MARAMI pa rin ang soul suckers sa labas ng barrier at kahit anong panama nila ay meron ibang nakaka ilag sa mga atake nila. Medyo nanghihina na rin si Ali since she's been using the bow and arrow for already 30 minutes. Bukod sa nakakapagod itong gamitin, it is consuming her energy as well. Tumigil muna si Ali sa pag atake since ayaw niyang ma drain ang sarili niya. Lumapit naman kaagad si Viper sakaniya na tumigil din sa pamamana out of concern. Viper is usinga normal bow and arrow pero his using his power to put venom on the arrow.
"Ok kalang?" Alalang tanong nito sakaniya dahil napa upo na si Ali sa sahig.
"Yes, Viper. Ok lang ako. Don't worry, just continue attacking."
"Are you sure?" Paninigurado nito at tumango naman siya bilang pag sagot. Tinignan siya muna ulit ni Viper bago ito tumayo ulit tsaka umatake. Napatingin naman si Ali sa kalangitan at dumidilim ito na parang senyales ng mas malalim na digmaan. Nakaramdam ulit ng paninikip ng dibdib si Ali at nakikita niya ang dragon scales na bumubuo sa balat niya pero it was only a minute tapos nawala din ito. Kinakabahan si Ali pero sana, sana lang hindi muna lalabas si Lien ngayon dahil kapag nagkataon...mas lalong mahihirapan sina Raiden to fight against her.
Nakarinig naman sila ng pagka basag kaya tumayo kaagad si Ali at tinignan kung saan nanggaling ito and it came from the above of the barrier kung saan nakikita nila na hinahampas ito ni Roider ng napaka laking espada and it's glowing and wrapped with dark smoke. Pulang pula din ang mga mata ni Roider at gumagamit ito ng kapangyarihan. Nagkaroon na ng basag ang barrier at patuloy itong hinahampas ni Roider para mas lalong lumawak.
"Viper! Sabihan mo sina Raiden!" sabi ni Ali at tumango naman ito tsaka tumalon mula sa roof top para puntahan sina Raiden na abala sa grounds sa pag aatake ng mga soul suckers sa labas ng barrier. Si Ali naman ay naisipan na atakehin si Roider at nagbabakasakali na sana tamaan ito. She used her bow and arrow and Aimed for Roider's heart. Nang kumawala na ang pana niya ay muntikan na sana mabaon ang arrow kay Roider pero nahawakan nito ang pana at napigilan na mapunta sa puso niya. He instantly looked at Ali and gave her a devilish smile.
"Do more lousy trick, Ali." Napasimangot naman si Ali sa sinabi nito na kahit malayo ito sakaniya ay sinisigurado talaga nito na maririnig niya ang sinabi nito.
"If you say so, Idiot." She aimed many arrows at once. Pero bago paman siya maka atake ay nasira na nito ang barrier na nagkaroon ng butas kaya mabilis na pinakawalan ni Ali ang pana niya pero mabilis ding naging usok si Roider tsaka ito iniiwasan ang pana hanggang sa hindi na ito nakita ni Ali. All she know is that Roider went in inside the barrier and he's now ready to create chaos. Parang bumulong naman ang hangin sa tenga ni Ali na umiwas siya and then she felt a fist was about to punch her kaya mabilis na yumuko si Ali at ipinikit ang mga mata tsaka dinadamdam kung saan ito ng nanggaling and when she pin point where it came from, mabilis na inilibot ni Ali ang paa sa sahig tsaka ito tumama ito sa paa ni Roider dahilan para bumagsak ito sa sahig. She immediately opened her eyes and saw Roider from smoke to human form.
Napa atras kaagad si Ali rito habang si Roider ay tumatawa na tumatayo mula sa pagkakabagsak. "I see you have a skill. Handang handa ka, Alina." umirap naman si Ali at kumulo ang dugo niya ng makita ito. This guy was the one who killed her Parents and her deserves to die in her hands as well.
"Oo naman, pinag handaan talaga kita para masiguro kong ako mismo ang kikitil sa buhay mong hayup ka." Seryosong sabi ni Ali and she formed a dagger in her hands.
"Oh, I see. My brother gave you his treasure and engaged na pala kayo? That means You're now my future sister in law?"
"Masuka ka naman sa sinasabi mo, Roider."
"Kaya pala hindi makalabas labas si Lien sa katawan mo it's because my brother's treasure blocked her from getting out. But did you know na konti nalang makakalabas na si Lien sa katawan mo?" Nakangising sabi nito at naagaw naman ang atensyon ni Ali doon tsaka kunot noong tinignan si Roider.
