Chapter 26

24 4 5
                                    

"I'm sorry kuya Rick pero we're dropping sa show. Ipakita niyo na lang po na na-disqualified po kaming dalawa ni Ken." Paghingi ko ng tawad dito. Something happened at home at kailangan ko ng umuwi. Hindi pwedeng lokohin ng kung sino mang gumagamit ng katawan ko ang nanay ko.

"Sige sige, iha. Mag iingat kayo ha? Tumawag kayo sa company kapag nakauwi na kayo. Kenneth, ihatid mo siya pauwi." Pag uutos ni kuya Rick kay Ken na kanina pang nakayakap sa may likuran ko. Ipinatong niya pa ang ulo niya sa balikat ko bago tumango kay kuya Rick.

Pinayagan ko na ang puso kong umibig muli. As soon as I confronted that body of mine kung ano ba ang plano niyang gawin, kakausapin ko si Hestia. Tapos na ang pag-hihiganti ko. Wala naman akong mapapala dito. Isa pa, tanggap ako ni Ken. Masaya na 'ko doon at kontento. Nangako din ako sa kaniya na ititigil ko na ito. Isasauli ko na ang bulaklak.

"Lia, I have question." Tanong ni Ken sa akin habang nilalaruan ang aking mga kamay. Nasa plane na kami at hanggang ngayon ay puno pa rin ng agam-agam ang aking dibdib.

"Ano 'yon?"

"Bakit nagmamadali tayong umuwi?" Takang tanong ni Ken sa'kin. Siguro naman okay lang na sabihin ko hindi ba? Tinanggap niya ako kahit ano ang hitsyura ko. Sa tingin ko ay patas lamang na ipaalam ko din sa kaniya ang nangyayari.

"Alam mo namang hindi ito ang tunay kong katawan hindi ba?" Tumango tango siya sa sinambit ko. "Ang tunay kong katawan ay pagala-gala sa Batangas. Kasama niya ngayon si mama. Hindi ko alam kung ano bang pina-plano niya pero ito ang sigurado ako. Kailangan ko siyang kausapin at bawiin ang katawan ko. Baka saktan niya si mama. Hindi ko siya kilala. Hindi ko alam kung kalaban ba siya o ano. Hindi ko alam—hmmmm." napatigil ako sa pag-sasalita at napa ungol ng bigla akong halikan ni Ken.

"Chill ka lang Lia okay? Hindi natin hahayaang mangyari 'yon." At muli niya akong hinalikan. Unti-unting naging mapusok ang pagtama ng aming mga labi. Nag iinit na din ang aking katawan lalo na ng maramdaman ko ang kamay niya sa mga hita ko. Hindi ko na mapigilang mapa-ungol sa bawat pag-haplos na ginagawad niya sa aking mga balat.

"Grabe na talaga ang mga kabataan ngayon. Wala ng pinipiling lugar."

Naitulak ko palayo si Kenneth sa'kin dahil sa narinig ko. Nakita kong kami ang tinutukoy nila dahil nakatingin sila sa'ming dalawa.

"Hay nako iba na talaga ang henerasyon ngayon. Ikaw Janine, huwag kang gagaya sa kanila ha?"

"Opo, lola."

Isiniksik ko ang ulo ko sa may braso ni Kenneth dala ng kahihiyan. Nalimutan kong public transportation nga pala ang gamit namin ngayon para makauwi ng Batangas. Shemay, Lianna! Nakakahiya ka!

Narinig kong mahinang tumawa si Kenneth kaya napa-angat ako ng tingin. Napansin kong nasa amin pa rin ang atensyon ng dalawang matanda. Grabe, nakakahiya talaga!

"Mga lola, pag pasensyahan niyo na po kami. Bagong kasal lang po kasi namin. Nasasabik lang kaming hagkan ang isa't-isa." Teka, bagong kasal?! KAMI?! KAKAPAYAG KO PA NGA LANG NA MAG RELASYON KAMI KANINA EH!

"Nako iho, congratulations sa inyong dalawa. Ngunit tila'y parang kay babata ninyo pa?" Talaga namang bata pa kami lola. For petes sake wala pa 'kong 18!

(A/N: huwag gagayahin si Lianna. Maagang binigay ang v-card tsk tsk.)

