Chapter 4

204 87 92
                                    

"Bago ba sya?"

"Damn, ang ganda nya. Liligawan ko sya."

"Hindi ka niyan sasagutin, pre."

"Tsk, nag-paplastic surgery 'yan."

"Another bitch."

"I wanna be like her."

Hindi ko napigilang mapangiti sa mga naririnig ko. Ganito pala ang pakiramdam ng maganda? Ang saya sa pakiramdam. Hindi pinagtatawanan, hindi pinapatid sa daan, hindi binu-bully.

Naalala ko ang usapang namin ng tinig kagabi. Ang gabing sobrang nakapag padurog sa akin. Ang gabi din kung saan nabuhay akong muli.

-Flashback-

"Anong sabi mo? Diligan ito ng dugo?!" Pasigaw kong tanong dito. Sino ba naman kasing hindi magugulat kapag nalaman mong dugo ang kailangan ng isang bulaklak upang mabuhay?! Kahit kailan ay hindi pa ako nakakakita ng ganitong bulaklak. Maging sa mga libro ay wala nito!

"Anong problema, Lianna? Hindi ba't gusto mong mag-higanti?" muli kong naalala ang mga sakit na idinulot nila sa'kin. Kung paano nila ko binully at pinagtawanan ng dahil sa anyo ko. Kung paano nila ako pinag mataasan. Kung paano nila ako trinato na parang isang hayop.

"Papaanong diligan ng dugo?" sigaw ko at nagulat ako ng biglang pumunta ito sa aking harapan. Sa gulat ko ay muntik pa akong ma out-of-balance ngunit parang naka glue na ang aking mga paa sa lupang tinatapakan ko. Tinitigan niya ako, ilang sentimentro lamang ang layo mula sa aking mukha.

"Malalaman mo rin." sabi niya at hindi ko alam kung guni-guni ko lamang ngunit parang kumurba ang anino sa bandang mukha niya ng tila isang ngiti. Isang nakakatakot at nakakapangilabot na ngiti.

"Kailangan ko bang kumuha ng dugo mula sa aking katawan?" Muli kong tanong ngunit tinawanan niya lamang ako na parang isang malaking kalokohan ang aking sinabi.

"Ang dami mong tanong, Lianna. Tanggapin mo na lamang ang aking alok." natatakot na 'ko sa magiging kapalit. Pakiramdam ko, higit pa sa buhay ko ang magiging kabayaran ng bulaklak na ito. Pakiramdam ko ay makakagawa ako ng mga bagay na hindi ko noon nagagawa na tiyak na pagsisisihan ko. Ngunit ito na ang pagkakataon kong maghiganti, papalagpasin ko pa ba ito?

"Nalimutan mo na ba ang pinag-gagawa sa'yo ni Britney? Ang hindi pantay na trato sayo ng mga guro? Ang pag-gamit sayo ni Dylan?" Ang kaninang pag aalinlangan ko ay napalitan ng pagkadisgusto sa mga pangalang kaniyang nabanggit. Muling namuo ang galit ko sa kanila na naipon na sa kaibuturan ng aking puso. Gusto kong maghiganti! Gusto kong iparanas sa kanila ang sakit na ibinigay ni sa'kin! Kailangan nilang maranasan ang lahat ng paghihirap at sakit na naidulot nila sa'kin. Hindi pu-pwedeng hindi ko makaganti.

"Ganiyan nga, Lianna, magalit ka. Ang mga tulad nila ay kinakailangang maturuan ng leksiyon," napatango ako sa sinambit ng tinig. Tuturuan ko lang naman sila ng kanilang mga leksyon. Hindi ako naniniwala sa karma kaya ako na mismo ang gagawa nito sa kanila. Kailangan nilang matuto upang wala na silang masaktan pang kagaya ko.

"Tinatanggap mo na ba ang aking rosas, Lianna?" Pabulong na tanong ng tinig sa aking mga tainga. Kinakabahan man ngunit buo na ang desisyon ko. Kailangan ko ang rosas niya upang makapag-higanti sa lahat ng mga nang-api sa akin.

In exchange (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon