AFTER a Day of that party nanatili lang si Ali sa condo niya since there is no project for her yet. Naisipan niya din na mag travel muna ngayong araw. On her list, the First location is the ocean. A place where the fresh sea water is located, ito din ang lugar na onti lang ang taong bumibisita dahil madalas kapag may bisita ay umuulan sa lugar kaya hindi natutuloy ang outing nila at hindi makita kita ang kagandahan ng lugar. Well, Ali decided to go there since the weather seems so fine.
Of course, she used the magical elevator para mabilis siyang makarating sa lokasyon. But then, dinala lang siya hanggang sa entrance ng lugar. From there, nilakad niya papunta sa dagat, it took her 10 minutes to arrive, nadaanan niya pa nga ang forest. Malinis na forest.
When she went out in the forest, bumungad sakaniya ang init ng araw at magandang view ng dagat. Preskang simoy ng hangin naman ang lumapat sa mga balat niya. Ang ganda ng lugar, kulay blue na blue talaga ang dagat at himala, hindi masungit ang panahon.Inilibot naman ni Ali ang paningin sa paligid, she's the only person here....or she's wrong.. may babae siyang nakikitang lumalangoy sa gitna ng dagat, mukhang aahon ito sa tubig. Nang tumayo na ang babae ay napanganga at napamangha naman si Ali sa taglay na kagandahan nito, another living model she had seen in her 28 years of existence. Wow. Hindi siya makapaniwala na nakikita niya ang mas maganda pa sakaniya. She is so amazed.
"Seina! Stop that already! You've been swimming there for 4 hours already." Napabaling naman ang atensyon ni Ali sa lalakeng kakadating lang at tumatakbo sa dalampasigan para salubungin ang babaeng umaahon sa tubig, from what she heard, her name is Seina. What a beautiful name.
"Don't worry, Caden! Water is my fortè. I just love water so much-" napatigil naman ang babae sa pagkuskus ng buhok nito sa towel at sa isang iglap nagulat si Ali na nasa harapan na niya ang babae nakatutok ang dagger nito sa leeg niya na gawa sa tubig, tapos ang lalake naman ay nasa likuran niya at hawak hawak ang magkabilang braso niya na parang pinipigilan siya nitong gumalaw. The woman is looking at her sharply pero nakita rin ni Ali ang pagkagulat sa mga mata nito when she saw her clearly.
"Li-"
"She's not her." Seryosong pag deklara ng lalakeng nasa likuran niya at pagputol ng salita ni Seina, tsaka ito tumabi kay Seina. Binaba naman ni Seina ang water dagger nito at masungit na tinignan si Ali. For a moment kinabahan si Ali sa nangyayare, napakabilis ng pangyayare that she wasn't able to react right away. Just who are these people infront of her? And it was rude of them to treat her like a criminal.
"Sorry about that, Miss. We thought you were our enemy that we've been looking for." Nakangiting sabi ng lalake sakaniya, from what she heard, that guy is Caden.
"Uhm..No..it- it's okay." Pauntal na sabi ni Ali. It's not okay! How could you guys be so scary?! Ang gugwapo at ganda niyo nga pero mukhang mamamay tao naman kayo.
"What brought you here?" Puno ng interes na tanong ni Caden sakaniya at tumikhim muna si Ali. She needs to clear her thoughts and feelings. Hindi pa nga siya nakarecover sa life risking situation niya kanina, tapos eto ngayon iniinterview siya?
"Uhm, because I heard about this beach na maganda daw. Kaya pumunta ako." Pilit naman na ngumiti si Ali at ngumiti naman si Caden.
"Yep. This beach is really suitable for a person na gustong mapag isa. Anyway, sorry to disturb you Ms...??"
"Ali" simpleng pagpapakilala ni Ali sa sarili.
"Nice to meet you Ms. Ali, I'm Caden." Inilahad naman nito ang kamay niya sakaniya at nakipag kamay naman siya rito. From the very first time, nakaramdam siya ng pagtusok sa dibdib niya, what kind of feeling is this? Hindi na nalang niya pinansin ang nararamdaman and saw Seina walking away from them. Mukhang napansin iyon ni Caden dahil nagsalita kaagad ito. "Sorry about Seina. Matalas lang talaga ang pagpoprotekta nito sa paligid."
BINABASA MO ANG
The Spirit of the Dragon Deity
FantasyAlina Lu is the most famous model in their Island at the same time she is powerless among them. She wanted to meet the Deities so bad due to her curiosity, as she was mistakenly kidnapped by one of the 4 deities that she wanted to meet she was very...