CHAPTER 10

2 0 0
                                    

"Lien" hindi makapaniwalang pagtawag ni Raiden sa pangalan ng babae. Parang  nasemento siya sa sariling kinatatayuan  dahil hindi siya maka alis rito dala ng gulat.

Maraming tanong na nasa isipan niya, maraming kailangan sabihin at maraming kailangan ipaliwanag. Pero ni isang salita walang lumabas sa labi niya na parang umurong lahat ng lakas at dila niya para hindi makapagsalita. This woman infront of him is the woman he loved before, kaya hindi siya makapaniwala na kaharap na niya ito.

"You seemed really shock, Raiden. " she playfully said to him and at the same time nawala din ang ngisi nito at napalitan ng talim na tingin sakaniya. "I would really love to catch up with you, but someone is about to wake up. So, see you next time...ex lover."

"Lien-" kasabay non ay nagulat siya ng biglang bumagsak ang babae sa harapan niya at wala itong malay, mabilis na lumapit si Raiden rito at kinandong ang walang malay na katawan ni Ali. The dragon scales are fading...that only means..she's gone?

Unti unting inimulat ni Ali ang mata nito at kitang kita ang panghihina sa mga mata nito.
"Raiden.."

Alam na ni Raiden na bumalik na sa normal na si Alina Lu ang nasa harapan niya dahil bukod sa marka sa katawan nito ay nawala na rin ang enerhiyang nararamdaman niya kanina. Kung paano nag pakita sakaniya si Lien kanina? Iyon ang hindi niya alam. He had the opportunity to ask her about everything but he missed it because of his cowardice.

"Rest. I know you're tired and I am assuring you that you're safe." Nakikita ni Raiden ang pag aalinlangan at pagtataka sa mga mata ni Ali, kaya paman bago pa ito makapalag ay tinakpan niya ang mga mata nito at umilaw naman ang kamay niya sa maputlang asul at kaagad na nakatulog si Ali. He made her sleep.







KAKAGISING lang ni Ali at ngayon ay nakasandal sya sa headboard ng kama niya. Ramdam niya pa rin ang antok pero nagising na siya at ayaw na munang makatulog. Nasa kwarto siya ngayon ng mansiyon ng mga Deities. Maraming tanong rin sa isipan ni Ali at the same time natatakot siya na baka nakita ni Raiden si Lien. Pagnagkataon, panigurado madedelikado ang pamumuhay niya sa islang ito.
Nung nag take over si Lien sa katawan niya, wala siyang maalala kung ano yung nangyare. It's so unusual kase everytime na mag take over naman si Lien sakaniya, she would remember what Lien is doing. Pero this is the first time na wala siyang maalala.

The weird part is that nagising siyang naka higa sa binti ni Raiden kanina, he looked serious and anxious pero pinatulog siya kaagad nito kaya hindi na siya nakapag tanong pa.

She looked at the time and it's 1:34 in the morning. Nagugutom rin siya but she is scared to go out. After what happend earlier parang nawalan siya ng lakas, malamang na over use ni Lien ang katawan niya. Importante naman ma safe siya. Gusto niyang makipag communicate dito kaya lang ayaw niya namang maulit yung time na sinugod siya ng apat na deities sensing Lien.

Nag isip ulit ng ilang minuto si Ali until she decided to get up from the bed and get some food downstairs. Kahit na masakit ang katawan niya, ayaw niya ding sumakit ang tyan niya dala ng gutom noh.

Pagkalabas niya ng kwarto ay night lamp nalang ang naiwan na umaandar sa labas kaya panigurado tulog na ang lahat. She went down to the kitchen at bumukas ng fridge. The yogurt catched her attention so she decided to get the strawberry yogurt. Pagka sara niya ng fridge ay kumuha na rin siya ng tubig and when she faced back para lumabas ay nabitawan niya ang glass of water dala ng gulat, mabuti nalang ay nasalo iyon ni Raiden using his wind magic kaya lumipad ito at inilapag sa kitchen table.

"Ano ba Raiden! Nagulat naman ako sa'yo, bat ba kasi di ka nag sasalita." Sabi ni Ali at kinuha ang tubig. Raiden looked serious at nakahalukipkip ito.

"Are you hungry?" Tanong nito sakaniya ng napansin nito ang hawak niyang yogurt.

The Spirit of the Dragon DeityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon