"SERIOUSLY, Raiden...what's going on between you and Ali? Huh?" Tanong ni Seina kay Raiden na may halong panunukso sa boses nito. Hindi siya talaga tinitigilan nito habang naka upo sila sa kitchen area at umiinom ng tubig. Pagod silang apat dala ng training na ginawa nila kanina at nauhaw na rin kaya nandito silang apat katabi ng Fridge. Inaantay pa kasi nila na dumating ang inorder na pagkain ni Viper.
"Wala."
"Weh? Wala? Eh ba't may protective bracelet si Ali?" Panunuksong tanong ni Caden kaya napairap naman si Raiden dun at napabuntong hininga.
"Napaka malisyoso at malisyosa niyo. I did that to make sure that she's safe. What happend last night was a lesson. Wala tayo sa tabi niya kaya muntik na siyang mapahamak kagabi. I gave her that bracelet just to make sure na kung kakailanganin niya ng tulong natin next time ay makakarating tayo sa tamang oras." Well, that's the point of the bracelet. Pero may iba pang rason si Raiden na ibinigay niya iyon kay Ali. It was to make sure na ma poprotektahan niya si Ali na maamoy ng mga kasama niyang Deities ang enerhiya na manggagaling kay Lien. In case that Lien will take over Ali's body again...malalaman kaagad iyon ni Raiden at the same time, the other deities won't sense it.
He will make sure to know the truth about the mystery on how can Lien take over Ali's body. Based on how they talked yesterday, mukhang walang naalala si Ali kung ano ang nangyare while Lien is in her body. Maraming tanong din si Raiden pero ang tanging alam niya ay si Lien lang ang makakasagot nito at kung paano ito napasok sa katawan ni Ali.
"Ok bro, you don't have to explain further. Alam naman namin na bumabawi ka din sakaniya kahit na ibang tao na siya. Pero know your limits Raiden. She's not her. " napangisi nalang si Raiden sa pag iisip na hindi pa alam ng kaibigan niya na bumalik na ang tinutukoy nito. Hindi pa muna sasabihin ni Raiden ang tungkol sa nalaman niya sa mga kaibigan niya hangga't hindi pa nasasagot ang mga tanong niya. For now, he needs to watch Alina closely.
"Lunch is ready!" Sigaw ni Viper kaya kaagad naman silang gumalaw papunta ng Dinning area kung saan naka hain na ang mga pagkain na kakainin nila. Nagsiupo naman silang lahat at nag simulang kumain.
Habang kumakain silang lahat ay napatingin si Raiden kay Ali na kumakain ng Potato salad pero tinatabi ng mga mani.
"You don't like peanuts, Ali?" Tanong ni Seina kay Ali na kaagad namang napatingin rito. Mukhang hindi lang si Raiden ang nakapansin nito.
"It's not that I don't like peanuts...I'm allergic to peanuts" nahihiyang sabi ni Ali na ikinatigil nilang lahat. Mukhang napansin kaagad iyon ni Ali dahil nag tanong ito kaagad. "Why? Is there something wrong?"
"They have the same food allergy, is it possible that it's her?" Paguusap ni Kai sa isipan nilang apat na deities.
"There are a lot of similarities between them. Pero it doesn't mean that it's her." Seryosong sagot naman ni Raiden at tumango naman ang mga kasamahan bilang pagsang'ayon.
"Wala. May naalala lang kami" palusot ni Viper sa tanong ni Ali. She seemed confused pero nanatiling tahimik lang ito at bumalik sa pagkain.
PAGKATAPOS nilang kumain ay naghugas na ng pinggan si Ali, nung una hindi pa sya pinayagan ng mga deities since dadating naman daw ang katulong na tinawag nila but then she insisted. Nasa kalagitnaan na siya ng paghugas hanggang sa naalala niya ang pinag usapan nila ni Seina nung isang araw, about how Ali didn't investigate the death of her parents. Ang tanong lang sa isipan ni Ali, is there something to investigate? if mag iinvestigate siya, where should she start? Is there something na naiwan pa ba?
Nabalik naman sa realidad si Ali nang napansin niyang pumasok si Raiden ng kitchen at uminom ng tubig tsaka siya nito hinarap, sakto naman na kakatapos lang ni Ali na maghugas ng pinggan tsaka hinarap din si Raiden, he seems to have something to tell her.
BINABASA MO ANG
The Spirit of the Dragon Deity
FantasíaAlina Lu is the most famous model in their Island at the same time she is powerless among them. She wanted to meet the Deities so bad due to her curiosity, as she was mistakenly kidnapped by one of the 4 deities that she wanted to meet she was very...