"What do you mean?" kabadong tanong ni Ali rito
"Like this" Nagulat si Ali na nasa harapan na siya nito and he sliced her waist deeply na tumalsik ang napakaraming dugo na ikinagulat din ni Ali. Pero this didn't stop her. She immediately stab the dagger in Roider's chest na ikinawala ng ngisi nito at mukhang na surprise na nagawa niya ito. Since she's using the bracelet she immediately draw a lot of energy from it and it wrapped around the dagger at tinulak niya si Roider para mahulog silang dalawa mula sa rooftop ng mansyon.
"Die with me, Idiot."
Nginisihan naman siya nito tsaka hinawakan ang kamay niya na nakatarak ang dagger sa dibdib nito tsaka nito buong lakas na kinuha. Tumalsik naman ang dugo ni Roider sa mukha niya at tinadyakan siya nito para tumalsik din si Ali papunta sa kung saan habang nakita naman ni Ali na bumagsak si Roider sa damuhan. She smiled in victory until she felt her body bouncing in the ground at sa lakas ng impact non marami siyang sugat na natamo. She also heard Raiden and others calling her name pero nanghihina na siya na parang hinihila na siya ng antok. Hindi niya ito nalalabanan dahil kahit anong laban niya ay parang namamanhid ang buong katawan niya sa mga natamo na sugat at panghihina. After that.. hindi na niya alam ang nangyare and she just realized that she did a reckless move. Kung sana hindi niya pinairal ang galit niya at tumakbo nalang, baka hindi siya napuruhan ng ganito. But in the good side, she was able to hurt Roider deeply. Alam niyang manghihina din ito dahil sa lalim ba naman ng pagkasaksak niya and also let's not forget that she putted a venomous saliva of a snake in there, na hiningi niya kay Viper kanina. For sure, Roider will lose his ability to move well. Revenge is sweet after all.
NAPANSIN kaagad ni Raiden ang pagkahulog ni Ali at Roider mula sa roof top. Hindi niya inakala na nakapasok na pala si Roider sa Barrier nila nang ganon ka bilis. What's important right now is to save his woman. Pero bago paman siya maka galaw ay may mabilisan na pangyayare kung saan bago pa maka bagsak ang dalawa ay tinadyakan ni Roider si Ali dahilan para tumalsik ito sa malayo at bumagsak sa lupa habang si Roider naman ay nanghihinang bumagsak sa damuhan. Parehong napuruhan ang dalawa at base palang dito ay napalaban ang dalawa.
"Ali!!" Sigaw ni Raiden at mabilis na nag teleport papunta kay Alina na ngayon ay mabilis niyang kinandong at wala itong malay. Parang piniga naman ang puso ni Raiden ng makita ang maraming sugat sa katawan ni Ali at malaking hiwa sa tagiliran nito. Halo halo ang emosyon na nararamdaman ngayon ni Raiden pero ang uunahin niya ay mapagaling si Ali pero ang problema, lahat ay abala sa pakikipaglaban sa mga soul suckers na nakapasok sa loob ng barrier. Hinanap kaagad ng mata niya si Caden dahil si Caden lang ang makakapagpagaling ng mga sugat ni Ali pero bago nya paman mahanap ito ay napabaling kaagad ang atensyon niya kay Ali na gumagalaw na sa bisig niya.
"Ali, don't worry ok? I'll call Caden to treat your wounds." Alalang sabi niya habang hinahawakan ang pisngi ni Alina.
Ali just smiled na ikipinagtaka ni Raiden. Kakaiba ang nararamdaman niya ngayon na alam niyang may mali.
"I can do it by myself, Raiden." Malambing na sabi ni Ali at sa pagmulat ng mga mata nito ay nagulat si Raiden kung ano ang bumungad sakaniya, or he should say sino.Dragon eyes and slowly dragon scales forming in Alina's face.
"Lien."After he called her name ay naramdaman nalang ni Raiden na sinuntok siya nito ng malakas sa dibdib dahilan para tumalsik siya sa malayo at tumama sa pader. Sa lakas non ay alam ni Raiden na napuruhan siya kaagad. Damn it!
BINABASA MO ANG
The Spirit of the Dragon Deity
FantasíaAlina Lu is the most famous model in their Island at the same time she is powerless among them. She wanted to meet the Deities so bad due to her curiosity, as she was mistakenly kidnapped by one of the 4 deities that she wanted to meet she was very...