"Actually po ay nasa early 20's na po kami. Hindi lang po talaga halata." LIAR! Wala ka pa ngang 20 tapos sasabihin mong early 20's na tayo?! Sinungaling talaga ang demonyong 'to.

"Ganoon ba iho? Ay kagaganda at gwapo niyo naman kasi. Hindi halatang ganoon na pala ang inyong mga gulang." Tumawa lang si Kenneth habang ako ay hindi man lang makatingin sa kanila sa sobrang hiya at dahil baka makonsensya ako sa pagsisinungaling ng lalaking 'to.

Ilang beses ka na ngang nakapatay, diyan ka pa mako-konsensya?

Sabi ko nga tatahimik na lang ako eh.

"Ay siya uuna na kami sa aming mga upuan. Huwag masyadong mapusok ha? May mga bata tayong kasama dito. Saka na ninyo gawin iyan kapag nakauwi na kayo." Habilin sa amin ni lola at nginitian pa kami.

"Opo lola. Ingat po kayo." Nakangiting sambit ni Kenneth. Aalis na sana sila pero parang may nakalimutan atang sabihin iyong isang lola.

"Galingan mo ang pagbayo iho ha? Mukhang magiging maganda ang mga supling ninyo. Oh siya, mauna na kami." WTF?! Napatingin ako kay Kenneth nang bigla na lamang niya akong hinalikan sa pisngi.

"Narinig mo sinabi ng lola? Galingan ko daw." Ngising sambit nito habang tinataas taas ang kilay. Dala ng kahihiyan ay kinurot ko siya sa kaniyang tagiliran na nagpa-aray sa kaniya ngunit kalaunan ay tumawa siya.

"Just kidding. Pero pa score ako mamaya ah?" Pinandilatan ko siya ng mata at tinampal ang noo niya. Natuto pa ang manyak na 'to na kindatan ako.

Tumingin na lamang ako sa bintana at pinabayaan siya. Bahala siya diyan.

•••

"Mama!" Sigaw ko nang makita siyang nag didilig ng halaman sa aming garden. Napansin kong sobrang sigla niya ngayon.

"Oh, Leona iha, pasok ka. Gusto kong ipakilala sayo ang anak ko." Tila bumundol ang kaba sa aking dibdib ng banggitin niya ang salitang anak. Makikita ko na siya. Ang taong gumagamit ng aking katawan.

Naramdam kong may humawak ng aking kamay at marahang pinisil-pisil ito. Napatingin ako kay Kenneth at marahan siyang nginitian.

"Kaya ko 'to, 'wag kang mag-alala." Tanging nasambit ko dito bago siya ginawaran ng mabilis na halik sa kaniyang mga labi. Kahit alam kong iba ang aking pakiramdam sa mga mangyayari ay pina-uwi ko si Kenneth. Kailangan ko itong harapin ng mag-isa.

"Call me when anything happens al'right?" Tumango ako sa sinabi niya. Napapikit ako ng halikan niya ang aking mga noo. Salamat Kenneth. Pinagaan mo ang loob ko kahit papaano.

"Kapag may ginawa siyang masama sayo, gamitin mo ang rosas. Alam kong sinabihan na kita na huwag na pumatay but if the situation persists, use it." Huli niyang sambit bago lumabas ng bahay. Tinignan ko ang sasakyan niyang palayo nang palayo mula sa abot ng aking mga mata.

"Leona, maaari mo nang puntahan si Lianna sa kaniyang kwarto. Kagigising lang niya." Malumanay na sambit ng aking ina.

Napalunok ako ng laway habang tinitignan ang hagdan na magiging daan kung paano ko makikita ang gumagamit ng katawan ko. Embrace yourself Lianna.

Dahan-dahan akong umakyat ng aking silid hanggang sa nasa tapat na akong ng pinto ng aking kwarto. Hinawakan ko ang siradura ng pinto gamit ang nanginginig kong mga kamay.

Kumalma ka Lianna. Katawan mo 'yon. Kakausapin mo lang naman siya na ibalik ito sa iyo.

Unti-unti kong binuksan ang pinto at nasilayan ko na ang pakay ko. Nakita ko siyang naka upo sa upuan ko sa may harapan ng salamin. Sinusuklay ang mga buhok nang makita niya ako sa repleksiyon ng salamin.

"Kamusta Leona? Maligaya akong makita ka."

In exchange (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon