa akin.
Nilagyan ko muna ng ointment ang aking pisngi at nag-lagay ng foundation. Napangiti ako sa sariling repleksyon dahil hindi na halata ang matinding pamumula nito.
Bumaba na ako mula sa aking silid at nakitang naghahain na ng mga pagkain si mama. Agad ko naman siyang tinulungan at naupo na matapos maihain ang mga pagkain.
"Kamusta ka kahapon, anak?" tanong ni mama habang sinasandukan ako ng kanin. Naalala ko na naman ang nang-yaring pang bubully sa 'kin kahapon. Napahawak ako sa tyan ng sumagi sa aking isipan ang pag-suntok sa'kin ng isa sa mga bodyguards namin. Agad ko namang tinanggal ang pagkakahawak dito nang mapansin kong mapatingin doon si mama.
"Masaya po, mama. Na-perfect ko din po ang mga quizes ko kahapon." pina-sigla ko pa ang boses ko at ngumiti sa kaniya. Hindi na kailangan pang malaman ni mama ang mga nang-yayari sa'kin sa school. Masyado na siyang madaming inaasikaso. Ayoko ng dumagdag sa mga alalahanin niya.
"Mabuti kung ganoon, anak. Kain ka pa." Sabi niya at inabutan ako ng isang gilit na karne. Pero wala na 'kong gana. Pakiramdam ko kasi tinatawnan ako ng kung sino tuwing kumakain ako. Natatakot ako. Pakiramdam ko ay napapaligiran na naman nila ako.
"Busog na po 'ko ma. Akyat na po ako sa taas," sabi ko na ipinag taka niya. Ikaw ba naman mag-karoon ng anak na matakaw tapos biglang umayaw sa pagkain hindi ka ba naman mag tataka? Bago 'to sa pandinig ni mama.
Pag-kapasok ko sa aking kwarto ay agad kong binuhay ang laptop ko para ituloy ang thesis ko. It was supposed to be a pair project kaso sino ba naman ang gustong makipag partner sa kagaya kong pangit hindi ba? Kaya ako na mismo ang nag presinta kay miss Rivera na magso-solo na lamang ako. Kaya ko naman kasi mag isa eh. Pati mas convenient 'yon dahil walang makakahindi sa mga ideas na inilalagay ko. Walang magrereklamo.
Habang busy ako sa pag-type ng chapter 3 ay biglang tumunog ang cellphone ko dahil sa notification na nareceive ko. May nag post pa lang muli sa university website. Malamang sa malamang kung ano-ano na namang chismis ang laman kito at hindi mahalagang announcement.
Hindi ko na dapat ito papansin pero bigla akong nagulat nang mabasa ko ang head title nito.
"New couple of the week! Captain of the basketball team, Dylan is in a relationship with our university Queen, Britney!"
Hindi ako agad naniwala sa titke nito kaya agad kong kinuha ang cellphone ko upang mabasa ko ito ng mabuti. Binasa ko ang article. Walang tigil sa pag-tulo ang aking mga luha nang makita ko ang mga pictures dito. Tila masayang-masaya sila. Mukha silang perfect couple sa mga litratong nakalagay sa artikulo.
Sa unang picture ay magka hawak-kamay sila. Merong nag susubuan sila sa loob ng isang restaurant. Meron ding nakahilig ang ulo ni Britney sa balikat ni Dylan.
Hindi makapaniwalang nabitawan ko ang cellphone ko. Napatakip na lamang ako sa bibig ko upang hindi ganoong marinig ang pag hagulhul ko. Ayokong malaman ng mama ko ang pag iyak ko.
Paano niya nagawa sa'kin to?!
Dali-dali kong sinearch ang pangalan niya sa facebook at nag tipa ng mensahe. Sinabihan ko siyang mag-punta sa park ng subdivision namin. Madaming mga pangyayari na din ang pumapasok sa isipan ko. Marami akong tanong na siya lamang ang makaka-sagot. At kung ano man ang maging sagot nito at dapat kong ihanda ang aking sarili.
BINABASA MO ANG
In exchange (COMPLETED)
TerrorAnong gagawin mo kung buong buhay mo ay puro sakit ang nararanasan mo? Puro panghuhusga ng ibang tao patungkol sa kung sino ka? Paano kung bigyan ka ng isang pagkakataon upang baguhin ang sarili mo? Tatanggapin mo ba ito? Alalahanin, lahat ng bagay...